Chapter 20: Closer

14 0 0
                                    

Ekie: Merry Christmas!!! Thank you for giving me another chance. Pangako ko sayo, simula ngayon ikaw lang. I'm sorry sa mga kasalanan ko sayo. Babawi ako, promise! I love you.

Aw. Hindi ko alam ang irereply ko. Speechless and nikikilig ako, ano ba! At this point I know I'm falling again. Well, di naman totally nawala eh, nagsubside lang...

Khia: Merry Christmas too!!! :) Okay lang yon. Wag na natin isipin yon, let's start fresh. Be happy.

Lagi ko sakanya nisasabi na okay na yon, we don't live in the past kaya mas mabuting wag na isali sa mga nangyayari ngayon yun. Isa pa, sobrang immature love non, although ngayon rin pero alam kong mas nagkakaintindihan na kami ngayon. Haha.

Merry Christmas Guys!! Enjoy and always be happy. Love love!

Khiara x

Nag-gm ako, di na rin mapakali sa kakapindot sa keypads ko. Tila 1000 letters/min ang speed sa dami ng bumabati ng Merry Christmas.

"Send... Send.. Send.........." fail. Agh!! Kelan ba aayos tong network na toh. Ang hirap magsend lalo sa panahong ganito.

*Ring*

aakiekia is calling ...

Oh no! Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Hello?" Nisagot ko, pero lumayo ako ng onti sa mga relatives ko.

"Hello?" sagot niya sa kabilang line. Ang tahimik ah.

"Oh." wala akong masabi.
"Oh?" eh siya kaya tumawag
"oh?"
"oh?"
"Ano?"
"Ano?"
"Ano? Ikaw kaya tumawag" sabi ko para matigil na tong kalokohan na toh.

"Ako ba? Hehe........" Ay hindi baka yung daliri mo lang pumindot ng number ko.

"Anoooo nga?" Nimamadali ko siya kasi baka matanong ako sino kausap ko.

"Wala lang.... Merry Christmas!:)" na-feel ko yung boses niya parang... hayyyy. Ang sweet!

"Hehe." napangiti ako pero kilig talaga.. "Merry Christmas too." di ko matikom bibig ko sa pag-ngiti abot langit!

"Oh sige na. Ayun lang, enjoy ka dyan." wow. First time na siya yung unang nagba-bye.

"Okay. Ikaw rin. Sige.. bye" nibaba ko na yung phone at bumalik sa kaguluhan ng mga kamag-anak ko. Siyempre. Maang maangan look na parang kaibigan lang yung tumawag.

Pero..... Shet. Di ko maitago yung ngiti ko abot batok!!!!!!

Di nako nageenjoy sa bakasyon. Two weeks nga lang, pero namimiss ko na siya. Gusto ko nang sumilay, parang awa niyo na pasukan na please!

[EKIE'S POV]

"Kie, ilipat mo na yun doon nang di na nakaharang dyan." nako talaga naman tong si mommy. Kanina pa utos ng utos ngayon lang ako naupo eh. Ang tagal rin magreply ni Khia, busy rin siguro. Ano kayang handa namin ngayong New Year's eve?

"Ma, anong luto mamaya?" tanong ko nlang kay mommy kasi rin nagugutom nako.

"Sabi ng tita Leny mo garlic shrimp daw dala nila, sina Lyka naman pork sisig, ewan ko yung kina Ace..." sarap!!! Garlic shrimp, nakooo fave ni Khia yon.

"Walang sinigang? hehehe" tanong ko kasi yun naman fave ko.

"Hahaha bakit magsisinigang parang timang toh." sagot ni mommy sakin sabay batok pagdaan niya.

"Eh satin ano dala?"
"ehhh etoh canton niluluto ko. tsaka sabi ng daddy mo umorder daw siya ng lechon."

Naglalaway nako para sa mga pagkain mamaya. Ano kayang nigagawa ni Khia? Di siya nagrereply eh. Galit kaya yon?

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon