Chapter 47

643 14 1
                                    

Please VOTE!





"He is in the hospital." He repeated at her. Hindi naman mapigilan ng kanyang mga tuhod na mang lambot. Mabuti na lamang ay hinawakan nito ang kanyang braso kaya hindi siya na tumba.

"A.. Are you okay?" Nag aalala na tanong nito sa kanya. She just nods her head at him.

"Puntahan na natin siya, please." May himig ng paki usap niyang sabi dito at tumango naman ito sa kanya. Sumakay sila sa kotse nito at nag tungo na nga sa ospital kung saan ito naroon.

Hindi naman niya malaman ang gagawin o ang mararamdaman man lang. He is in the hospital ngunit hindi man lang nito sinabi sa kanya. Ano kaya ang kalagayan nito? Malubha kaya ito? Kamusta na kaya ito? Sana ay ayos lamang ito dahil hindi niya alam ang gagawin kung may mangyayaring masama dito.

Pakiramdam naman niya ay iyon na yata ang pinaka matagal na oras ng kanyang buhay. Bakit ba ang tagal nilang makarating sa ospital samantalang ang lapit lang naman nila muka doon. Hanggang sa ma ipit na nga sila sa rush hour dahil umaga ngayon at maraming estudyante ang pumapasok.

"Damn it!" She said in frustration dahil na ipit na sila sa traffic.

"Theo, I'm really grateful for the ride. And thank you for the information, really. I'm gonna go first. Kailangan ko na talaga siyang makita. Thank you ulit." Pagpapasalamat niya dito at bumaba na sa kotse nito.

"Isabelle!" Tawag sa kanya nito ngunit hindi na niya ito pinansin dahil mas importante sa kanya na makarating as soon as possible sa ospital.

Hindi niya alam kung paano niya na takbo nang ilan lamang sandali ang ospital. Halos mag kanda tapilok na nga siya sa pag takbo dahil naka high heels pa siya ngunit wala siyang paki alam. She really needs to check his situation right now. Hanggang sa humihingal siyang naka pasok sa ospital.

"Haa... Haa... Haaaa... Ahm... Ah... Ahm... May I know where is Mr. Woodman's room?" She asked at the hospital reception.

"I'm sorry, but who are you Ma'am? Kamag anak ba kayo ni Mr. Woodman? Confidential po kasi." The nurse answered at her. She knows that this will not be that easy dahil mayaman at makapangyarihan ang pamilya ni Woodman. Eh ano naman ngayon? Ang kanyang pamilya din naman di' ba?

"I'm his wife. So, kindly tell me where is his room right now. Because, I'm so dead worried." May pagta taas ng boses niyang sagot dito na ikina bigla nito.

"417, po." Sagot na lamang ng isa sa mga ito na halata na bigla sa kanyang sinabi. She is not a nobody. She is his wife kaya huwag silang maki alam. Hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya iyon dahil it might spread bad humors about them at siya pa mismo ang magiging dahilan niyon. Huwag naman sana. Mabilis naman siyang sumakay ng elevator.

"G... God, please let him be okay." Labis na pag aalala pa din niyang panalangin habang siya ay sakay ng elevator. And when the elevator stopped at the fourth floor. Halos takbuhin naman niya ang kuwarto kung saan ito naka admit.

At nang siya ay nasa harapan ng pinto nito ay halos mawala naman siya sa katinuan. Hindi man lang siya maka kilos. Tila siya tinulos sa kanyang kinatatayuan. Is he okay? Kaya ba niyang makita ito na malala ang kalagayan? Bigla siyang naka dama ng takot sa kalagayan nito kaya hindi tuloy niya magawang pumasok sa silid nito.

"L.. Lord, n...not again please. Not again. A... Ayoko nang may mawala pang mahal ko.
P... Please, l..let him be okay. T.. Tama na po. Baka po mawala na po ako sa katinuan kung pati siya mawala sa akin.." Hindi na niya na pigilan pa ang mapa iyak dahil sa labis na pag aalala dito.

"Hindi ko siya kayang mawala. Hindi ko na po talaga kakayanin. Mahal na mahal ko siya, Lord. A... Ayoko na pong maging mag isa pa. Kaya Diyos ko naman po Lord. Huwag niyo siyang hayaan malagay sa kapahamakan." Hanggang sa na pa hagulgol na siya.

Husband By LAW (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon