Chapter 15.A: Reciprocate

10K 130 16
                                    

Chapter 15.A: Reciprocate

Denzel Thiearra:

The program was barely started when we came. It was quarter to one already kaya pinaayos na sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Monte High University is one of the most popular and prestigious University in our country. It was owned by Mr. Montesalba na sa pagkakaalam ko ay matalik na kaibigan ni John Nathan Recandego, ang Papa ni Ian.

Panay ang lingon ko sa pag-asang makikita ko si Ian.

"What the fuck?" I muttered to myself when I can't find him. Bakit ko nga ba hinahanap ang Nerd na 'yun? Hindi ba at mas maganda ngang hindi magtagpo ang landas namin? Mas okay iyong bigyan ko muna sya ng panahong makapag-move on.

But I already miss him. I miss him so bad. Him and his voice. His sweetness too.

Agad kong iniwaksi sa isip ko si Ian. What the heck? Katabi ko ang asawa ko but I'm thinking of somebody. Nah, I should focus on Kent now.

Naging mabilis ang oras. Nagsimula na ang programa. They march first, inabot din siguro ng mahigit tatlong oras ang martsa at isa-isang pagtawag sa bawat pangalan ng mga ga-graduate.

When it was Kent already who is marching, I can't hide my happiness. I'm so proud of my husband. I smiled at him and he smiled at me too.

May ilan pang tinawag na hindi ko naman kilala bago dumating sa pinakahihintay kong punto.

"Christian Angelo Recandego." The Emcee said. Halos mabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung sakaling magkita kami ngayon din. Pero walang Ian na nagpakita.

Ang akala ko ay na-late lang sya but when the emcee announced that the Recandego family is not in the country as of now. Nasa States daw ang mga ito at inaatas na lang daw sa katiwala nila ang diploma ni Ian, medyo nakaramdam ako ng lungkot, sakit at hindi ko maintindihang pakiramdam ng malaman kong wala na sa bansa si Ian. Was it because of me? Ganun nya na ba kaayaw akong makita?

Bigla kong naramdaman na para bang nakakatamad. Nakakatamad ngumiti nang araw na 'yun.

Nasa kabilang dako ng venue ang mga ga-graduate habang kami namang mga bisita at kasama ay nasa kabilang panig, nasa kanan. Sila ang nasa kaliwa.

Tinawag silang muli, ang mga ga-graduate, pero sa pagkakataong ito ay para naman tumanggap sila ng diploma at parangal kung meron man.

Halos wala sa Programa ang tuon ko. Naglalakbay ito sa pag-iisip kung bakit hindi dumalo si Ian sa Graduation Program. Alam ko settled na lahat. Gusto ko rin kasi sana syang makita.

Huling tinawag ang mga tatanggap ng Latin Honors at iba pang parangal. Ang parangal na para sana kay Ian ay kinuha ng kanang kamay ng kanyang ama. Malungkot akong ngumiti. Masaya ako para kay Ian pero parang pinipiga ang puso ko.

Ian doesn't want to see me.

The last person to be called is none other than my husband, Kent.

"James Kent Verdereal. Suma Cumlaude." Everyone cheered and clapped for him. Kent is a role model to everyone. Everyone loves him. Aside from latin honors, tumanggap din sya ng Leadership Awardee at iba pang parangal mula sa iba't ibang patimpalak na sinalihan nya.

I am so proud of him. Napaiyak pa nga ako sa sobrang saya. Because deep inside me I was saying to myself that I'm so lucky to have Kent as my husband. Matalino, gwapo, responsable.

Naging mabilis ang oras. Mag-a-alas siete na ng gabi nang matapos ang Graduation. Lahat ay kinakamayan at binabati si Kent ng Congratulations. Ako naman ay panaka-nakang ngumingiti sa mga taong binabati rin ako. Marahil ay alam nila na ako ang asawa ni Kent.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon