Chapter 18: Got pregnant (SPG)

13.7K 212 55
                                    

Chapter 18: Got pregnant (SPG)

Warning: Some parts of the story requires an open mind. Certain parts are not suitable for young and immature readers. You've been warned, you're responsible now for your acts. Thank you. Enjoy the update.

....................

Denzel Thiearra:

I am preparing some of my clothes in Ian's travelling bag. We will go to Baguio today. Actually last week pa namin napag-usapan 'to pero dahil madalas ang pag-ulan kaya naantala at natagalan ng isang linggo bago natuloy ang adventure plan namin ni Ian.

Bumalik ako sa bahay namin ni Kent last three days para kumuha ng ilang damit. Kent is still not there. Ni text wala. Hindi ko na sya maintindihan. Susubukan nya raw na mag-work out kami pero palagi naman syang wala o kaya ay parang kabuteng susulpot. Tapos hindi pa marunong magsabi kung nasaan ba s'ya. Papatayin n'ya ata sa lungkot at pag-aalala.

Kaya hindi nya ako masisisi kung bakit mas pipiliin kong magtaksil kasama ni Ian. Kasi si Ian, he makes me happy. He's prioritizing me. I am Ian's world. At sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto ang labis na atensyong ibinibigay ni Ian sa'kin.

"Are you done?" Pumasok si Ian sa loob ng kwarto na bihis na bihis na samantalang ako, nakapambahay pa.

"Almost. Magbibihis na lang ako. Hintayin mo na lang ako sa baba," I told him. Sinarado ko na ang zipper ng maleta. Oo, maleta talaga dahil mga two weeks kaming mag-i-stay ni Ian doon.

Dala-dala ang maleta ay mabilis na tumango si Ian at maya-maya pa ay narinig ko na ang marahang pagsara ng pinto, tanda na lumabas na ito.

Medyo binilisan ko ang pagbibihis dahil anong oras na rin, mahaba-haba pa ang biyahe mula QC hanggang Baguio. At traffic, ayokong maipit kami sa traffic.

Saktong ala-siete ng umaga ay bumaba na ako dala-dala ang shoulder bag na naglalaman ng mga iilang importanteng gamit ko.

Naabutan ko si Ian na may kausap sa kanyang cellphone. Nakakunot din ang noo nito na tila ba naiirita sa sinasabi ng kausap nya sa kabilang linya.

"Ma, I won't marry anyone. Hindi ako papayag sa fixed marriage na sinasabi mo. May mahal na ako, ma. Siya ang papakasalan ko." I know eavesdropping is bad but I can't help it. Nagpantig ang tenga ko sa narinig eh.

"Ma, ibaba ko na 'to kung patuloy mong ipipilit 'yang kagustuhan mo. I won't get married. Not unless iyong babaeng mahal ko ang pakakasalan ko, ma." Ian sighed after he ended the call. Doon pa lang din ako nakahinga. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

Ian suddenly felt my presence. Nilingon n'ya ako and he really look shocked. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang ilang linya ng pag-uusap nila ng mama nya. Tumikhim ako at dahan-dahang naglakad sa maikling hagdang nagdudugtong sa una at pangalawang palapag ng condo n'ya.

"Kanina ka pa riyan?" Ian asked me. Umiling ako sa kanya.

"Kararating ko lang," I said. Tuluyan na akong bumaba at naunang naglakad sa kanya.

May kung anong bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Is it because I heard that Ian's mother wants to fix Ian's marriage to someone? Someone...better than me. Someone who deserves him...

Sabay kaming bumaba pero dahil sya ang may dala ng gamit namin ay nauna na ako sa paglalakad. Hinintay ko na lamang si Ian sa may garahe. Sasakyan n'ya ang gagamitin namin kaya hinintay ko pa syang makalapit.

Pinindot nya ang button ng maliit na remote para sa security system ng kanyang kotse. Nang tumunog ito, tanda na bukas na ang mga pintuan, ay agad kong binuksan ang pinto at medyo padabog na pumasok sa loob. Ano bang nangyayari sa'kin?

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon