Chapter Nine: Love Issues

33 0 0
                                    

"Goodmorning class." bati ni Sir. Ang bilis ng panahon. November na agad, mabilis lang ang quarter na toh, kasi kailangan bago mag-Christmas break, nakapag exam na kami.

Homeroom and first period ngayon, Monday.

"Okay pass the papers." sabi ni Sir nung matapos niya idistribute per column yung letters na hawak niya.

"Uy tungkol saan?"

"Yes!"

"Yeheyyy Outbound."

"Outbound?"

Sabi ng mga nasa paligid ko pagka-kuha nila ng mga papers nila. Nibasa ko agad ng mabilisan yung content nung letter.

"Oh sige lakas pa. Mga excited kayo masyado." Sabi ni Sir. Lumakas kasi yung murmur ng bawat isa. Excited talaga kami.

Ngayong taon pa lang naman kami mago-outbound pero siyempre naririnig na namin yung mga kwento kwento sa mga Ate at Kuya namin sa mga clubs at sa school.

"So today, after lunch, you'll be attending an outbound seminar at the Aula Minor (Auditorium ng school)" Yes! Mag-cut kami ng subjects..

"So eto nanaman tayo. No Reply Slip, No Outbound. Deadline is Monday next week."

One month from now yung schedule namin. Yung 1st batch naman next next week na. 3rd batch kami kaya last kami. Sa December 7 pa siya.

"Take nothing but pictures, leave nothing but footprint, kill nothing but time. Most of all, have fun!! Thank you, Good luck and God Bless your trip!" closing remarks nung kuya from lakbay kalikasan. Sila yung nagoorganize nung trip eh.

Yung outbound, katumbas siya ng fieldtrip. Pero hindi siya fieldtrip kasi di kami pupunta sa mga lugar na yon para mamasyal. Pupunta kami don para maexperience yung mga activities, historical events, and ma-appreciate namin yung place. Sa Pampanga kaming first year, meron daw hiking, rapelling at marami pang iba. Expect to get wet and exhausted nga daw eh, isang buong araw yon ng puro physical activity.

"Yayyy excited nakooooo." Sabi ko habang nag-giggle kay Kelly.

"Ako rin!! kaya lang ang tagal pa." sagot niya at nagpout pa.

"Ayos lang yan. Save the best for last daw." sabi ko naman habang pababa na kami ng Aula at pabalik ng room.

"Oy Khia, si Ekie?" tanong ni Dea sakin.

"Di ko nakita eh. Bakit?"

"Eh kasi yung pamaypay ko kinuha niya sakin eh. Di niya binalik epal yon." sabi niya habang nihahanap si Ekie. Nauna na siya maglakad samin.

---------------

Parang ang bilis matapos ng mga araw ngayon, payapa at walang gulo. Nalalapit nanaman yung monthsary namin ni Ekie, okay naman kami. Bukod sa umiiwas nako kay Wency, mas nagiging showy na kami ni Ekie ngayon. Siguro nalagpasan na namin yung awkward stage.

Ganon pa man, wala parin munang holding hands and touchy touch. Mga pasimpleng hawak kamay lang na habang nakapatong yung kamay namin sa armchair, parang ganon.

"Lalaro kami mamaya nila Ryle. baka di ako makatawag." sabi ni Ekie sakin from my back. Seriously, nikikilig ako pag ganito niya nioopen up na parang nisasabi niyang 'nandito nako'

Humarap ako sakanya at natawa sa itsura niya. Nakababa kasi yung buhok niya ngayon, hindi ko trip. Mas gusto ko yung nakataas niyang hair na spikey.

"pfft. itsura mo." natawa ako.

"Sama mo ah." sabi niya na kunyareng naasar siya.

"Ang pangit. Taas mo na yung hair mo." sabi ko.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon