Prologue:
Sabi nga ni taylor swift,
I used to think one day
I'd tell the story of us,
how we met and the sparks flew
instantly.
Pano ko sisimulan ang storya na hindi ko alam kung tungkol saan? Kung anong nangyare at kung ano ang dahilan?
Bago ko simulan ang kwento ko, matanong ko lang.. anong kwento ng first love mo?:)
****
First day of school ngayon, yes! High School nako! Maraming magbabago.. teka, handa na ba ako? Hindi ko alam.
Bago ang mga taong makikilala ko. Bagong mga teachers, bagong style ng uniform at bagong batas. Plain white polo yung top namin na may pocket sa left side tapos nandun yung school logo. Simple lang... Tapos green and black plaid na plated skirt na knee length siya depende sa height and white ponytail or ribbon lang ang pwede. Required na rin ang girls na magsuot ng exclusive white school socks na may initials na MCM o mas kilala bilang Mercedes Catholic Montessori.
Ang daming tao, lahat nagkakagulo. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung saan yung room ko. Six years nako sa school na toh, pero never ko narating yung High school building. Nititignan ko yung section ko sa bulletin board nang biglang may kumalabit sa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng Plain white polo na may bulsa sa left side, with school logo and straight cut, green and black plaid pants .. "Uyyyy! Jonas!" Nakangiting bati ko sakanya.. "anong section mo?"
Si Jonas Delisay, kaklase ko nung grade six. Hindi kami ganon ka-close, pero siya yung partner ko sa class number so, madalas ko siyang nakakatabi.
"Mercury .. Ikaw?" sagot niya...
"Weh? Ako rin!!" Natuwa ako pero, palagi niya akong niaasar noon kaya sumagi rin sa isip ko na, sana di ko na siya kaklase. Hehe..
"Yown ayos!" Hirit niya pa. "Alam mo ba kung saan yung room?" tanong ko naman sakanya ..
"Oo, dun daw yun sa may canteen eh."
"Sige tara!" Sumabay nalang ako sakanya kasi hindi ko talaga alam kung saan yung room. Naglakad kami papalayo sa may kinder rooms at sa dulo non yung lumang canteen. May exit gate na tagos sa simbahan sa tabi nito.. tapos yung hagdan na paakyat sa building namin. Nasa third floor kami, Nine sections kami at yung buong building na yon para sa first year lang. Luma at maliit lang kasi siya kaya konting class room lang ang nandoon. Isolated High school building kumbaga.
Pumasok na kami ng room, kinakabahan parin ako, wala ako masyadong kakilala sa mga nakikita ko. Hindi parin pala aircon yung room namin, akala ko ba aircon na ang highschool? Ngayong taon daw sisimulan yon, pero dun sa isang building palang pala muna yung natapos nila. Siguro nextyear dito naman sa side na toh. Isang pintuab lang ang meron dito, maraming ceiling fan, platform at balckboard. May maliit na bulletn board din sa likod. Teacher's table sa gitna ng platform. Hindi na siya katulad ng sa gradeschool na may teacher's side pa talaga. Ngayon, desk na lang.. Maya maya'y may pumasok na maputing lalaki, nakataas ang buhok at mukhang bata pa. Infairness, pogi talaga siya, pero hindi siya nakauniform ng pang estudyante.
"Goodmorning class." Ay yung adviser na pala namin. Sobrang babyface niya, ilang taon na kaya siya?... "Does anyone want to lead the prayer?" walang sumasagot. Nihawakan niya yung 1/8 illustration board at tumawag ng isang random na pangalan. "Dennis Aleguijo?" At kanyang nihanap kung nasa yung taong ito. "Sir!" sagot nung lalaki sa may tapat ko. "Lead the prayer.." mahinahon niyang niutos.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...