Chapter Five: 'You too'

29 0 0
                                    

Pagod parin ang lahat kahit kahapon pa kami nakabalik. Retreat hangover siyempre. Nipaguusapan na yung mga nagemot ng sobra nung retreat, siyempre tawanan yung class.

Nasa tabi ko sa left si Ekie dahil lumipat nanaman siya tapos sa right ko naman si Dea.

"uy ano nang balita?" tanong ni Dea na nakangiti.

"Ha? Wala ah..."

"Uy teka. hindi ko gets yung okay mo nung nisabi niyang I love you daw" habang nituro niya si Ekie na nakaharap dun sa boys side nakikipagasaran. Magkatalikuran kami.

"Yung okay na yon ba eh, parang gusto mo rin siya?"

"uhm siguro ganon.."

"So ibig sabihin mahal mo rin siya?"

"parang... yata? ewan ko hahaha"

"Hala wait. Kinikilig akooo. so kayo na?"

"hindi ko alam, kami na ba?"

"Ba ewan ko sayo. pero gusto mo ba?"

"yata. mmm, oo."

"OO?!" Napatayo siya sa tuwa. Wala na si Ekie sa likod ko, lumipat siya dun sa likod dahil nandun yung ibang nagaasaran.

"oonga..."

"OH MY GOOOSH. Ekie!!!!!" sigaw niya tapos lumapit siya kay Ekie. Dahil natural na maingay yung klase, hindi halata yung ingay na nipaguusapan namin ni Dea.

-----------------------

EKIE'S POV

-----------------------

"huy sabi ni Khia oo na raw!!!" nagulat ako sa nibulong ni Dea sakin.

Wala akong nasabi parang.. Napatango na lang ako na parang 'weh.. di nga?'

Ang sarap sa feeling. Pero nakakatakot rin dahil first time ko toh. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Lalapitan ko ba siya? tatabihan? ano? ewan ko na.

"Oo nga daw!!!... hay kinikilig ako.." tuwang tuwa siya habang naglalakad pabalik sa upuan niya.

Hindi ko muna lalapitan si Khia, mamaya na lang siguro. Natapos yung class namin ng tahimik. Himala toh, pero sigurado akong ngayon lang toh dahil galing lang kami sa retreat.

Nibangga ko si Khia sa likod niya na kunyare di ko nisasadya. "ssst ooy totoo?" hindi ko alam kung bakit natatameme ako kapag nikakausap ko siya. Ni hindi ko mabanggit yung pangalan niya.

"Ayaw mo ba?" sabi niya sakin. Kung alam lang niya kung gano ko kagusto.

"Gusto! wala nang bawian ah." So official na nga, may girlffriend nako! Wooo! Magaan ang kalooban ko ngayon.

Lumabas nako ng pinto kasama sina Jonas, Polo, Bryan at Diego.. Pagbaba namin ng hagdan sa 2nd floor, nakasalubong namin sina Ryle. Mga kasama ko sa varsity.

"Oy tol." sabay man-hug at handshake.

"Balita?" sabi niya sakin

"Wala naman... ganon parin."

Habang nagbibiruan, naaninag kong palabas ng room si Wenwen. Hindi ko mapigilang magangas ng tingin.

"Sige tol, una nako.." sabi ko kay Ryle at bumaba nako ng hagdan bago pa kami magpangabot ni Wenwen.

----------------------

KHIA'S POV

----------------------

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare. Totoo na ba toh? Kami na? Hindi pwede malaman toh ng mga tao. Mahirap na, hindi kami legal. Bawal pako eh..

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon