Nakalipas na ang ilang araw, medyo cold parin kami ni Wency sa isa't isa. Siguro dahil narin sa pagpunta ko sa birthday ng mommy ni Ekie. Pero para sakin, wala naman ako dapat don kung hindi dahil sakanya.
Pero ayoko na siyang sisihin, wag lang niya sasabihing ako ang may kasalanan.
"Khi, gala tayo on Sat!" sabi ni Kelly sakin.
"Sige papaalam ako. Sino sino?"
"Ikaw, ako, igi, ayain mo si Wency!" so parang thirdwheel pala ako. Oh well.
"Nako, ayoko. Tsaka di sasama yon." never ko pa siya nakitang sumama sa mga gala gala or mall ng mga magkakaibigan. Medyo may pagka-korny kasi si Wency.
"Hahaha gaga ka. Isama mo!" sa nisabi kong yon kay Kelly, parang may nihahanap akong ibang tao na isama. Hay bakit ganito.
"Ask ko.." sabi ko na lang. Pero sa totoo lang ilang araw na kaming hindi naguusap. Parang tanungan lang kung kumain na ba, kung kamusta or kung may nigagawa.
Paguwi ng bahay afterschool, dumerecho agad ako sa kwarto. Feeling ko sobrang pagod ako, or malungkot lang siguro.
Nicheck ko yung phone ko, kung sino sino man ang nagtext. Halos puro GM, sa 21 Unread Messages ko, niisa don walang text si Wency.
"Grrrrr!" sabay bagsak ng phone sa ilalim ng unan ko. Nipikit ko na lang yung inis ko.
Pagdilat ko, wala nakong makita sa paligid. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Shoot!" parang naalimpungatan lang kasi ako. Akala ko kung ano na nangyare, gabi na pala. Sabay tingin ako agad sa phone, 5 New messages.
KATIE
KELLY
BRIAN
POLO
ANGGE
Lahat sila GM :| Wala parin yung niintay ko. Napipikon nako.
KHIA: Oy ano ba?! Ganito na lang ba tayo?. Kaya mo kong tiisin ng ganitong katagal?
Mga ilang araw na ba? Mga tatlo na simula nung huling nakatext ko siya nung sabado. Saglit na saglit lang rin yon.
Ilang minutes nang nakalipas, wala parin siyang reply.
"Shet Wency ano ba!" sabi ko sa sarili ko. Nagmumukha nakong tanga, buti na lang magisa lang ako sa kwarto.
"te kain na daw."
"Oo sige" nisundo ako ni Lia sa kwarto. Dahil di masyadong maayos yung gising ko, iritable ako.
Umakyat nako ulit ng kwarto pagkatapos kumain. Hindi ako ang nakaschedule na maghugas ng pinggan ngayon, buti na lang! Nicheck ko ulit yung phone ko,
1 NEW MESSAGE
WENCY16
Sa wakas naman at nagtext na!
Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Sorry, alam kong kasalanan ko. Pero nararamdaman ko kasi na nagiging cold ka.. :(
Ako pa naging cold?!
KHIA: Cold? hindi ah. Ikaw yung hindi nagtetext kaya hindi rin kita nitetext naiinis lang ako kanina, para kasing wala ka talagang balak magtext. Parang kayang kaya moko matiis eh noh.
WENCY: Hindi. Gusto kita itext pero ayokong magkaaway pa tayo. Niintay ko lang yung tamang time. Tsaka, busy ka naman yata sa mga katext mo pa.
KHIA: Fyi wala akong katext na iba. Hindi lang ako sanay na ganito.. na nititiis mo ko.
Totoo. Siguro.. May niisip ako, ang lalim lalim. Parang di ko na maramdaman yung spark. Naiinis ako na hindi siya nagtext pero nung nagtext siya parang di ko parin nakuha yung gusto kong maramdaman. Hindi ko nakuha yung gaan ng loob na nakukuha ko dati kapag nagtetext siya.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...