Chapter 21: Almost There

21 0 0
                                    

JAN 7, 2008.

Yes!! Pasukan na. Sobrang excited nako makasilay ulit. Good Morning Merceds!!!

Maya maya'y kumakatok na sa pinto namin si Kelly. As per usual, sabay kaming pumasok.

"Mi (pronounced as My, short of mine) sobrang dami kong kwento!!!!!!" excited na pambungad niya.

"omg ako rin grabe!!!" sagot ko habang palabas ng gate.

*******
Pagdating namin ng school, nandon na agad si Ekie sa may shade. Laging nandon nakatambay yung boys lalo na't katapat ng facade so kita nila lahat ng pumapasok.

"Wow. Ano toh? haha! Cute!! Thanks " may niabot na ballpen sakin si Ekie. Tuwa ako masyado. Pink crown and feather? Siya kaya pumili nito? wow ah.

"Intayin mo ko mamaya ah... sabay tayo umuwi." sabi niya bago kami maghiwalay. Madalas kasi na mas maaga ako nakakababa kesa sakanya. Pero lagi ko naman talaga siya niintay eh hehe.

"How's everyone's holidays?" tanong ni Miss V. Sagot kami ng kanya kanyang good, masaya, fine and all.

"That's good. Okay. So as we all know, January has always been a busy month for us. Intrams is coming and so as the preparation for the launching of MCM's centennial countdown to 2013. Ground demos are cancelled this year due to a planned school concert. Everyone is invited to come, High School students are opt to watch the gala show. Further details will be announced in the coming days."

wooooow. Sayang, ga-graduate na kami ng high school sa 2010, di na kami aabot sa 100 years. Nagbubulungan kaming magkakatabi sa sobrang ka-excitedan namin. Di pa nga naannounce formally yung plans, eh nagpa-plano na kami ng gagawin haha.

Pero wait! Intrams na next week. Nako feeling ko kulelat kami. Wala kaming athelete sa class namin na pwedeng magtaguyod ng bandera. Di bale na, basta enjoy.

"Weehz!" sabi ni Tricia sakin. Sabay poke ng mukha ko paglingon ko. Tumama sa ilong ko yung daliri niya...
"Yuckkkk!! hahahahha" sabay tawanan kami ng malakas. Nakakatuwa lang. Naging close close na kami ng sobra.

Si Tricia, Cess, Jen, and ito si Rosa. Medyo lumaki na yung network ko.

"gugutom nako...." sabi ko at naghalungkat sa bag ko. May nakita akong cream-o kaya nibuksan ko habang wala pa yung next teacher namin.

"Uy pahinge...!" sabi ni jen na parang sobrang natuwa siya dahil may food.

"hahaha gutom na gutom nako." sabi ko habang niaabot sakanya yung isang piraso.

"Gagi ako rin, di na nga mapakali yung kalamnan ko. Umiikot na ng sobra sobra." mejj naging katuwaan na namin nina Jen yung ganong usapan ng malalim na tagalog dahil kay Miss Antonio. Masyadong makabuluhan at malalim ang mga tagalog niya.

"Girls, get your things. Pakibilisan!" sabi agad ni Mr. Arellano pagdating niya sa room. Lab pala namin ngayon. So kailangan namin maglakbay sa kabilang building... sa building ng boys. :P :D

"Nako nako, wag nang magpaganda. Saglit lang kayo dadaan don. Dalian na, may nagiintay na don."

haha. Dahil nga sa boys' building yon, nagpupulbos at nagsusuklay pa halos lahat ng kaklase ko. Siyempre ako rin. hihi.

"Uy ako rin pa-try niyan." High School - buhay pa-try try lang sa una hanggang sa makahiligan. Tsk tsk.

Sabi ko nang makita kong nagkakagulo sila sa lip and cheek stain ni Angel. Humingi rin ako ng onting dutsot sa middle finger ko at ni-rub sa cheek and onti sa lips ko. Wooooow gusto ko rin nito! Parang feel ko ang dalaga ko na.

"Uy anong section yan?" tanong ni Kelly sakin nang makarating kami sa lab. Merong mga nangiintay na lalaki don na nakaupo na sa floor. Viewing pala kami ngayon, kaya pala na-late ng onti si Sir tapos nimamadali niya pa kami.

Ang Kuwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon