Chapter 23: Darating din doon
~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤
Denzel Thiearra
Halos hindi ako makatulog dahil sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala. At sobrang nasasaktan din ako sa hindi malamang dahilan. Matagal ko ng kinalimutan ang kung anumang nararamdaman ko sa kanya. Matagal na akong nawalan ng karapatan.
Imbes na patuloy na isipin si Ian ay kinamusta ko na lamang si Nanay Sela at Angelo. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ni Nanay Sela na stable naman ang kondisyon ni Angelo. Naiiyak pa ako noong ibaba ko ang telepono.
Supposedly ay ililibot ako ni Solenna ngayong araw na ito. Kahit naman laking Maynila ako noon, na-miss ko rin kahit papaano ang Maynila. Ilang taon din akong nasa Pampanga. Nakalimutan ko na nga ang ingay ng siyudad kaya medyo naninibago ulit ako. Nasanay kasi ako sa tahimik at payapang pamumuhay sa Pampanga. Siyudad din naman ang Pampanga pero may ilang bayan pa rin doon na malayo sa ingay at polusyon ng siyudad, kagaya ng barrio namin.
So ayun nga, lilibot dapat kami pero iyong boyfriend niya ay tumawag. Emergency raw. Wala naman akong magawa kasi boyfriend iyon eh. Sabi niya ako na lang daw mag-isa muna pero tumanggi na lang ako at mas piniling pumirmi sa bahay.
Out of boredom ay kumonek ako sa Wi-Fi at tila ba may sariling buhay ang kamay ko nang simulan kong i-type ang pangalan ng taong iyon.
"Christian Angelo Recandego." Basa ko sa tinype kong pangalan sa Google. Napailing ako pero tumuloy rin naman ako sa pagbabasa ng mga article tungkol sa kanya.
For the past years, pilit kong kinalimutan si Ian. Tinuon ko ang atensyon ko kay Angelo. Hindi rin ako nagtangkang makibalita ng anumang tungkol sa kanya. Wala rin naman kasing nakakaalam ng kung anumang meron kami.
Wala na rin naman kaming komunimasyon ni Kent. Pinutol ko na magmula nang magdesisyon akong lumayo. Hindi naman sa sinisisi ko siya. Alam kong wala siyang alam sa kahayupan ng ama niya pero...hindi ko pa rin talaga siya kayang harapin. Nasasaktan pa rin ako.
At ayokong maaalala si Kent bilang isang kaaway. Mas gusto kong manatali siya sa alaala at puso ko bilang ang taong minsan kong minahal.
Pinagsawa ko ang mata at isip ko sa mga pangyayaring naganap sa buhay ni Ian noong mga panahong pilit ko siyang kinakalimutan.
Hindi naman gaanong karami ang mga nasulat na artikulo sa kanya. Pribado kasi talaga masyado ang buhay niya. At karamihan nga ng larawan niya ay puro stolen. Pero...ang gwapo pa rin. Nakakainis.
"Bakit ba sobrang gwapo mo ng hayup ka! Ang dami na tuloy nagkakagusto sa'yo!" Naiinis na sabi ko sa larawan niyang sinave ko. As if namang sasagot iyong picture.
Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang ginawa ko pero ginawa ko siyang wallpaper. Sira na nga ata ang ulo ko.
I tried to search his wife's name too pero wala akong mahanap. Walang nakakaalam ng pangalan niya. Pero may nakita akong isang larawang halatang lihim ang pagkakakuha. Si Ian, may kasama siyang isang babae. May hawak na bata ang babae na halos kaedad lang ni Angelo.
Nanikip ang dibdib ko kaya agad kong inexit ang Google. Ayokong makita dahil hindi ko pa kayang tanggapin.
Ganito pala kasakit, ano? Ano pa kaya iyong naramdaman ni Ian noon sa akin?
"Wala kang karapatang masaktan, Thiearra. Ikaw ang nagtulak palayo sa kanya." Kausap ko sa sarili ko. Nakaka-frustrate kaya inubos ko na lang ang oras ko sa panonood ng K-Drama. May nakita kasi akong CD kanina.
"I am not a robot. Bride of the Water God. W. Ano bang magandang panoorin?" I asked myself. Hindi kasi ako makapagdedisyon. Mukhang maganda kasi lahat.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
Romance(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her? Is she ready to get hurt while doing everything for him to love her back?