Chapter 20 "for real, bye bye"

24 2 0
                                    

Chapter 20 “for real, bye bye”

<Ryan’s POV>

“a-h-hmm, anu, talaga bang nasasakal ka na? s-s-or-ry, I’m really sorry, wag kang mag-alala, hindi ka na masasakal.”

“no Lalaine, hindi ganun yun, Lalaine, hindi mo alam lahat ng pinag-usapan namin.”

“hindi, Ryan, ayos lang, ngayon, ako naman ang iintindi. kahit masakit. Iyon naman ang gusto mo ngayon di ba? Saka tama ka, hindi mo pa ako girlfriend kaya wala akong karapatang umasta ng ganun.” Pagkasabi niya yan ay tumakbo siya, natigilan ako sa pwesto ko hindi ako makagalaw, kaya sa halip na ako ang humabol ay si Nica ang humabol, pero it’s too late.....

*kreeeeeeeeeeeecccccccchhhhhhh*  *Bllaaaaaaaaaaaagggggggh*

Nakarinig ako ng malakas na tunog na kinagulat ng lahat na andito sa labas. Bigla akong kinabahan, dali dali akong pumunta dun sa lugar ng pinangyarihan. Nanginginig pa ang katawan ko nung unti-unti na akong papalapit dun.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko? Hindi totoo ito? Hindi! Hindi! Hindi!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hindi siya ito?!

“Lalaine!!” hinawi ko lahat ng tao na kapalibot sa nangyaring aksidente, nilapitan ko si Lalaine na duguan at walang malay. Hinawakan ko siya at niyakap. ”Lalaine, please gumising ka! Please T_T Lalaine!”

******

“30 minutes na akong naghihintay dito. Wala pa ding balita. Anu na bang nangyayari? Bakit ang tagal! Diyos ko, parang awa niyo na iligtas niyo po siya. T_T”  sinasabi ko yan habang umiiyak at nakayuko. At sa di kalayuan ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Tinignan ko kung sino iyon. “Tita? Marie? T_T”

“Ryan? Anung nangyari?” sabi ni Marie na sinusubukang pakalmahin ang sarili niya.

“Marie, I’m sorry, s-s-o-rry T_T”

“Ryan, calm down, bakit ba? I-explain mo lahat.”

“ka-k-ka-a-si, kasalanan ko.” Tapos ay sabay tingin ko kay tita. “sorry po tita, hindi ko po sinasadya, ako po ang dahilan kung bakit siya naaksidente.”

“what? What do you mean?” kitng kita sa mukha ni tita ang pagtataka sa nangyayari. “panung ikaw? Hindi ko maintindihan.”

“Matagal na po kasi kaming nagkakalabuan. Yung araw po nung birthday niyo ay nagkakalabuan na po kami nun.”

“So? ang ibig mong sabihin?”

“tita, kanina po kasi hindi kami nagkaintindihan ni Lalaine bago siya maaksidente. Hindi ko po sinasadyang maparinig sa kaya ang hinaing ko sa relasyon namin.”

“at anu bang hinaing iyon ha? Na hindi ka na makapaghintay?”

“no, tita, hindi po.”

“kahit anu pa iyang dahilan mo, nasaktan pa din ang anak ko, sinayang mo lahat---”

“ang lahat? Anu pong---”

“sinayang mo! Anu bang ginawa ng anak ko para gawin sa kanya ito, nagawa mo pa siyang nasaktan!”

“tita, please, hindi ko po kayo maintidihan”

“alam kong hindi ka pa niya sinasagot kasi hindi niya alam kung kelan niya sasabihin, pero alam mo bang mahal na mahal ka ng anak ko? Mahal ka niya Ryan, inamin niya sa akin yun. Ngunit ang sa tingin ko hindi mo na siya nahintay. Sinayang mo pagmamahal niya. Sinayang mo!”

“tita, hindi po, mahal ko po ang anak niyo. Hinihin---”

“tama na! umalis ka na dito! Wag na wag ka nang lalapit sa anak ko. Ayaw kong Makita kang dumadalaw dito! Lumayo ka na sa kanya. Hindi ka karapat dapat sa anak ko. ALIS!”

********

Wala na akong nagawa naglakad na ako papalayo kay tita. Nasa corridor din pala sina Nica, Clarence at Tommy mukhang narinig nilang lahat. Nung makalayo na kami ay napahagulgol na lang ako sa mga kaibigan ko.

“Ang sakit sakit. Bakit ngayon pa nangyari ito? At bakit sa ganitong paraan ko pa malalaman ang tunay na damdamin ni Lalaine? T_T”

“shhh..Ryan, tahan na. magiging maayos din ang lahat.” Pag-aalo ni Tommy.

“oo nga Ryan, tama na yan. Think positive Ryan. At least di ba alam mo na na mahal ka din pala ni Lalaine eh.” Sabi ni Clarence.

“saka Ryan, alam mo, magpahinga ka na din. Malay mo bukas magising na si Lalaine di ba?. Kaya umuwi na muna tayo.”

Nung makarating na ako sa bahay, tulala lang ako, pag tinatanung ako nina mommy at daddy, hindi ako sumasagot. Para akong wala sa sarili.

Kinabukasan pagpasok ko sa school, wala pa din kaming balita kay Lalaine. Balak ko sanang pumunta sa bahay nila bago ako pumasok, kaso naalala kong galit pa sa akin si tita kaya di na ko tumuloy. Naging normal ang lahat sa klase habang wala si Lalaine. Ngunit ang labis na ikinaaalala ko ay hanggang nung uwian ay wala pa ding balita. Sobrang nag-aalala na ko, gusto ko ng malaman kung nagkamalay na ba si Lalaine, kaso ni chismis wala. 

Forever KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon