[EKIE'S POV]
Hindi ko parin makalimutan yung sinabi ni Khia, hindi ko naman rin magawang magalit sakanya, may mali siya pero mahal ko siya.
Naalala ko nanaman yung nangyare kahapon. "Tol. nabalitaan mo na?" tanong ni Ryle sakin nung makita ko siya habang pababa ako ng hagdan nung nagCR ako.
"kakasabi lang ni Khia, badtrip." sagot ko.
"Labo kasi, yung totoo kayo na ba??"
"oo nga kaya lang diba secret lang." Nakakayamot sagutin yung tanong.
"Huy. nandyan ka pala" nagsnap back ako mula sa niisip ko. Hindi ko namalayang nakalipat na pala ako ng upuan. Parang naglakad ako magisa ng lumilipad yung isip ko dito.
"mm ano ginagawa mo?" tanong ko na lang sakanya para may mapagusapan.
"wala naman nagaayos lang ng gamit.. Uy nga pala. nakausap ko na si Wency.." psshhhhh si etoh nanaman kami. Lagi na lang kaming nagaaway dahil sa issue na toh.
... "sabi ko, gusto ko na siyang tumigil sa panliligaw niya." nagulat ako sa nisabi niya. Pero natuwa rin.
"Oh tapos?"
"sabi niya ayaw daw niya." yown. Tngna.
"tsssss." reply ko sakanya sabay tayo at bumalik nako sa upuan ko, dumating na rin kasi yung teacher namin.
[KHIA'S POV]
Isang buwan pa lang kami ni Ekie lagi na kami nasusubok. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kami nagkakalabo.
ME: Wenz, sorry talaga pero pwede bang tumigil ka na?
Nagtext ulit ako sakanya para patigilin siya. Kunyare na lang na di pa ko ready and all, pero lagi akong naiipit kasi nagsisinungaling ako.
WENCY: Bakit? Khiara sabihin mo nga yung totoo. Kayo na ba?!!
ME: Basta tumigil ka na para wala na lang gulo. Para matigil na rin kayo ni Ekie.
Simula nung nalaman ni Ekie, lagi na silang nagkakainitan. Minsan ko na sila nakitang nagbanggaan papunta sa CR. Lagi na rin silang nagaangasan ng tingin sa isa't isa. Mainit na masyado yung sitwasyon.
WENCY: Okay. Sabi mo yan. pero Khia, malaman ko lang talaga na kapag dahil kay Ekie yan..
ME: sorry talaga. :(
Totoo naman, dahil talaga kay Ekie. Hindi ko alam naiipit nako sa kasalanan ko.
-------------
"Hoy Ekie sa may mango tree ah." sabi nung kaklase namin. Magkakagroup kasi kami sa project. Kailangan naming tapusin para sa final submission this week. Nextweek na kasi yung second quarter exams.
Sobrang stressful ng mga nangyayare. Nagiintay ako sa may mango tree habang wala pa yung iba. Sabay kaming nagpunta ni Ekie don nung uwian. Naglakad kami ng magkasama sa harap ng maraming tao. Alam ko yung iba dito alam na may something samin, lalo na yung sa batch namin.
Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Wency nakatingin ng masama samin. Hindi ko na siya nipansin at dere-derecho ako sa paglalakad kasabay ni Ekie. Nakita kong nitapik siya nung kasama niya na para bang nipigilan siyang lumapit.
"Patingin nga" agaw ni Ekie dun sa cup
na kailangan naming gawing paso with flower."eh mamaya na. Nasan na ba sila?" sabi ko habang nipipilit agawin yung cup sakanya at ayaw niyang bitawan.
Nihatak ko yung cup sa kabilang side, nakahawak kami sa loob nung bibig ng cup tapos siya naman sa kabilang half. Nibabatak ko yun so parang ang labas sa malayo eh magka-holding hands kami na parang nipipilit kong kumawala kay Ekie.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...