Chapter Twelve: Bittersweet Beginnings

26 0 0
                                    

"Ooops ooops ooops wag na tayong dumaan dyan." Nihatak ako ni Kelly papunta sa ibang daan. Anong meron?

"Huh? Bakit..?" nagtataka lang ako.. Mga ilang araw nang parang may something sa paligid.

"Si Ekie andon. Kasama yung mga taga Pluto.. Yung, Chiena? Chiyena ba yun??" aww okay. Close ni Lyka yung mga yun, baka dahil lang don?

"Ah. Chiena ("sheena") Eh ano naman? Dadaan lang naman tayo ha. Tara." sa totoo lang nikakabahan akong dumaan sa harap nila. Anong nigagawa ni Ekie, bakit dito nakatambay?!

Bumilis yung heartbeat ko. Habang papalapit kami ng papalapit sa tapat nila. Nandito rin si Lyka at yung ibang mga Pluto at Mars.

"Oyyy si Khia oh..." nako po. Sabi ni Lyka, nagtinginan pa silang lahat sakin. Awkward, nagsmile back nlang ako. Parang nagiba yung aura ni Chiena nung makita ako. Kahit wala namang confirmation na kami, alam halos ng batch na may something..

Tumayo si Ekie at lumapit samin ni Kelly.

"Kelly!" Nakipag-apir siya.

"Oy. Ikaw ha!! Anong ginagawa mo dyan?" Tahimik lang akong nakatingin kay Ekie habang naguusap sila ni Kelly.

"Niintay ko lang si Lyka. Uwi na kami maya maya.. Ikaw.. Sssst oy. Bakit di ka pa umuuwi?" sabi niya sakin. Napansin niya palang nandito rin ako. :3

"Ha? ehh may nitatapos pa yung group nila Kelly. Nagiintay lang din ako.." medyo pilit na ngiti ako. Ngayon lang .. Ngayon lang ako nakaramdam ng ... Ano toh?! Selos? :(

"mmm sige. Una na kami... tara!" sabi ni Kelly.

"Sige. Ssst oyyy. tawag ako maya ah.. Ingat! oy Kelly. Ingatan mo toh" nikurot niya lang yung cheek ko. Tumango tapos bumalik na don.

--------------------

Simula nung araw na nakita ko si Ekie kasama yung grupo ng mga Pluto, hindi ko na maiwasan magselos. Pero di ko rin naman magawang mainis or magalit, kasi feeling ko wala akong karapatan. Wala kasi, ni hindi ko siya maipagsigawan sa mundo. Siguro ganito rin yung naramdaman niya nung mga panahong naging magkasama kami lagi ni Wency tuwing uwian.

"Oy. Khia si Ekie???" tanong ni Ryle ng makasalubong ko sila sa may grounds.

"Nandon.. Kasama sina Lyka." nituro ko kung saan lagi na silang nakatambay simula non.

"Ah sige. Salamat!" ngumiti lang ako.

Sa totoo lang, onti onti nang nawawala yung 'kami' parang bumalik na lang talaga kami sa pagiging magkaklaseng may issue lang.

EKIE: Belated Happy Monthsary Babee. I'm sorry late na.. Love you!! 22 <3

nagtext siya sakin. January 23 na.. Ni hindi man lang kami nagusap kahapon kahit na pareho kaming nasa school.

Nagtext ako sakanya kahapon, pero hindi siya nagreply. Hindi ko na rin siya nikulit pa. Pero masakit, masakit na.

ME: Sorry sorry ka dyan. Kahapon pa yung monthsary, meron bang 22 na dalawang beses sa isang buwan?

Naiinis nako. Ngayon lang ako nagsungit sakanya ng ganito.

EKIE: kaya nga nagsosorry eh. Belated na nga eh. Ano bang problema mo?

ME: Ay so ako pa may problema ngayon? Ikaw kaya yung nakikipaglandian diyan sa harap ko, tuwing uwian. Baka lang kasi nakalimutan mong may girlfriend ka po.

EKIE: Eh bakit. Nung ganyan kayo ni Wency, may narinig ka ba sakin?! oo may girlfriend nga, di naman maipagmalaki kung kanino. Ang daming hindi pwede, pero kapag kay Wency pwede.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon