Please VOTE!
"Oh my God! Late na ako." Napa sarap ang tulog niya at tinangahali siya ng gising pasado 11:30am na.
Siguro ay makakahabol pa siya sa huling klase kung bibilisan niyang gumayak. Kaya mabilis siyang pumasok sa banyo para maligo at nag bihis agad pagkatapos.
Hindi na siya kakain at didiretso na lang sa school para makahabol sa klase. Pababa na siya ng hagdan ng marinig niya ang mahinang pag tawa ni Nana Margarita at nag taka siya.
"What's funny, Nana?" Tanong niya dito.
"Seniorita, Linggo po ngayon at hindi ba wala naman kayo pasok." Natatawang sabi nito. Oo nga pala Sabado kahapon at Linggo ngayon wala siya pasok.
Bakit ba niya nakalimutan iyon? Siguro dahil masyadong napa sarap ang tulog niya at nananaginip pa siya. Lihim na napakamot siya ng ulo.
"Baka naman ho, nanibago lang ang katawan niyo sa mahabang pag tulog kaya naalimpungatan kayo. Mabuti na lamang ho at ayos na kayo. Inaapoy ka kasi ng lagnat kahapon ng iuwi ka ni Julius dito." Mahabang sabi nito at tinanguan lamang niya ito saka umakyat sa kuwarto.
"Paki dalan ako ng pagkain sa study room." Utos niya at ng kag registered na sa utak niya ang sinabi ni Nana Margarita ay may naalala siya.
Naalala na niya ang nangyari kahapon, masama ang pakiramdam niya at inabangan siyas a labas ng grupo ni Sophia at may kasama pa itong dalawang lalaki. Muntik na siyang mapahamak pero iniligtas siya ni Woodman.
(At ngayon may utang ng loob pa ako sa tao na iyon.) Na iinis niyang sabi sa sarili.
(Kung bakit ba naman kasi napaka paki alamero.) Dagdag pa niya.
Pero na isip din niya na naka buti ang kanyang pagkaka sakit dahil ngayon lamang ata siya ulit naka tulog ng mahimbing buhat ng bumalik siya sa Pilipinas.
Salamat sa kanyang lagnat. Minabuti niyang tapusin ang pag aalmusal at uminom na ng gamot.
Malaki ang na itulong ng pagkaka sakit niya para makapag isip ng maayos.
At dahil may pasok na bukas ay nag plano na siya ng presentation para sa strategic plan ng kanilang Mall na gusto niyang ipa tupad sa lahat ng branches.
Napapansin kasi niya na medyo dumidikit na ang ibang Mall pagdating sa sales at kailngan niya iyon pigilan.
Kailangan niya pang pagbutihan dahil hindi siya makakapayag na may makatalo sa Mall nila.
Naka isip siya na mag bigay ng 5 days sale sa piling mga buwan, mag bigay ng mga free gift certificate sa every purchase ng kanilang consumer.
At pati na din ang iba't ibang gimik kagaya ng pag iimbita ng mga sikat na artista sa kanilang Mall.
Makakahakot kasi iyon ng mga bibisita sa Mall at siyempre hindi naman ng mga ito ma iiwasan na bumili sa mall kaya't mababawi din nila ang kanilang kita.
Pasado alas siete na ng matapos niya ang report, minabuti niyang iprint ito at ilagay sa folder para wala na siya iintindihin bukas.
At pagkatapos ay hinarap niya ang pagre- review dahil prelimenary exam nila bukas at hindi ata siya papayag na magpa daig kay Woodman.
Kahit na iniligtas siya nito at hindi naman niya ito pinilit. Kailangan ay ma perfect niya ang lahat ng exam bukas dahil gusto niyang maging no.1 at walang makaka pigil sa kanya.
"Congrats, top 2 ka sa result ng exam." Bati sa kanya ni Sophia at naka ngisi ito na tila nang aasar. Hinawi niya ito sa gawi ng scoreboard.
Pasado alas dose na ng matapos ang exam at 5pm na, oras na para sa pag labas ng resulta ng exam. Marami ang nag aabang sa scoreboard sa building nila.
Nag tiyaga siyang makipag siksikan sa mga ito upang tignan kung sino ang No.1.
"Top 2?" Ulit niya sa sarili hindi kasi siya makapaniwala dahil sa pagkaka alam niya ay konti lamang ang mali niya sa exam at mahirap iyon.
"Woodman." Iyon naman ang apleyido ng nasa Top 1. Nagpaka wala lang siya ng buntong hininga dahil wala siya masabi.
At hindi naman siya makaka apila dahil full remarks ito sa exam at siya naman ay naka 96% lamang.
Malayo ang kanilang pagitan. Palapit si Woodman sa kanya at gusto niya itong iwasan ngunit huli na.
"Congrats." Sabi nito na tila sila ay magka kilala at mag kaibigan.
Ngunit hindi naman niya ito pinansin at nag lakad ulit ng diretso pero sinundan pa din siya nito.
"Are you fine? Hindi ka na ba nilalagnat?" Tanong ulit nito at dahil nakukulitan na siya dito ay hinarap niya ito. Halata naman sa boses nito na concern ito sa kanya.
"I'm fine. Gusto ko lang linawin sa'yo na nagpapa salamat ako sa'yo dahil tinulungan mo ako last week. But, we're not close kaya huwag mo akong ka usapin na para tayo'y matagal ng magka kilala. Huwag mo akong pag laruan." Inis niyang sabi dito at saka ito tinalikuran.
(Talaga bang pinag lalaruan siya nito? Ano ba ang gusto nito palabasin? Mag kalaban sila kaya't bakit siya kailangan nitong kausapin. Is he mocking me? What an Ass!) Pagmamaktol niya.
Napa kamot naman sa ulo Rey, bakit ba kasi kina usap pa niya ito.
Ilang minuto din ang matulin na lumipas. Palabas na sana siya ng gate ng makita niya si Woodman na may ka usap na matanda na naka black suit at tila nakiki usap ito. Tatalikod na sana siya ng marinig niya ang huling sinasabi nito.
"Seniorito, nakiki usap po ako umuwi na kayo." Narinig niyang paki usap ng matanda kaya't minabuti niyang magtago sa gilid upang makinig ng usapan ng mga ito baka kasi may mapala siya sa huli.
~~~~~
Whew! Ano naman kaya ang drama ni Rey? Hmmmm..
Let's find out, next week.
So, seeeee youuuuuu.
More reads to come sana! ^^,
Thanks!
BINABASA MO ANG
Husband By LAW (Completed)
RomantikNaranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke yo...