Please VOTE!
Hindi siya naka tulog ng maayos. Mas malala pa iyon sa pag gawa ng mga paper works sa opisina.
At dahil hindi nga siya dalawin ng antok ay ginawa niya na lahat ang report para sa susunod na buwan pati na din ang mga bago nilang marketing strategy.
At ang mga ka kailnganin nilang papeles para sa opening ng bagong branch ng Legaspi Mall sa Subic. Ang lahat ay na tapos niya ng gabi na iyon.
Marahil ang dahilan kung bakit hindi siya maka tulog ay dahil sa halik na pinag saluhan nila ni Woodman. Agad naman na binura niya iyon sa kanyang isip.
Mukha ba siyang easy girl kaya siya pinagla laruan nito?
"Nakaka inis ka Woodman! Arghh!" Na iinis na sambit niya.
Kina bukasan pagbaba niya sa kuwarto ay nasa baba na din si Woodman at hini hintay siya.
Naghi hikab pa ito mukhang bitin pa ang tinulog nito.
Bakit naka tulog ito at hindi kagaya niya na dilat pa rin kahit alas dos na ng madaling araw? At parang walang nangyari kagabi.
"Oh, Hija mag iingat kayo." Bilin pa ni Nana Margarita sa kanila at hindi naman niya tinapunan ng tingin si Woodman ulit kahit ng naka sakay sila sa kotse.
"What's with the eyebags? Hindi ba tinapos ko naman na ang sales report mo kagabi kaya bakit mukhang hindi ka na tulog?" May pag aalala sa tono nito sa salatin pa sana nito ang ilalim ng mata niya ngunit inilihis niya ang kanyang mukha at nagulat naman ito.
"I don't want to see you nor talk to you." Matalim na sabi niya dito. At tinabig ang kamay nito.
"You're straight forward as ever." Sabi naman nito at nag buntong hininga. Tahimik sila sa biyahe hanggang sa makarating sila sa school.
Sa buong klase nila ay ni hindi niya tinignan si Woodman at ini iwasan niya ito. Hanggang sa dumating na ang uwian.
"Sabay na tayo." Sabi nito sa kanya. Iniintay pala siya nito sa labas ng classroom. Ngunit hindi naman siya nag salita o tinignan ito.
Binilisan niya ang pag lakad para ma iwasan ito. Sinundan naman siya nito at halos tumakbo na siya para hindi ito maka habol.
"Rence, wait. Ini iwasan mo ba ako?" Tanong nito habang hina habol siya at hindi naman niya ito ni lingon.
Nasa first floor na sila ng kanilang building ng huminto siya. Bakit nga ba niya ini iwasan?
Baka isipin pa nito na masyado siya affected. Na tigil ang kanyang pag iisip ng malaglag ang kanyang bracelet at yumuko siya upang pulutin iyon nang bigla ay...
"Ahhhhhh!" Na isambit niya ng may bumuhos na tubig sa kanya mula sa itaas. Sapol na sapol siya at basang basa.
"Ha- ha- ha- ha." Natatawang sabi ng boses ng lalaki sa itaas.
"Sapol na sapol, Pre! Ha- ha!" Sang ayon pa ng kasama nito.
Pag lingon niya sa itaas ay iyon ang lalaki na boyfriend ni Sophia. When does they learn?
Pinag tinginan siya ng lahat ng mga estudyante sa paligid at para hindi mapahiya ay tumayo siya ng may poise.
Itinaas niya ang ulo ng mabilis at tila naman para siyang nagsa sayaw ng sumunod ang kanyang buhok na parang nasa commercial siya ng shampoo.
Narinig naman niya ang pag "Wow" sa paligid. Hindi niya hahayaan kahit kailan na may maka sira sa poise niya dahil hindi siya matitinag.
(What a child act. Hindi talaga sila titigil.) Na sabi niya sa saril and she let a sigh.
BINABASA MO ANG
Husband By LAW (Completed)
Roman d'amourNaranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke yo...