Chapter 12.B: Baby

11.9K 143 24
                                    

Chapter 12.B: Baby

Denzel Thiearra

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tawag mula sa cellphone ko. Hindi ko sana sasagutin pero naisip kong baka importante ito kaya kahit tamad na tamad ay sinagot ko ito.

"What?" I said without knowing and peeking who the caller is.

"Where the fuck are you!?" Bigla akong nanlamig nang marinig ko ang boses nya.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang muli kong marinig ang boses nya. Dalawang buwan na rin ang nagdaan matapos syang bigla na lang umalis at ni hindi man lang nagparamdam tapos ngayon, bigla-bigla na lang syang tatawag at magtatanong kung nasaan ako.

"Don't test my patience, Thiearra. Answer me!" Napalunok ako nang marinig ang galit sa boses nya.

I was about to answer when suddenly the door opened, iniluwa nun si Ian na mayroong hawak na tray na puno ng pagkain.

"Breakfast in bed." He declared. Halos ibalibag ko na sa mukha ni Ian ang unan.

Fuck. I'm sure na narinig ni Kent ang boses ni Ian pati na iyong sinabi nya. Agad kong pinatay ang tawag. Bahala na muna si Batman.

"What's the matter?" He asked, concern is evident in his eyes. Nilapag nya ang tray ng pagkain sa may mesang katabi ng kama bago sya tumabi sa'kin.

"Why do you look terrified?" He asked me. Umiling lang ako sa kanya.

Muling nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong tinitigan ito ni Ian, mula sa peripheral vision ko. Hindi ko alam kung bakit tiningnan ko sya na para bang nanghihingi ako ng pahintulot na sagutin iyon.

He smiled at me although it didn't reached his eyes. Salungat din ang ngiting iyon sa damdaming ipinapakita ng kanyang mga mata. Nakikita ko kasing nasasaktan sya, nalulungkot.

"Go ahead. Answer him. Nariyan na ang pagkain. I'll just go outside." He said. Nagpasalamat ako sa kanya. Nang lumabas na si Ian ay saka ko pa lang sinagot ang tawag.

"Bakit mo ako binabaan ng tawag? Where the fuck are you right now? Who's that boy? Why are you with him?" Napapikit ako pagkatapos kong marinig ang sunod-sunod na tanong ni Kent. I sighed before I answered.

"I-i am at Ian's place." Nauutal kong sagot.

"Who the fuck is Ian?"

"My bestfriend." Tumikhim ako bago nagsalita muli. "Dinadalaw ko lang sya dahil bored ako sa bahay. Wala naman akong ginagawa." I said to him. Napakagat ako ng labi.

"Dyaan ka natulog?" Tanong nya.

"Oo." I heard him say curses from the other line.

"Umuwi ka na ngayon din! You have an hour, Thiearra. Don't make me wait for long." Iyon lang ang sinabi nya. Agad na nyang ibinaba ang tawag pagkatapos.

Magtatanong pa dapat ako pero ibinaba na nya. Hindi na rin sya ma-contact after that.

Tiningnan ko ang pagkaing hinanda ni Ian para sa'kin. Sayang naman kung hindi ko kakainin.

Binitbit ko pababa ang tray ng pagkain. Kakainin ko 'to pero gusto kong kasabay si Ian.

Nakita ko si Ian na nasa dining area. Umiinom ito ng alak. Ang aga-aga.

Nagmadali akong lumapit kay Ian. Padabog kong nilapag ang pagkain at agad na kinuha ang alak mula sa kanya. Mukhang nagulat pa nga sya sa biglaan kong galaw.

"Ang aga-aga alak agad ang hinaharap mo. Haynaku, Ian. Gumwapo ka lang, naging lasinggo ka na rin!" I furiously said. Tinapon ko ang alak sa basurahan.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon