[EKIE'S POV]
Pinanghahawakan ko parin yung sinabi ni Maui sakin nung isang araw, tutulungan daw niya ako kay Khia. Wala eh, tagos hanggang dulo yung nararamdaman ko.. kaya kahit isang daliri na lang ang nakakapit bago ako mahulog sa bangin, pipilitin kong bumangon.
"Gago wag mo nang isipin yon. Magiging okay rin kayo! .." sabi ni Tonio sakin dahil natutulala nanaman ako. Ewan ko ba, tuwing naiisip ko yung sinabi niya, napapaisip talaga ako ng malalim. Himala nga't pagod na pagod yung utak ko kapag siya yung iniisip ko.
"Delantar!" pamilyar yung boses na narinig ko.
"Huh?" shet. Math nga pala ang subject namin ngayon.
"Solve the problem on the board." tngn* ano toh?!!!!!!
-8x^2+3x-3/x-6= ?
Pucha nangamote ako sa nakikita ko.
"Miss di ba pwedeng pass muna? hehe" natawa ako sa sinabi ko.
"Yan kasi kung ano-ano nasa isip. Sige umupo ka na.." hehe ganun lang kasimple yon. Papacute lang ng onti, ligtas na. Pero hayop na Math toh oh! Hayop talaga.
"pass daw amputek. Hahah!" pabulong na asar ng mga hayop na katabi ko. Naturingang mga kaibigan ko.
"Tange di ko alam talaga! hahaha" Eh kung kami pa ni Khia, de nasagot ko yan.. Tss.
Tagal naman tumunog nitong bell na toh.. Nagugutom nako.
[KHIA'S POV]
"Gurl, nag-PM sakin si Ekie kahapon sa ym.. Tanong ng tanong tungkol sayo! Yie." kwento ni Maui habang pababa kami ng building for lunch.
Sa wakas kakain na, kanina pako gutom na gutom. Gusto ko narin makakita ng mga tao dahil buryong buryo nako sa mukha ng mga classmates ko.
"Weh? Anong sabi?" ay interesado ako ganon? Hindi masyado.
"Nako ang drama nga eh. Ano daw gagawin niya para mapabalik ka ganyan ganyan! haha"
"Hahah baliw.. Hayaan mo na yon."
"wala na bang pagasa?! .. oy gurl!!! anong date meron sa nextweek? mmmm hmmm. hahahahah."
nextweek? uhm. Anong date ba ngayon?... Sept 14.. nextweek... Ahhh. Okay.
"Wehhhhh. wag ka nga haha!" kunyare wala lang, pero bakit parang nikikilig ako.
"Pano kapag batiin ka niya? Pano kapag itext ka niya?!" aba'y mapilit si Magui.
"Ha? Eh okay naman kami eh. Sabi ko okay kami, di naman kami magkaaway or what so ayos lang." totoo naman, i guess.
"Mmmmm okayyyyyy! Hayy kinikilig ako."
"Anyway, Kels, sunduin ka ni motet?" niiba ko na yung topic parang OP na si Kelly eh.
"Ha? Oo daw.." ay mukhang na-Op nga siya.
"Halaaaa galit ka?" sabi ni Maui.
"Ha? hindi. May iniisip lang ako. Tsaka di kaya ako makarelate sa pinaguusapan niyo! haha." ay pilit yung tawa niya ramdam ko.
"de wala yon. Itong si Maui asar lang ng asar sakin kay Ekie."
"Gusto mo naman! Che! haha" nagulat ako sa nisabi ni Maui kaya napasigaw ako.
"HOY HINDE AH!" medyo malakas yata yung sigaw ko. Medyo nagulat rin ako sa mga tao sa paligid ko.. at sa taong nasa harap ko.
DUGDUG DUGDUG DUGDUG sabi ng puso ko. Shetttttt si Ekie! Ang pogi niya today. Okay, nevermind.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...