Please VOTE!
"Oh kay bilis naman mag laho nang pag ibig mo sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata. Kanina'y nariyan la..." That's Mark one of her classmate singing a song.
Nasa isang karaoke bar sila malapit sa University. At doon nagse celebrate ng victory party para sa mga ito. Maraming pagkain at inumin. Alcoholic at non- alcoholic.
Maingay sa paligid at napaka gulo. Well, what will she expect sa isang party sa KTV bar? Alangan naman tahimik at nagdarasal ang mga ito. Kung tutuusin ay hindi nga niya alam kung bakit napa sama siya sa party na iyon.
Nabigla din siya ng unconsciously siyang pumayag na sumama sa mga ito. Paano ba naman ay noong oras na inaya siya ni Lily ay iyon ang oras na naguguluhan siya dahil sa tangkang pag halik ni Woodman sa kanya.
Bakit nga ba kasi nito iyon ginawa? Pinaglalaruan na naman ba siya nito? Kahit kailan ay may sayad talaga ito. Kasalanan nito iyon lahat, kung hindi ba naman kasi nito iyon ginawa.
Eh di' sana matino pa din ang isip niya. Kung bakit kasi lagi na lamang nito ginuhulo ang isip niya. Nasaan na nga ba ito? At nang lumingon siya sa gilid ay nakita niya ito pinaliligiran ng mga ka klase niyang babae.
Nang tumingin siya dito ay sakto naamn na tumingin ito sa kanya kaya nag lock ang mga mata nila. Naalala niyang bigla ang nangyari kanina kaya namula siya. Agad naman siyang nag iwas ng tingin dito.
"Ryuuki, here's some beer." Sabi ni Mila dito at inabutan ito ng isang bote ng light beer.
Nagulat naman siya ng ininom niyo iyon. Marunong pala itong uminom? Hindi niya alam iyon. Ang akala niya ay boring ito na lalaki na hindi marunong uminom dahil mukha itong anti social. But, she seems wrong.
At ika tatlong bote na nito iyon. He's a good drinker too kahit pa wala sa itsura nito. Hindi niya akalain na may pagka normal din pala ito.
He always looks boring, uninterested and quiet pero may tinatago pala itong ganoong side. And she finds it, amusing. It's another different side of him na nakita niya.
"Ryuuki, try this." Malambing na alok naman ni Yen dito habang sinusubo ang apple sa bibig nito.
Ito naman mukhang napipilitan na sinubo iyon. It seems he is enjoying the party. At parang wala lamang dito ang ginawa nito kanina na tangkang paghalik sa kanya. Na ikuyom naman niya ang kamay sa inis.
All men are the same, kung hindi manloloko ay manggagamit. How can she forget that fact? Will she let another man to teat her like toy? No way. She should not entertain her feelings at dapat ay palampasin na lang iyon.
"Isabelle, hayan na ang kantang pinalagay mo. Heto, ang mic." Singit naman ni Theodore sa kanya saka siya nilapitan at inabot ang mike sa kanya.
Nag tinginan lahat sa kanya na tila hindi makapaniwala. Pinanlakihan naman niya ito saka umiling sa mga ka klase niya. Si Woodman din ay tinignan siya maging ito ay hindi makapaniwala na kakanta siya.
Pero, huli na para maka atras pa siya dahil nag sigawaan na ang mga ito sa excitement. Siya naman ay pinanalangin na mahing bula na langpara mag laho siya sa kina uupuan.
Ngunit, this is reality nag simula na ang intro ng kanta. At ang napiling kanta pa nito na ipakanta sa kanya ay ang walang kamatayan na "I will survive". Of all those old songs ay iyon pa.
BINABASA MO ANG
Husband By LAW (Completed)
RomansaNaranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke yo...
