Chapter 19: Trust Issues

13 0 0
                                    

Nagiging maayos na ulit kami ni Ekie. Parang nasa point kami na getting there. Not in a relationship but prolly parang ligawan stage. Although parang naging ganon na kami everyday, pero it's not official. So kapag may nagtatanong samin kung nanliligaw n ba siya ulit, no parin ang sagot.

Sembreak na kaya medyo tahimik ang buhay buhay. Ilang araw na lang din, papasok na kami ulit. Ang daming activities na ang nagdaan, nagkaroon pa kami ng United Nations Diorama sa mga classroom.. Ang funny lang kasi, malay ba namin sa bansang napunta samin. KENYA! Aba eh, sa africa pala toh. Nidecorate namin yung class room namin na parang jungle. Wala kaming idea masyado sa country na yon.

Nasa harap lang ako ng computer at nagche-check ng friendster account ko. Nagttweaks ng layout na rin. Napapunta ako sa profile ni Ekie, tweaked na yung profile niya, nigawan siya ni Maui. Sa totoo lang, may konting selos akong nararamdaman, kahit sobrang close na kami ni Maui at sila rin ni Ekie, kaya niintindi ko na lang na nitutulungan lang siya ni Maui, and isa pa, merong ka-thing siya ngayon. Ang pogi!!!!

Nanonood lang ako ng TV sa bahay at may katext na iilan. Actually nagtatanong lang sila. Simula nung naging Sophomore kami, at all girls pa sa room, bihira na yung text-text.

Ten years from now, ganito parin kaya tayo?

Ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, forever and ever!!!

Promise?

Promise.

(song) You always ask me, those words I say, and telling me what it means to me?

.....

Napanood ko yung trailer ng One More Chance. O.K.A.Y.

ONE NEW MESSAGE

MAUi

Gurl omg! one more chance!!!!!!!!!!!!

Aghh sobrang relate! Gusto kong panoorin.

K: WHAAAAA!!!!! Napanood ko rin!!! nitamaan ako!

M: HAHAHA naalala nga kita agad eh.

K: Onga ehh parang nitamaan ako. "Ako naman ang may gusto nito...." hahahaha

M: Basha! :))))))))

****************

Pasukan na ulit. Ang bilis, third qrtr na. Ang pinaka-maikling qrtr samin.

"Omg panoorin natin!!!"

"Grabe sobrang napa-uhhh ako pagtapos. tagos!!"

Puro One More Chance ang usapan sa paligid. Nasa corridor pa kami dahil wala pa si Miss V. Tumayo ako't sumilip sa grounds. Natanaw ko si Ekie sa may dulo ng grounds kasama ng ibang mga boys na nagiintay ng bell. Sumisilay lang yang mga yan.

*Clap Clap Clap*

"OY!!" di ko namalayang nasa may tapat ng building na si Ekie sa baba. Tumingin ako dahil nitawag niya ko.

"Oh?" sumagot ako ng pasigaw rin haha. Okay, ganito kami magusap pag nasa building kami dahil ang awkward kapag pumanik siya dito sa building namin na puro girls.

"Intayin mo ko mamaya!" sabi niya sakin.

"Ha?"

"Intayin mo ko mamaya! Sabay tayo umuwi! ohhhhh. Hindi man official, parang okay na okay na kami ulit na parang may something ulit samin.

"Mmm sige!" tumango ako tapos sumagot ng sige. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa kabilang side dahil andon yung building nila.

Natutuwa naman ako kahit papano, ngayon ko lang siya nakikitang nageeffort talaga sakin. Kahit ilang beses pa may humadlang sakanya, kahit hindi stable yung 'kami' pero at least nakikita kong sincere siya ngayon.

"OMG DEEAAAAAA!!!" nagulat ako nung nakita ko siya. haha. Nakikita ko naman siya, natutuwa lang ako na makita siya today.

"Khiaaaaa!!!!!!! Hahahah!! Ano naaaaa?! Balita sayoooooo?"

"Well well well ganito parin."

"Kayo na ulit ni Delantar?:)) yiie" aba'y di niya talaga nipapalampas ang araw na maguusap kami na di niya tatanungin yan.

"Hoy hindi ah." eh biglang dumating si Miss V ... Nagpaalam nako kay Dea at bumalik sa pwesto ng bag ko.

"Gurl may kwento ako!" sabi ni Maui sakin habang nagiintay kay Sir Simeon.

"Ay sigisigi. Ano ba yan?" Sagot ko na medyo excited pako.

"whaaaa. Nahihiya ako!:))" parang natatawa na ewan yung reaction niya.

"Ha? Ano ba yan?:)))" sabi ko.

"Wag kang magagalit.........." parang nikabahan ako sa nisabi niya.

"Kasi ganito yun. Parang, baliw lang. Parang naging kame na hindi, na wala lang talaga." huh? sino? ni Axis? .. Yung ka-thing niya..

"Oh tapos? wait nino??" sagot ko.

"si ano... huhhhh.... gurl, sorry.. baka magalit ka ha! wala lang yon. Dare lang yon.." uhm okay medyo may kutob nako.

"Sino ngaaa? :))" natatawang reaction ko pa. ayoko magassume tho gets ko na. Gusto ko sakanya manggaling.

"Siya nga, si Ekie. Pero wala lang talaga yon! Wala pang 24hrs.." ouch.. kaya pala naging super close sila.

"Wehhh!?! Omg! haha bakit pano nangyare?" nalungkot ako sa nisabi niya, pero wala naman dapat ako ireact na masama kasi unang una, di naman kami nor di siya official na nanliligaw na talaga talaga...

"nung nagkakalabuan kayooo... parang, wala, dare lang. Parang.. nagjoke siya na, 'tayo na lang kaya?' tapos ako parang.. weh di mo naman kaya kalimutan si khia eh. tapos sabi niya, kakayanin daw niya ganyan.. tapos pumayag ako, tapos siya ang gago um-oo rin. tapos yon. Wala pang 24hrs, umayaw rin siya. Haha. Kinabukasan, sabi niya di daw niya talaga kaya na mawala ka.."

"Wehhh haha adik yon..." nidadaan ko na lang sa fake na tawa.

"gurl sorry! Pero wag ka magalala wala talaga yon!!! Joke joke lang yon." sa loob loob ko, okay.. Pero. Parang nawalan na ko ng gana na pagkatiwalaan sila.

"Ano ka ba, di naman kami ni ekie ehhh.. Di ko naman hawak decision niya :))))" sagot ko kay Maui.

Napapaisip ako sa mga nikwento niya, pero thank you kasi naging honest parin siya sakin.

Lumipas na ang mga araw, nagsimula na rin ang showing ng One More Chance. Uhm dahil sa nikwento ni Maui sakin, parang niiwasan ko muna si Ekie. Napansin ko rin na mas lalo silang naging close, pero may ka-thing parin si Maui ngayon si Axis parin. Bestfriends na ang turingan ni Maui at Ekie, as in close na sila super.

ONE NEW MESSAGE

MAUI

Gurl kasama ko si Ekie ngayon, nanood kami ng One More Chance!!!! Grabe sobrang ganda, dapat talaga sumama ka.

Napaisip ako sa nitext ni Maui. Kasama dapat ako sa gala na yon, pero di ako nipayagan. Tumuloy parin pala sila.

Few days after.. Etoh nanaman ako, nagrereply nanaman sa mga text niya. Kahit pa sa mga nalaman ko and sa closeness nila ni Maui, parang para sakin nilalakad lang siya ni Maui. Bakit ganon parin ang tingin ko... Minsan niisip ko, tama parin bang magtiwala ako sa dalawang toh? Pero ... Hindi naman kami ni Ekie eh, so wala akong karapatang pagbawalan siyang makipagusap. Kaya siguro may limit lang yung pagtitiwala ko sakanilang dalawa, siyempre ayokong masaktan in the end.

Unti unti na kami nagiging okay ulit. Ayun nga lang medyo nagiging third wheel si Maui or si Kelly.. Pero hanggang school lang, di parin kami legal ehh.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon