1st Chapter

12.1K 197 28
                                    

CHRISSY Cristel Pascual: Hindi ko na na-surrender kina Manong Guard ang ID mo kasi umuulan. Anyway, wala akong pasok bukas pero puwede tayong magkita before lunch sa McDo.

Paul Christian Ignacio: Sure. 1 pm pa naman ang class ko. So, 11 am sa McDo sa tabi ng BulSU?

Chrissy Cristel Pascual: Okay.

Paul Christian Ignacio: Ha-ha. Okay po. Salamat uli. :)

Ni-like na lang ni Kring-Kring ang comment ni Paul Christian Ignacio. May napulot siyang ID kanina sa university nila. Balak sana niya iyong i-surrender sa mga guwardiya pero umuwi agad siya dahil umuulan.

Nag-post siya ng announcement sa official Facebook group ng unibersidad nila. Mabuti na lang at naka-online din si Paul Christian Ignacio. Nag-log out na siya sa Facebook. Nag-log in naman siya sa kanyang Web site. "Kring-Kring Lukring" ang pangalan ng kanyang blog. Ang goal lang niya sa paggawa ng blog ay para magbigay ng love advice. Frustrated romance writer kasi siya pero sa tingin niya, mas okay siyang magpayo kaysa sa magkuwento tungkol sa pag-ibig. Nasa mahigit dalawang daan na ang followers niya sa blog.

Kaunti lang sa mga kakilala ni Kring-Kring ang nakakaalam na may "love blog" siya, gaya ng kung gaano kakaunting tao lang ang nakakaalam sa palayaw niyang "Kring-Kring." Sa unibersidad nila ay kilala siya bilang "Chrissy."

Miss Lovestruck: Oh, really? So how did you meet your boyfriend?

Kumunot ang noo ni Kring-Kring. Hindi na niya matandaan kung paano napunta roon ang usapan nila ng isa niyang follower kaya nag-back read siya:

Miss Kring-Kring Lukring,

May makulit akong manliligaw, and I like him a lot. The thing is, may girlfriend siya. Do we have a future together? I hope you could help me with this. Thank you!

Love,

Miss Lovestruck

Posted by Kring-Kring at 6:42 PM (3) comments

Dear Miss Lovestruck,

I don't think he's good for you. I can tell that that guy is a douche bag. If he really likes you, he should be man enough and break up with his girlfriend first. Don't settle for less. I hope this helps. :)

Sincerely Yours,

Kring-Kring Lukring

(3) comments:

Miss Lovestruck: How can you call a guy you don't even know a "douche bag?" I think you're being unfair, Miss Kring-Kring Lukring.

(1 reply) Kring-Kring Lukring: A guy who cares for his girl will never make her feel she's second to anyone. C'mon, Miss. Find a guy who'll treat you better than this. :)

(1 reply) Miss Lovestruck: You talk big, Miss Kring-Kring Lukring. Tell me, have you met that kind of guy who "never makes his girl feel she's second to anyone?"

(1 reply) Kring-Kring Lukring: Yes, my boyfriend!

Nasapo na lang ni Kring-Kring ang noo nang maintindihan na niya sa wakas kung paano siya nagkaroon ng "boyfriend." Dalawang linggo na kasi siyang hindi nakakapagbukas ng blog dahil naputulan sila ng Internet connection kaya nakalimutan na niya ang tungkol sa maliit na away na iyon. Kung hindi pa nga siya nanghiram ng broadband sa kaklase niya, hindi siya makakapag-online ngayon.

Well, aaminin kong mali ako na tawaging douche bag ang douche bag na iyon, pero...

Hindi akalain ni Kring-Kring na papatulan din ng kanyang ibang followers ang deklarasyon niyang may nobyo siya. Tinatanong ng mga ito kung paano niya nakilala ang sinasabi niyang "boyfriend."

Iniyupyop ni Kring-Kring ang ulo sa mesa. Sa ginawa niya ay tumama sa kanyang noo ang ID ni Paul Christian Ignacio na nakakalat sa tabi ng keyboard ng kanyang desktop computer. Pinitik niya ang Shrek sticker na nakadikit sa ID picture.

Akmang aalisin na ni Kring-Kring ang sticker sa ID nang may nag-pop na ideya sa kanyang isip. Nagsulat siya ng bagong blog post:

Posted by Kring-Kring at 8:35 PM

#IDLoveStory

Simple lang ang naging pagtatagpo namin ng nobyo ko ngayon. It all started when I accidentally picked up his school ID that he dropped near his college department. But since it was about to rain then, I decided to go home kaysa pumunta sa mga guard at i-surrender ang ID.

Pagdating ko sa bahay, naisipan kong manawagan sa university group namin sa Facebook. Luckily, naka-online siya kaya nagkasundo kaming magkita kinabukasan. May Shrek na sticker na nakadikit sa ID picture niya kaya wala akong ideya kung ano ang hitsura niya. But since I was too tired to care, nakatulugan ko na lang ang plano kong alisin ang sticker para silipin kung ano ang mukha ng lalaking gagawan ko ng kabutihan.

And then tomorrow came. Doon ako napaisip. What does he look like? Is he handsome or is he as average-looking as I am?

And then, a light tap on my shoulder interrupted my thoughts...


***

NAKATULALA si Kring-Kring sa malalaking patak ng ulan. Tuwing nagbubukas talaga ang klase ay nag-uumpisa rin ang panahon ng tag-ulan.Napakurap-kurap siya. Bigla kasi niyang naalala na sa silya sa labas ng McDonalds siya nakaupo kaya bakit hindi siya nababasa ng ulan? Parang sagot sa kanyang katanungan, isang magaang na tapik sa balikat ang gumulat sa kanya.

"Miss, ikaw ba si Chrissy Cristel Pascual?"

Tiningala ni Kring-Kring ang nagsalita sa kanyang likuran. Unang sumalubong sa kanya ang matingkad na pulang payong, pagkatapos ay ang guwapong mukha ng binata na nakatingin pababa sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga habang minememorya ang bawat anggulo ng mukha ng lalaki mula sa itim na itim na mga mata, pababa sa matangos na ilong, sa mapupulang mga labi, at sa namumula rin nitong mga pisngi.

Araw-araw na niyang nakikita ang uniporme ng mga kaeskuwelang lalaki—puting polo at itim na slacks, pero ngayon lang siya nakakita na nakapagdala niyon na parang branded clothes ang suot nito. At sa kabila ng alimuong na hatid ng ulan, naamoy pa rin niya ang mabangong amoy ng lalaki. This boy was really handsome. Siguro, pagkalipas ng lima o sampung taon ay puwedeng-puwede na itong ihanay sa mga lalaking nagbibilad ng abs sa mga billboard.

Napakurap si Kring-Kring. "Ikaw si Paul Christian Ignacio?"

Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Ako nga."

Biglang napatayo si Kring-Kring. Umabot lang siya sa balikat ng binata kaya tumingala siya rito. Kinuha na niya ang ID ni Paul Christian sa bag niya at inabot iyon sa lalaki.

Sa guwapo mong 'yan, hindi ko maintindihan kung bakit tinatakpan mo ng Shrek sticker ang picture mo.

Ngumiti si Paul Christian. "Hindi ko kasi gusto ang haircut ko diyan kaya tinakpan ko ng sticker."

Hindi namalayan ni Kring-Kring na nasabi rin pala niya nang malakas ang kanyang iniisip. Ang daldal mo talaga, Kring-Kring! "Er, okay..."

"Paul Christian, sasabay ka ba?" sigaw ng isang lalaki sa di-kalayuan.

"Oo, sandali lang!" sagot ng binata, saka siya muling binalingan. "Aalis na 'ko. Salamat uli, Chrissy."

Tumango lang siya at pinanood si Paul Christian na maglakad papunta sa mga kabarkada nito. Napangiti siya dahil sa tingkad ng pagkapula ng payong ng binata ay angat na angat ito.

Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. "In love na 'ko."

A Fabricated Romance: The Girl In The JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon