WENCY: Goodevening.
KHIA: evening..
Ayoko sana magreply pero, sige na nga. Walang mangyayari kung di kami maguusap.
WENCY: Sorry kanina, di na kita naantay. Maaga kasi kami pinalabas eh.
KHIA: Mukha nga eh.. So maaga ka pala nakauwi ngayon.
Kunyare wala akong alam.
WENCY: Oo, kasabay ko si Kuya. Umalis lang kami kaya ngayon lang ako nakapagtext.
Sinungaling.
KHIA: Ah okayyy. Sige pahinga ka na, kumain ka na ba?
Sa puntong ito wala ako sa mood makipagaway sakanya, pero napagisipan ko na... Hindi na sana pero, pupunta nako sa birthday ng mommy ni Ekie.
WENCY: Okay lang tapos na. Ikaw kumain ka na?
KHIA: Oo kanina pa.
WENCY: Ah ok.. anong desisyon mo sa birthday ng mommy ni Ekie??
KHIA: Di ko pa sure. sa tingin mo? okay lang ba sayo?
Baliw. Alam nating lahat ang sagot sa tanong ko. At alam kong nakapagdecide nako.
WENCY: Ikaw, gusto mo ba?
KHIA: Ewan ko.. Nahihiya lang ako tanggihan.
WENCY: Alam ko kung saan bahay non eh, nila Lyka. Gusto mo samahan kita?
Ayoko. Oonga pala, magkaklase sila dati ni Lyka nung GS at pareho silang nasa scouting.
Hindi nako nagreply. Weekend na ngayon at wala masyadong assignment. Actually, hindi pwedeng magbigay ng assignment samin kapag Friday. Bwaha!!
Dahil wala akong magawa, nagpatugtog na lang ako sa kwarto at nakahiga. Ni-plug ko yung shuffle ko sa radio.
Pagmulat ko ng mata, umaga na pala. Saturday, sa wakas pahinga!!
"Kishaaa yung mga gamit mo nga dito pakilinis." .... ay hindi pala :3
"Natutulog pa po!!!" sagot ko habang nagaayos nako ng sarili ko para bumaba.
"Tanggalin mo nga yang mga basura mo diyan. Dalhin mo lahat sa kwarto mo yan. Ayusin mo!" ratatatatatt ni mudra umagang umaga.
Juice Coloured, sabado nga ngayon!!
"Hay ingayyyyyyyy..." pabulong ko sa sarili ko.
"Hehe" ay narinig pala ako ni Ate Jing. Siya yung tagalinis, laba, plantsa namin tuwing Sabado. Ayaw ng parents kong may kasambahay kami, simula nung nag 7th Birthday yung bunso namin, wala na kaming kasambahay.
Pumupunta na lang tuwing Sabado si Ate Jing para maglinis ng bahay, maglaba at magplantsa sa hapon. Konti lang yung damit namin dahil madalas eh, uniforms lang yon.
"Ate nitatawanan mko ha!" Sabi ko sakanya. Umakyat nako ng kwarto at sabay nitali yung buhok ko. Ang init!! Naglinis na rin ako ng kwarto para sulit yung pagsinop ko ng mga gamit ko sa baba.
"Mum ano pong ulam?" tanong ko matapos kong maglinis ng kwarto. Nagugutom na kasi ako eh.
"Sinigang na hipon. Kain na, tawagin mo na mga kapatid mo." utos niya habang nakahiga na siya at nanonood na lang ng TV.
"Jinggay kain na!" sabi niya pa. Yup! Minsan si Ate Jing ang nakakasabay kong kumain. Ayos lang yon, pantay pantay dapat.
"Sigi lang Ati, busog pa ako." Bisaya kasi siya. Hehe..
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...