*tinggggggggggg ting tingggg ting*
Tunog ng alarm ko. Araw araw gumigising ng maaga. Pero hindi ko naiisip na wag pumasok. I like being in school, feel ko ang saya pag kasama ko yung mga ka-klase ko.
"Khiaraaaaaaa" sigaw ni Angie at Kelly sa may gate namin.
Si Angie Jalbuena, kaklase ko siya last year pa. Friends na kami, at nasa isang grupo kami. Pero dahil kami lang ang naging magka-klase, lagi kaming magkasama.
Kasama rin namin lagi si Kelly Montano. New comer siya ngayong taon pero kapitbahay lang kasi siya ni Angie. Ngayon lang sila nagkausap kahit na dati pa sila magkapitbahay. Magkaiba kasi sila ng school kaya siguro di sila nagpapansinan.
Walking distance lang yung bahay nila sa bahay namin. Same village, pero medyo sa likod ng onti yung phase nila. Since yung bahay namin malapit lang sa gate kung saan kami sasakay papuntang school, napagdecidan namin na magsabay sabay na lang kaming tatlo everyday.
"Bye mum. Bye pops!" nisabi ko habang palabas ng gate.
"Tara." Sabi ni Kelly.
Isang jeep lang yung school from our village. 10mins away lang. Simpleng tao lang kami, hindi maarte, walang driver driver.
Asaran ang naabutan namin sa pila habang nagiintay.
"Khiara! khiara!" ... nitatawag ako ni Jonas. Naghaharutan silang tatlong unggoy.
"May sasabihin si ano sayo!" Nagpipigil ng tawang nisabi ni Diego habang nitatakpan ni Ekie yung bibig niya.
"Huh?" Sagot ko sakanila.
"May sasabihin sayo si Delantar." sigaw ni Jonas..
"Ano???"
"De wala. wala. Sssst! Oy" May hand gestures pa siya ng wala.. habang nisasaway niya yung dalawang nangaasar sakanya.
"Crush ka daw ni Ekie!!" Sabay hampas ni Ekie kay Jonas.
"Stt oy! Barbers ka.." depensa ni Ekie sakanila..
"Nye. Tigilan niyo nga ako.." Pabirong sabi ko.
Nagsimula na silang mangasar sakin lastweek pa. Palagi nilang nitatawag yung pangalan ko, tapos wala naman silang sasabihin.
Nauuso na yung kuhaan ng number at text text sa mga kaklase ko. Hindi ako makarelate kasi wala naman akong cellphone. Well, meron naman pero niintay lang namin yung lalabas ng globe. Nakaline kasi yung parents ko, so free phone sakin ibibigay.
"Oy. Ano ngang number mo?" Pasimpleng naupo sa tabi ko si Ekie. Nakakalipat lang sila ng upuan kapag nakaalis na ng room yung adviser namin. Tapos itatago nila yung seatplan. Pasimuno ang boys, sila lang naman talaga yung naglilipatan. Kakuntsaba rin namin yung class president. Hindi pwede maupo sa side ng girls yung boys and vice versa kapag may class, kaya habang nagiintay ng teacher sila sumisimple ng pagtabi sa mga girls.
"Secret nga." Pa-hard to get parin ako. Ayoko lang tlga sabihin na wala akong phone kasi magkakaroon rin ako ng phone. So nagpapalusot na lang ako.
"09178-----" Memorize ko yung number ng mum ko. ayun yung mabilis kong nisasagot sakanya. Yung tipong hindi niya maiintindihan at matatandaan.
"Oy teka ang daya naman eh." reklamo niya.
"Haha. Ehh bahala ka!" pangasar ko pa.
Dumating bigla yung teacher namin. Salamat at nakalusot nanaman ako sa pangungulit niya. Science ang next class namin kapag Monday. Bukod sa math, ito ang second favorite class ko. Mabilis lang ang oras, hindi namin namalayang recess na agad.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...