Chapter 14.A: Let's stop this

11.5K 136 14
                                    

Chapter 14.A: Let's stop this

Denzel Thiearra:

I woke up lightly the next morning. Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat. Lalo pa at nang nagising ako ay mag-isa lang ako sa kama. Tumayo ako at agad na naramdaman ang sakit sa gitna ng aking hita.

"Fuck...totoo nga. Masakit eh." I told myself. Hindi na rin ako hubad dahil nakasuot na ako ng damit, Kent's clothes at bagong panty.

Nang mapalingon ako sa bandang kaliwa ng kama ay may nakita akong isang tray ng pagkain at sa baba nito ay may note. Agad kong kinuha ang note at binasa.

Hi, baby! Eat these food. I cook these for you. I didn't wake you up because I know that you're tired and sore. Sorry for that. Haha. Anyway, I will not go home tonight since I am taking care of Shaina. Her pregnancy is very sensitive. She needs to be attended. But I will be at our Graduation tomorrow. I'm gonna see you tomorrow, baby. Love you.

- Kent, your husband

Parang may kung anong punyal na tumarak sa puso ko. He left me. Nagiging negative na naman ako. But he said "love you" to me. He even called me baby and he addressed himself as my husband. Doon ko na lamang tinuon ang pansin ko. Besides, pinagluto nya rin ako. I know that Kent's situation is hard. I should understand him. With that thought ay napangiti na ako. Dahan-dahan akong umupo at kinain na ang luto ni Kent.

"I didn't know na marunong pala syang magluto. Pero mas masarap pa rin talaga iyong luto ni Ian." I was talking to myself unknowingly. Bigla tuloy akong napatigil ng maalala ko si Ian.

I kinda felt guilty pero...wala namang masama sa ginawa namin ni Kent, 'di ba? Kasal naman kami. At mahal naman namin ang isa't isa.

Iyong sa amin ni Ian, alam naman nya na panakip butas lang sya. Although...

Fuckingshit! Hindi ko naman sya pinapaasa 'di ba? Alam naman nyang mahal ko si Kent. Kasal ako.

I tried to console myself by telling myself that everything was just okay. That what Ian and I have is pure lust. No love involve. But my heart is betraying me. Nasasaktan ako na hindi ko maintindihan.

"Maybe I'm just guilty." I told myself.

Matapos nun ay naligo na ako. Pupuntahan ko si Ian. I'm gonna talk to him. Magkaibigan pa rin naman kami 'di ba? At isa pa...hindi na nya ako kailangang paibigin pa kasi mahal naman ako ni Kent. Habang maaga pa, wawakasan ko na ang kung anumang meron sa amin ni Ian. But I want us to remain as friends.

Off shoulder na damit na pinaresan ng maikli ngunit disenteng short ang suot ko. At isang hanggang tuhod na gladiator naman para sa paa.

Isang huling sulyap sa salamin at pagkatapos ay agad na akong umalis.

Before I start the car's engine, I texted Kent that I just went out and I will go to my friends. He didn't reply but I understand that it's just because he's busy.

Makulimlim ang kalangitan kahit na tanghaling tapat naman kaya napagtanto kong uulan siguro mamaya. Medyo binilisan ko ang pagda-drive so I could arrive at Ian's place na hindi pa pumapatak ang ulan.

The drive was quite long. It took me almost an hour. When I arrived at the building of Ian's condo ay sakto namang pagbuhos ng ulan. Nagmadali akong lumabas ng sasakyan upang makatakbo agad pero masyadong malakas ang bawat bugso kaya nabasa pa rin ako.

Agad akong dumiretso sa desk ng hotel, write my name, number of unit and purpose before I went up. May duplicate ako ng susi ng unit ni Ian, which is isasauli ko mamaya, kasabay ng pagputol ko sa kung anumang meron kami ni Ian.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon