Chapter Sixteen: Close Open

11 0 0
                                    

Isang buwan pa lang yung nakakalipas simula nang pumasok kami, pero ang dami na agad nangyari.

Sa ngayon, ang alam ko ieenjoy ko muna yung sarili ko. Onting hinga siguro muna. Pero sa totoo lang, laging nandiyan si Ekie sa paligid ko.

"Bye ma!" Sabi ko nang lumabas ako ng gate. Sasamahan ko lang sina Kelly at ... Okay. ito bago! :D Nagbreak rin sina Kelly at Igi pero may bagong nanliligay kay Kelly. Si Moi. Moises ang name niya, mas matanda siya samin ng 2years and from another school siya. Keri lang, matured naman yung itsura ni Kelly.

Thirdwheel ako ngayon, pumunta kami sa pinaka malapit na mall samin. San pa nga ba? Edi sa Megamall!

"Anong gagawin natin?:)" tanong ko sa dalawa. Uhm nagkakahiyaan sila, so to break the ice, ako ang icepick nila.

"Movie tayo?" suggest ni Kelly.

"Ikaw, gusto mo ba magmovie?" sabi ni Moi sakanya.

"Baka matunaw naman!" asar ko dahil kanina pa siya nakatitig.

Napangiti si Kelly na parang pigil na kilig. Di rin matigil yung kamay ko sa pagpindot. Katext ko si Ekie. Comfortable ako sakanya, magsabi ng nafefeel ko.. Magkwento ng mga nangyayare. Para bang biglang mas naintindihan namin yung isa't isa.

"Oh." sabi ko nang mabasa ko yung text ni Ekie.

"Bakit?" sagot ni Kelly.

"Andito daw sina Ekie eh. Nitatanong kung asan tayo." nikabahan ako. Ayoko siyang makita! Mali. Gusto ko siyang makita, pero pero pero...

Nakarating kami sa may sinehan habang niisip ko yung isasagot ko sa tanong ni Ekie.

"Uy diba mga Mermedic yon?" (Mercedes Media Club) sabi ni Kelly. Nanlaki lalo yung mata ko. Bukod sa scouting, member din si Wency ng Mermedic.

"Uy sina Montenegro yun oh." sabi pa niya. Group ni Wency yon. Lalong bumilis yung heartbeat ko.

"Tara na tara na. anong papanoorin?" nimadali ko na lang sila.

"Uhm Harry Potter?" suggest ni Moi.

"Uy!!! Hanepppp!!" nagulat ako sa nisabi ni Kelly. Mag ni-apiran siya sa may likod ko.

Paglingon ko, nakita ko si Lyka at Ekie. Bumilis lalo yung heartbeat ko.

"Oh 😮" hindi ko naman nireply na nadito kami kaya nagulat ako nang makita ko siya.

"Sige tol.. Kelly! Khia.." sabay naghug hug siya samin... "Dun muna ko."

Pumunta siya dun sa group ng mga Pluto. Part din ng Mermedic si Lyka.. Ano kayang meron?

"So ano na?" sabi ni Kelly. Awkward!! ang tahimik naming apat.

"Harry Potter?" Sabi ni Kelly pa.

"Noooo! Feeling ko andon sina Wency." sabi ko.

"Oo, sabi ni yka sabi daw ni De Vera panoorin nila yon para gawan ng report para sa club day sa Friday." Si Sir De Vera ang head ng mermedic. Kaya pala!

"Oh ayoko don..." umiiwas ako kay Wency tho di ko pa siya nakikita.

"Eh wala nang palabas, ano gusto niyo? Tiyanaks?" sabi ni moi.

"Kahit ano ako.." sagot ko.

"Mmm sige tiyanaks na lang."

Tiyanaks? Ano ba yun?.. Pumasok kami sa sinehan, konti lang ang tao. Horror pala toh. Hanggang sa makapasok kami, di ko parin natatanaw si Wency. Magkatabi kami ni Ekie. Nasa gitna kami naupo. Katabi ko naman sa left ko si Kelly tapos si Moi sa right niya. Maginaw sa loob dahil konti lang ang tao.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon