Chapter 31

624 22 0
                                    

Please VOTE!

"Nana, kayo na ang bahala dito. Paki sabi kay Mr. Torres na i- email ko na lang sa kanya ang mga documents na hinihinga niya." Bilin niya kay Nana Margarita habang pababa sa hagdan niyakap naman siya nito.


"Oo ako ng bahala dito. Basta mag iingat kayo sa LA ha? Kumain ka sa oras." Nag aalala naman na bilin nito sa kanya.


"Nana, isang linggo lang ako mawawala may aasikasuhin lang ako doon. So, stop the drama." Saway niya dito.


"Oh, Hijo ikaw na ang bahala kay Seniorita. Mabuti na lamang at kasama ka kaya hindi na ako masyadong mag aalala." Baling naman nito kay Woodman at napa buga na lamang siya ng hangin.


"Opo, Nana." Sagot naman nito.


"If you're good to go let's go. Baka mahuli pa tayo sa flight." Baling niya dito at tumango ito.


"Oh siya, mag iingat kayo. Tumawag na lamang kayo pag dumating na kayo doon." Bilin pa nito at tumango lang siya. Nakarating na sila sa airport at nag paalam na si Julius sa kanila.


"This is supposed to be a vacation. So, why did you bring your work?" Basag ni Woodman sa katahimikan habang nasa first class sit sila sa eroplano.


"Who tells you that? We're just tying a knot that's all. At isa pa may mga investor akong kailangan kausapin." She said to him without removing her eyes at her laptop. Narinig naman niya ang pag buntong hininga nito. What's that for?


"We only have two weeks of semestral vacation. Kailangan natin magpakasal as soon as possible dahil magiging busy na ako sa school at office works. Palibhasa hindi mo kailangan mag aral." May iritasyon ang boses niya sa huli niyang sinabi.


"We will stay in LA for a week, marami kasi akong kailangan asikasuhin. Will that be okay, with you?" Tanong niya dito. Hindi naman ito sumagot man lang.


"Sir, would you like some wine? It's on the house." Malambing na sabi ng naka ngiti na stewardess dito na tila nagpapa cute dito. Maganda ito at matangkad. Siya naman ay napa tingin kay Woodman na hinihintay ang sasabihin nito.


"No, thanks. I cannot handle alcohol." Tipid naman na sagot nito ng naka ngiti. Para namang hihimatayin na ang babae dahil sa sinabi nito. Napa taas naman ang kilay niya dito.


"Liar." Komento niya dito. Natawa lang naman ito.


Ang totoo ay kanina pa siya na iinis sa atensyon na nakukuha nito habang nasa eroplano sila. Halos lahat kasi ng daanan nila ay napapatitig dito. Hindi niya alam kung bakit perp na iirita siya. Takaw mata kasi ito.


12 hours straight ang biyahe nila dahil walang stop over silang kinuha. Mahaba haba pa ang oras ng biyahe kaya minabuti niya munang umidlip at mamaya na lamang ipagpapatuloy ang pagta type.


Nasa kahimbingan siya ng tulog ng maramdam na may humahaplos sa buhok at mukha niya. Naramdaman pa niya ang tila pag halik nito sa buhok niya. Maging ang ma init na hininga nito ay nararamdaman niya sa kanyang pisngi. She feels uncomfortable kaya dumilat siya.

Husband By LAW (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon