Malapit na yung retreat namin. Excited nako na parang hindi. Last year, yun yung first retreat ever ko, medyo nakakabigla yung nangyari. Hindi ko nieexpect na ganon pala yon ka-intense. May iyakan pang naganap, kaya ngayon medyo nilo-look forward ko na yung ganitong pangyayare.
Umagang umaga nanaman, nagsimula nang mangasar yung mga kaklase ko.
"Khiaaaaaaaaa" sabi ni Jonas
"Nako oh. Sino yung babaeng yon?." sabi ni Ekie. Kunyare di niya ko kilala ha.
Hindi ko sila nipapansin.
"Sino ba yan?!!" Sabi ni Jonas.
"Khiara!!" sigaw ni Diego.
"Ano baaaa?!" wala ako sa mood makipagasaran sakanila. Sobrang aga pa.
"Ay galit. nako nako" .."Ay masungit" ... "Wala wala" sabay sabay na nisasabi nila.
"Hindi ako galit. Pero bakit nga?"
"Wala lang. Nitatawag ka lang eh." sabi ni Jonas.
"ssst oy meron kang candy?" sabi ni Ekie.
Sa totoo lang never niya pako nitawag sa pangalan ko. Laging 'ssst oy' o kaya 'uy.' Bastos tong taong ito ah. Pero pag sa iba, nitatawag naman niya.
Napapadalas na ang pasimpleng usap namin ni Ekie sa room. Naging routine na rin niya na maupo sa tabi ko habang nagiintay ng teacher.
"Yihee. kayo na?" sabi ni Andrea, yung katabi ko sa right. Napagitnaan nila akong dalawa, tapos medyo magka-vibes din si Ekie at Dea.
"Uy hindi ah." agad na depensa ko.
"Wehh. Eh bakit laging nandyan si Ekie sa tabi mo." tumitingin siya kay Ekie na parang may nisasabi yung isa habang nakatalikod ako sakanya.
"Ewan ko dyan." sabay tingin ko kay Ekie ng mabilis. Biglang tumingin lang siya sakin na parang inosente."alis kana nga. Bumalik kna don sa upuan mo...." nipagtutulakan ko na siya para tumayo.
"Yiheee ang sweeeettttt" sabi ni Dea.
"Dea oh nitataboy ako." paawa ni Ekie.
"Ewan ko sainyo, nikikilig ako." Sabay tayo ni Dea papunta sa may pinto para sumilip. Medyo pilya tong si Dea, happy-go-lucky.
Ang tagal naman nung teacher namin. Anong petsa na, nang makabalik na tong si Ekie. TLE yung next class, medyo niaasar rin kami nitong teacher na toh sa isa't isa.
Sabi ko nga.. vocal si Ekie sa feelings niya. Ako lang in doubt na parang nipagt-tripan lang niya ko.
---------------
EKIE'S POV
---------------
Promise cross my heart, nahuhulog nako dito sa taong toh. Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakanya. Hindi ko rin naman alam kung anong gusto kong mangyare. Hindi ko alam kung ready na ba ko, ready na ba siya?
"Dea!" Nitawag ko nang makalabas na ng room sina Khia. Papunta kami ng TLE lab ngayon.
"Uy ikaw ah. Kayo na ba? Yung totoo" tanong niya.
"Hindee. Hindi talaga promise!"
"Eh bakit hindi mo ligawan?"
"Kinakabahan ako eh." totoo naman. Hindi ko alam uung magiging reaction niya.
"Ah sige ilalakad kita. ako yung magtatanong!" offer niya sakin. Papayag bako? pero parang ang torpe ng dating kung hahayaan ko si Dea diba.
"De sige, ako na magtatanong. Pero. uy, di nga, tulungan mo ko?"
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Nating Dalawa
Teen FictionKhiara and Zachary are highschool sweethearts. Zachary, the basketball hottie falls inlove with Khiara, a happy-go-lucky girl. Everyone is jealous of how their relationship seems to be perfect. But, like any other highschool lovers, their story is o...