' To all the phrases I added 'too' ... My most favorite is the one I told to you. '
Niupdate ko yung stat ko, pero pasimple lang. Tipong parang nikuha sa mga quotes pero, nipagisipan ko yan!
"Khia kayo na ni Ekie nohhh?!" pang-asar ni Mimi. May crush siya kay Ekie tapos umaasa siya, so gets. Baka, may something yang tanong niya.
"Huh? Bakit mo nasabi?" depensa ko.
"wehhh bakit yung stat mo ganon, tas nagpost pa si Ekie ng 'Keep in touch, 22'"
Ibig sabihin ni Ekie don, kahit na busy kami sa kanya kanya naming life, wag namin kakalimutan na iupdate yung isa't isa, na parang open communication parin kahit na hindi kami laging magkasama.
"Ewan ko don. Di ko nakita yun eh. di naman siguro related.." nagkunyare nalang ako tapos nipilit kong ibahin yung usapan.
Sana naconvince ko naman siya. Kahit na alam kong nagdududa toh, whatever. Bayaan ko na lang siya. Pasalamat na lang ako at dumating na yung teacher namin kung hindi, huli na talaga.
Filipino class namin ngayon, nag-groupings kami at saktong naging magka-group kami ni Ekie.
"oy bakit ka nandito." abnormal yata toh!
"Malamang dito yung group ko, duh." sabay upo ko sa lapag. Naka circle kaming lahat at katabi ko yung isang kaklase namin. Magkatapat lang kami ni Ekie.
"Okay class, kailangan niyong bumuo ng short play tungkol sa assigned chapter niyo. Tapos ippresent niyo yung chapter analysis ayon sa sumusunod: Karakter, Tagpuan, Panimula, Saglit na kasiglahan, Suliranin, Tunggalian, Kasukdulan, kakalasan, at katapusan "
Ang dami. Ibong Adarna yung librong nibabasa namin dito, at sa totoo lang, ayoko ng subject na toh. Sadyang nahihirapan ako talaga dito, hindi ko nga maisip yung mga terms na yan eh. Kung may subject ako na consistent sa pagiging mababa, ito yun.
"Okay so, ito tayo?" sabay turo ni Yana sa chapter namin. "Ang ikalawang pagibig at pakikipaglaban ni Don Juan sa Serpyente."
Tumango lang kami. "mmm, okay. Ekie ikaw na lang si Don Juan...." at tuluyan nang nag-lead si Yana.
Natapos yung discussion ng grupo at nag-agree silang si Ekie na lang yung Don Juan. Short skit lang naman so di na kailangang bongga.
Sina Yana naman yung magrereport ng analysis. At siyempre ako, sino pa nga ba. Edi si Maria, ang pagibig ni Don Juan....
"sstt okay ka lang?" sabi ni Ekie sakin pagkahiwalay ng grupo.
"mmmm. Gutom nako." sabi ko.
Isang subject na lang at uwian na. Lumabas si Ekie at naiwan akong tahimik don sa upuan ko. Humarap ako sa may likod ko at dumaldal na lang.
"Oh." bumalik ulit si Ekie after ilang minutes may dalang cream-o. Haba naman ng hair ko.
"Para san yan?" kunyare'y di ko alam.
"diba sabi mo gutom ka. Kainin mo na yan." sabay lapag niya sa desk ko.
"Thank you:)" nikikilig ako. Ayoko na itapon yung foil nito. Hehe
"Sabay tayo maya ah." sabay lakad niya pabalik ng upuan niya.
Nung uwian na, sabay na kaming bumaba ulit pero ganun parin pagdating sa huling hakbang ng stairs, maghihiwalay na kami. Sa pagkakaalam ko, konti lang talaga ang may alam ng tungkol samin. Kahit si Kelly hindi niya alam. Sa classroom, si Dea lang ang may confirmation totoo, ewan ko lang kung may nipagkwentuhan pa si Ekie. Pero mukha namang walang nakakaalam na iba pa sa room kasi lahat sila nagtatanong parin.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...