Chapter 5.A: Won't let go
Denzel Thiearra Mintonette
Nagising ako nang marinig ko ang pagkabasag ng baso. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata kong tila ba may kung anong bagay na nakadagan, hindi ko ito maimulat.
Nang tingnan ko ang labas ng bintana ay maliwanag na ang araw. Ibig sabihin, ang tagal kong nakatulog. Sa pagkakaalala ko kasi, maghapon akong umiyak. Si Ian naman ay hinayaan akong mag-isa dahil iyon ang hiniling ko sa kanya. Nang manawa na siguro ang mata ko ay kusa akong nakatulog sa kakaiyak.
Napansin ko rin na napalitan na pala ako ng damit. Ayoko kasing magpalit ng damit at walang nagawa si Ian doon. Hindi ko alam kung sya ba ang nagpalit o may inutusan syang kung sino.
"Heck!" I've heard it from someone. Pinilit kong magmulat ng mata. Tumayo rin ako ng dahan-dahan mula sa higaan.
"Christian?" Tawag ko sa kanya. Nakatalikod kasi ito mula sa akin. Isa-isang pinupulot ang nabasag na piraso ng baso.
"Oh, Thiearra! Gising ka na pala." Saglit nyang iniwan ang ginagawa para alalayan ako.
"Yeah, obviously. I'm hungry. May pagkain ka ba?" Nakaramdam muli ako ng pagkahilo kaya humawak ako kay Christian. Hindi nya siguro inaasahan ang pagkapit ko kaya hindi agad sya nakaalalay, dahilan upang matumba ako sa higaan, kasama sya. Pumaibabaw sya sa akin, sumakto pa ang labi nya sa labi ko.
Agad syang lumayo ngunit nananatiling nasa ibabaw ko pa rin.
"Ang OA mo, Christian ah. Kiss lang yun. Huwag kang pabebe riyan." I rolled my eyes at him.
Hindi sya umimik subalit ramdam ko na tumalim ang tingin nya sa'kin.
Akmang aalis na sya ng hilahin ko agad sya. Nilapat ko ang labi ko sa kanya. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to ay kailangan kong maramdaman ang pagmamahal. Kailangan kong maramdaman na may isang taong kayang magbalik ng ibinibigay ko.
Nang dahil sa ginawa ni Kent, nawala lahat ng confidence ko sa katawan. Kapag ni-reject ako ni Christian ngayon ay baka tuluyan ng bumaba lalo ang self-esteem ko. I need to feel that I am beautiful. That someone is willing and eager to own me.
"Thiearra." Christian called me in between our kisses.
"Please, Christian. I need to forget Kent even just for a while." Tinitigan ko sya sa mata, nakikiusap na pagbigyan nya ako.
He sighed. Akala ko ay di sya pumapayag kung kaya't inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Subalit ibinaling nya itong muli sa kanya at sa pagkakataong ito, sya na ang unang humalik sa akin.
Ramdam ko pa ang panginginig ng labi nya nang ilapat nya ito sa akin. Hindi agad ako nakagalaw dahil medyo nabigla ako kay Ian.
"Sorry. I told you, I still don't know how to kiss properly." He confessed. I laughed at him.
"What's funny?" Nakakunot na ang noo nya sa'kin. Itinuloy ko pa rin ang pagtawa.
"Nah, wala. Ang cute mo. Para kang bata." Hinampas-hampas ko ang braso nya na in fairness, medyo matigas ah. Nasa ibabaw ko pa rin sya at huwag kayong mag-alala, may suot pa kaming damit.
"Sinong bata?" Biglang sumeryoso si Ian. Inilagay nya ang dalawang kamay ko sa taas ng aking ulo at walang pakundangan akong hinalikan.
Syempre, hindi ako papatalo. I kissed him back with the same intensity.
"Heck, you're getting good with kissing, huh?" I praised him then I chuckled. Bahagya ko syang itinulak ng marinig ko ang pagtunog ng door bell.
"May bisita ka ata." I told him bago ako umalis mula sa pagkakaupo ko sa tiyan nya.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
Romance(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her? Is she ready to get hurt while doing everything for him to love her back?