Please VOTE!
"Please raise the hands of the transferees." Iyon ang utos ng Prof. nila sa klase.
At itinaas niya ang kanyang kamay. Nag tinginan naman sa kanya lahat dahil siya lang pala ang bago at pawang magkaka klase lahat at hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang mga ito.
May mangilan ngilan na babae ang umirap sa kanya and she doesn't care.
"Introduce yourself." Utos ulit ng Prof. niya. Tumayo naman siya at nag pakilala.
"I'm Rence Isabelle Legaspi. 19 years old." Walang ka emosyon emosyon niya na pakilala.
"Mukhang tigasin." Narinig niyang sabi ng isang kaklase mula sa harapan.
"Suplada." Sabi naman ng isang lalaki sa likod.
"Emo, kamo!" Sabi ng isa saka tumawa. Hindi naman niya pinansin ang ang mga sinasabi ng mga kaklase niya.
"Baka rocker!" Sabay naman ng isa at lalong lumakas ang pag tawa ng mga ito.
"Okay, para naman ganahan kayo at mag sipag kayo sa pag aaral. Let's have a review quiz, sa lahat ng pinag aralan niyo in the past years. At tignan nga natin kung karapat dapat nga kayo sa bilang ng mga natira sa batch niyo."
"Sir! Ka uumpisa lang ng pasukan quiz agad. Ano ba naman yan'." Reklamo ng isang kaklase niyang lalaki.
"Oo nga Sir! first day ngayon, dapata mag kwentuhan muna tayo sa nag daan na bakasyon." Segunda naman ng isa.
"It's just a simple quiz, guys. So, let's start." Iyon ang sabi ng kanilang Prof. kaya nag labas na sila ng papel kahit ayaw pa ng iba.
She secretly smirks, gusto niya iyon dahil hindi naman sa pagyayaban pero mahusay din siya sa pag aaral.
Nag simula na ang quiz nila. Karamihan naman sa mga tanong ng Prof. ay madali lang kaya mabilis niyang nasagutan ang mga ito.
Magkahalong identification at problem solving ang uri ng quiz nila.
May naririnig siyang mga mura at pagmamaktol sa mga kaklase niya. Natutuwa siya dahil nahihirapan ang mga ito at hindi niya alam kung bakit.
Siguro ay dahil gusto niyang maging una sa klase kaya't pabor sa kanya kung sakali na babagsak ang lahat ng mga ito.
"Tapos ka na Mr. Woodman?" Pagtataka ng Prof. nila.
Pati siya ay nagulat at lihim na napa tingin sa lalaki na nag pass ng papel. Bumalik ito sa kina uupuan sa dulo malapit sa bintana at tumingin lang ito sa labas.
(Paano nito agad natapos iyon? Siguro ay marami itong bagtaw at hindi na sinagutan ang iba. The guy is tall! And he's damn handsome.)
![](https://img.wattpad.com/cover/15965543-288-k185788.jpg)
BINABASA MO ANG
Husband By LAW (Completed)
RomanceNaranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke yo...