Chapter Fourteen: Deep Inside

31 0 0
                                    

Dumating na kami sa 'residence' nila. Kung titignan mo sa labas, isang malaking bahay lang siya, pero may isang bahay pa pala sa loob nito. Meron silang isang malaking gate, malaking parking space na parang pwede na maglaro ng basketball silang magpipinsan. Actually, nadatnan namin yung mga bata na naglalaro dun ng basketball.

"Titaaaaaa!!" Sigaw ni Lyka pagpasok namin. Sa malaking bahay kami dumerecho.. Nakaayos na lahat na parang may handaan talaga.

"Tita Liz, nandito na kami!! Tita?" Nihahanap parin ni Lyka. Nasa may pinto lang kami malapit, nkatayo lang kami don habang nagiikot ng tingin. Ang dami daming bata.

"Khia, upo muna kayo. Nagaayos pa daw si Tita.. Papalit lang akong damit." sabi ni Lyka habang paakyat siya ng hagdan.

Dito sila nakatira lahat? Wow. Gano kalaki ba tong bahay na toh?

"Uy Khia." Tapik ni Kelly sakin, at may nituro ang nguso niya..

"Ay hello po Tita." napatayo ako bigla sa pagkakaupo eh, nisalubong ko siya dahil nakaopen arms siyang papalapit sakin. Para bang hug / beso position agad.

"Ay nako.. Ayoko ng Tita. Mommy, gusto ko mommy itawag mo sakin.. Di kita papansinin pag Tita! hehee."

"Ayy nako po. Nakakahiya.. hehe" omg!!!!! Ano daw? Mommy?!

"Oh bakit. Basta, mommy. Kahit di kayo ni Ekie, gusto ko mommy tawag mo sakin.. Haha. diba ano?" nicocomfirm niya kay Kelly.

"Haha. Opo. Happy Birthday po Tita!" sabay beso din niya.

"Ay tita si Kelly po, bestfriend ko." sabi ko..

"Ano? Sinong tita? hahaha" niaasar niya ko.

"Ay mommy po pala. hehe.." sobrang hiya yung boses ko.

"Hahahaha yan! Mommy Liz lang dapat. Teka, nakita ka na ba ni Ekie? alam niya bang nandito ka na??.. Nasan ba yun.." nihahanap niya si Ekie. Naiwan nanaman kaming dalawa ni Kelly don.

Nagkakatinginan kami ni Kelly at nung umalis si Tita, ay mommy pala. Pshh.. Parang nagbubulungan kami ni Kelly. Natatawa kami pareho.

"Grabe nakakahiya." sabi ko ng mahinang mahina.

"Haha ang kulet ng nanay ni Ekie.. don yata nagmana yon." asar pa ni Kelly.

"Halika dito.. Nandito si Khia oh, kausapin mo dito." naririnig namin from afar.

Di ko masyado maintindihan yung nisasabi ni Ekie. Boses ipis pala talaga siya kahit sa bahay. Sa school rin naman, pero kala ko normal lang na lakas yon. Maingay kasi sa room namin, tsaka SO (Secret On) kami .. akala ko kaya siya laging parang bumubulong.

"Ehh nahihiya ako.." sabi pa niya. Sobrang soft ng voice niya makipagusap sa mommy niya.

"Eh bakit ka mahihiya? Halika na. samahan mo sila dito.. Wala pa naman yung mga kaibigan mo ehhh." lumabas sila coming from the kitchen. Kasunod na ni tita si Ekie.

"Khia, maiwan ko muna kayo, Kelly.. Magaayos lang muna ako baka dumating na yung mga bisita eh... Oy ano, Ekie?! Ientertain mo yang mga bisita ha.. heheeheheh."

"Tss.." napakamot ng ulo si Ekie.

"Ano?! Nahihiya ka??!!! .. Hahaha. Ikaw kasi eh, ang ganda ganda na ni Khia.. Pinakawalan mo pa. Kundi ka kalahating tanga eh.. hahahahha. Joke joke lang."

Hahaha gusto kong tumawa sa nisabi ng mommy niya. Sobrang cool pala ni tita. As in!

"Sige na sige na dun ka na!" Sabi ni Ekie. Nagpipigil kami ng tawa ni Kelly.

"Osya sige, bonding bonding muna kayo dyan ha. Khia.. Kelly... Maiwan ko muna kayo." habang naglalakad na siya palayo.

"Okay lang po tita. Go lang po." sabi ni Kelly.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon