Chapter 17: Fresh Start?

16 0 1
                                    

[KHIA's POV]

What? Monday nanaman.. pero excited akong pumasok. Excited kasi may allowance nanaman, magaayos ako ng sarili ko at higit sa lahat may silay ako. Silay agad?.

"Khiaaaaaa!!!" as usual, naging routine na namin ni Kelly toh. Napahiwalay na samin si Angie kaya kami na lang dalawa ni Kelly ang sabay na pumasok lagi.

Nakarating kami sa school ng maganda yung mood. Para bang okay na okay kami kahit na di pa kami nagkukwentuhan, parang dama na naming dalawa na masaya kami pareho.

"Kels, uwi tayo agad later?" sabi ko pagkasakay namin ng jeep.

"mmm. May gagawin pako eh favor ni mama."

"Okidoki ako rin wala na rin ako pera pangkain haha!"

"Uy gagi ako rin sobrang broke. hahaha!!!" reply niya sakin. Okay, dito na nagsisimula ang araw namin.

Nagiging routine na namin toh. Papasok kami ng school, mags-stay saglit sa grounds, silay, lalapit si Ekie samin dalawa, asaran sila kwentuhan, asaran ulit. Tapos aakyat na kami sa classroom at susunod naming alam, uwian na. Parang ang bilis bilis ng panahon. Dalawang linggo na yung nakakalipas simula nung naging okay ulit kami ni Ekie.

May mga taong ususero, nangaasar at may mga tao rin na nakasuporta samin.

"uy." Napahinto nanaman ako sa nilalakaran ko sa grounds. Uwian na! nagkakagulo ang mga tao sa paligid, hanapan ng mga boyfriend at girlfriend, mga tropa tropa, mga kikay, at iba pang hierarchy ng HS na may kanya kanyang meeting spot.

"Bakit?" sabi ni Kelly sakin habang sa nitatayuan ko ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Ano toh parehong eksena nanaman ang mangyayare? Ganon ulit? Si Ekie ... kasama nanaman sina Chiena and friends? Ano toh? Lokohan ulit ganon?

Parang gustong sumabog sa kaba ng puso ko. Napanood ko na toh, nakita ko na toh. Alam ko na tong eksenang ito.

"Huy.." nialog ako ni Kelly dahil natutulala nako.

"lika na.." sabay tumalikod ako para maglakad.

"Uy! *Tok Tok Tok* (Yung tunog na nigagawa niya sa bibig niya na pantawag)"

"Khia, si Ekie!" derecho parin ako sa paglakad hangga't sa naramdaman kong may bumatak ng bag ko sa likod.

"Sssstttt oy." mukha ni Ekie ang bumungad paglingon ko.

"San ka punta?" tanong niya na para bang cool lang at wala lang nangyare kanina.

"Huh? Uwi na." Medyo parang pagod na malungkot na ewan na reply ko.

"Tara hatid ko na kayo sa sakayan."

Tumango ako at sabay sabay na kaming naglakad. Nauuna ako sakanila habang nagaasaran si Ekie at Kelly. Lagi silang ganyan, malakas sila mangasar at medyo close naman sila.

"Sunduin ka ni Tet? Arikikikiki. Kinikilig! Bakit ka kinikiligg!!!" naririnig ko yung boses ni Ekie sa likod.

"Gago ka Ekie! Ikaw nga .. yan oh yan oh yan oh!!"

"Yaaaaan?! ... Wag yan mahal ko yan." tsss. Mahal? Totoo? Parang dapat matuwa ako pero bakit parang di ko sure kung totoo..

Narating namin yung sakayan. Magkatabi kami ni Ekie pero di kami nagkikibuan. Tanong siya ng tanong kung okay lang ako, sagot naman ako ng sagot ng oo.

Malalim masyado yung niisip ko.. Dahil narin dun sa nakita ko kanina. Tama ba yung naging desisyon ko? Oo alam ko, totoo toh. Totoo tong nararamdaman ko, siya talaga yung gusto ko. Siya talaga yung mahal ko.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon