Chapter 24: Jealous and Broken

8.6K 243 112
                                    

Chapter 24: Jealous and Broken

~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Denzel Thiearra

...............................

More than five years ago...

"What did you say, Doc?" Tanong ko ulit sa Family Doctor namin na nagsagawa ng check-up.

Tatlong linggo na matapos mangyari ang engkwentro namin ni Ian sa Baguio. Granted na rin ang Annulment namin ni Kent. Naging mas mabilis ang pagpapawalang-bisa ng kasal dahil maraming kakilala si Dad.

"You're one month pregnant, Thiearra. Not one month and one week," our family Doctor said.

"Pero...Doc! Imposible! Three weeks ago, noong nagpa-check up ako sa Baguio, ang sabi ng Doktor ay two weeks na akong buntis! Kung bibilangin, isang buwan at isang linggo na akong buntis! Paanong nangyaring isang buwan pa lang ang bata sa sinapupunan ko?" I can't help but shout and feel all the stress dahil sa mga nangyayari.

This can't be! Hindi pwede! Hindi pwedeng isang buwan pa lang ang bata...that would mean...Ian is the father of the baby...not Kent.

"Thiearra, calm down. Makakasama sa bata ang pagsigaw mo." Doctor Ana said. Kumalma ako. My parents are also with me. Tahimik lang silang nakikinig sa diskasyon namin ni Doctor Ana.

"Pwede namang magkamali ang Doktor na nagsuri sa'yo sa pagpa-predict ng edad ng bata sa sinapupunan mo. Nangyayari talaga iyon, lalo na at wala pang isang buwan ang bata nang isagawa ang unang check-up. Mahirap talagang bigyan ng specific na age ang bata." Doctor Ana proceed on explaining everything to me pero parang wala na akong naririnig. Hindi ko na maintindihan ang iba pang paliwanag niya sa'kin dahil nakatatak na sa isip ko na...hindi si Kent ang ama...kundi si Ian.

"What have I done? Anong ginawa ko? I pushed away the real father of my child."

---------------------------

Nang araw rin na iyon ay agad kong hinanap si Ian but he's nowhere to be found. Isang linggo ko siyang pinahanap sa private investigator ko, sinuyod na niya ang buong Pilipinas but Ian is really nowhere to be found.

One week after, may nakapagsabi sa'kin na lumipad daw papuntang United States si Ian. Safe pa naman akong bumiyahe kaya agad din akong lumipad papuntang US para hanapin si Ian but still, Ian is nowhere to be found.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong humingi ulit ng chance para makasama siya pero...paano ko naman magagawa iyon kung siya mismo ang ayaw magpahanap sa'kin.

Isang buwan din akong nanatili sa US, looking for Ian like a mad and crazy woman. But still, he is nowhere to be found.

Ayoko sanang umuwi ng Pilipinas hangga't hindi ko nahahanap si Ian but my parents needed me that time. Naaksidente si Dad kaya kinailangan kong umuwi ng Pilipinas.

Ang taon na iyon ang isa sa pinakamalungkot na taon ng buhay ko. That same year, my parents died. Sa isang iglap, nawala ang lahat sa'kin.

The only remaining thing and I have right now is my son. Ang anak kong si Angelo ang muling nagbigay-kulay sa buhay kong patay na at walang buhay.

Angelo gave me hope to hope again...to live again.
Kaya magmula rin nun ay inayos kong muli ang buhay ko, paunti-unti.

Nagtuloy ako sa pag-aaral ko sa pamamagitan ng scholarship, dito sa Pampanga. Nagsimula ulit ako ng panibagong buhay sa Pampanga. Dahil wala namang nakakakilala sa'kin sa lugar na ito ay naging mas madali sa akin ang lahat. Wala akong inaaalalang kahit ano.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon