Chapter Seven: Unlimited Text

35 0 0
                                    

Hey guys, TGIF!

Text if you're free.

Walang Magawa eh.

tutu x

Nag-gm ako sa mga kaklase ko. Friday nanaman, ang bilis ng panahon. Parang kahapon first day lang.

"Hi, kumain ka na?"

may nagtext sakin na unknown number. Gusto ko siyang replyan kaya lang smart yung number niya, wala naman akong extra load kaya wag na lang.

"Kelly, kilala mo toh? 09287268xxx"

Nitext ko siya para magtanong kasi baka kilala niya.

"Hindi ehHh bakit?" reply ni Kelly.

"Eh nagtext sakin, tapos dko siya kilala baka sakali lang na kilala mo. Anyway, thanks."

Ewan ko, gusto kong replyan tanungin ko lang kung sino siya kaya humingi na lang ako kay Pops ng load pero konti lang kasi share a load lang.

Me: Hello. Who are you?

09287268xxx: Uy, ako toh. Sorry nga pala kung hindi ako nakatawag kanina ah. Kumain ka na ba?

Ah okay. Si Ekie lang pala. Di ko gets talaga bakit di niya masabi yung name niya sakin at yung name ko. Awkward ba?

Me: uyyy. Ayos lang. Baka rin kasi busy ka eh. yup tapos na, ikaw?

Ekie: Hindi naman, nagbasketball lang kami nung mga pinsan ko dito lang samin. Ngayon lang natapos at nagiintay lang kami nung paluto namin. Gusto mo, tawagan na lang kita pagkatapos kumain?

Me: Ay hindi na okay lang, magpahinga na lang tayo. Hehe..

Ekie: Sigurado ka? Ano ginagawa mo?

Ang daming tanong ni Ekie, konti lang yung load ko. Pero parang mas gusto ko yung ganito. Yung nagkakatext kami nang hindi ako lagi nikakabahan pagtumatawag siya.

Me: Yup! Wala na, nakahiga nako. Nagwash up na rin. Ikaw?

Ekie: Kakain pa lang eh hehe.. Sige wait ah text kita after.

Di nako nagreply kasi nga tipid na tipid ako don sa load na nibigay.

After ilang minutes..

Ekie: Uy, okay ka lang? galit ka ba?? Tawag ako saglit lang pwede?

Me: nope, pano mo nasabi? yup okay lang talaga :) uhm tomorrow na lang siguro ikaw tumawag. Natatamad na kasi ako bumaba eh.

Ekie: Ah, okay. Tatanong ko lang kasi kung anong plano sa Sunday. Hehe.. 22 na kasi yun eh.

Ay shoot oonga, 22 na agad sa Sunday. First monthsary namin, kaya lang pano naman kami magkakaroon ng plano ehh walang pasok non. Tss malas na swerte lang. Malas kasi di ko siya makakasama kahit pasimple lang, swerte kasi di kami awkward.

Me: ha? Eh hindi ko alam haha sorry. First time ko kasi ehh. Uy Ekie, sige na. Baka hindi nako makareply kasi wala nakong load.. Goodnight na lang. :) Take care.

Ayokong nauuna mag-I love you sakanya, parang feel ko kasi kapag ganon, parang ang dating eh ako yung Mas kesa sakanya. Ayoko ng ganon, gusto ko pantay lang kami or mas siya. diba, kasi babae ako.. Parang feeling ko mas okay na Mas mahal ako ng lalaki kesa mahal ko siya. In that way alam ko yung worth ko sakanya, alam kong importante ako sakanya.

Hindi na nagreply si Ekie, bakit kaya? nagalit kaya siya? :(

"Ate phone." sabi ni Xian sakin nang kumatok siya sa kwarto ko.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon