Chapter 3: Friends with benefits
Warning: This chapter contains mature content. Read at you own risk. You have been warned. Thanks.
................
Denzel Thiearra Mintonette
I looked around his condo. Well, not bad. Sobrang ganda ng condo niya--organized at malinis. Para sa isang lalaki, masyadong maayos ang condo unit ni Christian.
Kaagad akong umupo sa sofa nang kumirot na naman ang balakang ko. Mukhang hindi talaga maganda ang pagkabagsak ko sa kalsada kanina. Damn it!
"Pagpasensyahan mo na yung condo unit ko. Malaki naman siya pero isang kwarto lang kasi ang meron dahil...ako lang naman mag-isa ang nakatira rito." He said as he was keeping his books.
Doon ko lang din napansin ang bookshelf niya, punong-puno ito ng non-fictional books about Science, Math, Politics, History, Language and such. Napaka-studious.
"You're really a nerd. Kaya walang pumapatol sa'yo e. Puro ka libro. Wala ka man lang bang playboy magazines?" I rose up from my seat and started roaming around his condo.
I bet, nasa kusina siya. Nasabi nya kanina na maghahanda lang sya ng hapunan. Sinabi kong huwag na at mag-take out na lang kami but he said that he doesn't eat foods from fast food chains. Ang arte.
Nag-presenta rin sya na magluluto ng hapunan kaya hinayaan ko na lang. Siya naman mapapagod.
Sobrang dami niyang libro. Kung sana 'di ba, Wattpad books 'to or fictional books like contemporary kinds of books--Fifty Shades Trilogy, Twilight and such, Nicholas Sparks' books or Mitch A's books pero hindi eh. What a nerd.
Hindi masyadong marami ang gamit niya. Isang set ng flat screen TV, speaker, DVD player lang na nakapatong lahat sa isang cabinet. Tapos apat na sofa, isang mahaba na pwedeng tulugan at tatlong maliit lang na pwedeng pang-upuan.
Minimalistic ata 'tong si Christian. Minimal lang kasi ang design ng bahay pero sobrang elegante, classic, sophisticated at malinis ang buong condo. Mas babae pa siya sa'kin kung tutuusin, kundi lang black and white ang gamit niyang color sa condo niya ay iisipin kong bakla nga siya.
I followed him in the kitchen, at nakita ko nga siyang nagluluto. Actually, malaki ang condo unit ni Christian kumpara sa normal size ng isang condo unit. Halatang RK. Mayaman ako but I don't own a condo. Besides, mom won't agree for sure. Kaya di na ako nag-try. Mas okay pa rin sa mansyon.
"What are you cooking?" I asked him. Nakatalikod siya sa akin at nakabihis na siya ng sando at boxer shorts.
Pinagmasdan ko ang likod niya. Well, not bad. Maayos ang tindig, maganda ang hubog ng katawan, hindi masyadong maskulado pero alam mong may maibubuga. Well, Christian is sexy as hell but my Kent is sexier than ever.
"Sinigang na hipon. Is it fine with you?" He asked me.
"Nagtanong ka pa, nagluluto ka na. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Andyan na 'yan. Besides, malakas ang buhos ng ulan, I guess." Kanina kasi bago kami pumasok ng building ay bumuhos ang ulan. And I am guessing na malakas pa rin ang ulan until now.
Hindi na siya nagsalita after that. Madalas lang ang buntong hininga niya.
"Sorry nga pala," he said. I arched my eyebrow.
"For what?" Lumapit ako sa kanya. Nasa gilid na niya ako. I leaned on the lababo. Goodness, why so conyo?
He attempted to look at me but look away after a while.
"Kasi, isa lang ang kwarto sa condo ko. At wala akong damit na pambabae." He said and he's really apologetic.
"Nah, it's fine. Don't think about it. We can share a bed. And I can borrow some of your clothes." I shrugged it off.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
Romansa(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her? Is she ready to get hurt while doing everything for him to love her back?