Warning: Some parts of this Chapter contains content not suitable for immature and young readers. Read at your own risk. You've been warned.
~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤
Chapter 34: Yours First
Denzel Thiearra
Nagising ako dahil sa maingay na tunog ng torotot at kalansing ng kalderong pinapalo ng isang bagay na gawa sa bakal.
"Ugh. Bakit naman ang ingay-ingay sa paligid? Tapos na bagong taon. Mayo na ang buwan ngayon. Please stop the noise." I said irritatedly. The noise makes me sick.
Pero sa kabila ng reklamo ko ay hindi pa rin tumigil ang maingay na tunog, mas lumakas lang ito kaya napilitan akong bumangon. Mukhang hindi lang kasi ako ang nabulabog, pati ata iyong baby sa tiyan ko.
The baby just kicked kaya medyo sumakit ang tiyan ko. Wala na rin naman akong morning sickness so everything is just fine.
"What's with the---"
"Happy Mother's Day!!!" They all shouted in unison, Sol, Inday and my son, Angelo.
May hawak ding cake ang anak ko. Ibinigay nito ang hawak niyang kay Inday. Angelo came to me. Tumalon ito sa kama at niyakap ako.
My frustration went all down. Napupuno ng saya ang puso ko dahil sa anak ko. He's really my happy pill.
"Happy Mother's Day, Mama. I love you." I can't help but smile, because my son is really, really sweet.
"Ang sweet talaga ng anak ko. Salamat, baby ko." I hugged my son tighter and even lift him up when I stood up.
May kabigatan na ang anak ko pero kaya ko pa naman. Maingat din naman siya dahil alam niyang nasa tiyan ko ang baby brother or sister niya.
Sabay-sabay kaming pumunta ng sala upang pagsaluhin ang inihanda ni Sol at Inday.
Naghanda pa talaga sila para i-celebrate ang araw na ito. How sweet.
Gusto ko sanang tumulong sa paghahanda but they forbid me to do so. Hinayaan ko na lang sila at mas nag-focus na lang ako sa pagrireply ng e-mails ng ilang costumer na nag-oorder ng home made ice cream, my business.
I was about to reply to the last order when a text message went in. The number is unregistered kaya hindi ko na sana papansinin but another text message came in. Hindi sinasadyang nabuksan ko ito.
From: 0916*******
Good morning, love. Happy Mother's Day. I love you. Pupunta ako sa inyo mamaya. I am just finishing some documents.
From: 0916*******
Can you introduce me to Angelo later? Not as your friend or someone you know but as his Dad?
From: 0916*******
Ah, nevermind. I'll just wait for the perfect time. I won't pressure you. I love you. You and our son, Angelo. See you later.
Bigla na lang akong napangiti when I realized who it was.
"Paano niya kaya nalaman ang number ko?" I asked myself then shrugged later on. Hindi na mahalaga kung paano niya nalaman.
Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko as of now. Pero hindi ko rin naman mapigilang mag-alala. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin at aaminin kay Angelo ang lahat. Kung paano ko ipapaliwanag kay Sol ang nangyari.
And even, giving my full trust on Ian is an issue. Naniniwala naman ako kay Ian, pero ewan ko ba. Hindi ko pa rin mapigilang mangamba.
"Ma'am, kain na po." That broke the thoughts I have. Tumango ako kay Inday at pagkatapos ay sinabing susunod na lang ako.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
Romance(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her? Is she ready to get hurt while doing everything for him to love her back?