Warning: Some parts of this Chapter contains content not suitable for immature and young readers. Read at your own risk. You've been warned.
********************
Chapter 33: This Time (SPG)
Denzel Thiearra
"What are we doing in a Chocolate Factory?" I asked him. Sobrang nagtataka lang kasi talaga ako. Sa chocolate factory ba nagpupunta ang mga taong mamamatay na sa selos? Hindi ba dapat iyong mamamatay dahil sa diabetes? Argh! Such a lame joke, self.
"I know that it's your favorite." He smiled at me. Sandali akong natulala dahil sa ngiting iyon. Pakiramdam ko ang gwapo-gwapo ni Ian sa paningin ko. The heck. Mukhang hindi lang chocolates ang pinaglilihian ko ah.
Mukhang gustong-gusto rin ng baby sa tiyan ko ang pagmumukha ng tatay niyang walang bayag.
Walang bayag pero nakabuo ng bata.Ugh! Shut up, self.
"Gabing-gabi na, Ian. Bakit bukas pa ang factory na 'yan? As far as I know, hanggang 5 pm lang sila bukas. Don't tell me tinatakot mo ang may-ari ng Factory na 'yan?" I raised my left eyebrow at him.
"I owned that Chocolate Factory. I told them that I'll pay them a visit today." He casually said. Para bang sinasabi lang niya na may kanin pa sa hapag.
I already knew that Ian's family is really something and very influential but I didn't know that they're also into manufacturing chocolates. Hindi pa man din basta-basta ang brand ng chocolate nila. Hindi lang ito nationwide ibinibenta, ini-export din ito sa iba't ibang sulok ng mundo.
I was so amazed. Bigla tuloy akong napatanong sa sarili kung gaano nga ba kayaman ang mga Recandego.
Pumasok kami sa loob. Malaki at malinis ang nasabing Pabrika. Lahat ng tauhan ay tumigil sa ginagawa nila at sunod-sunod na binati si Ian. Tatango lang si Ian sa kanila at pagkatapos ay babalik na rin ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa.
I was so amazed about the fact na nasa Pabrika ako ng tsokolate. Pakiramdam ko tuwang-tuwa iyong batang nasa sinapupunan ko dahil amoy na amoy ko ang amoy ng tsokolate sa lahat ng sulok ng Factory.
Panandaliang nawala sa isip ko ang galit na nararamdaman ko kay Ian kanina. Mas nangibabaw ang saya at pagkamangha.
Ian is busy with the things he needs to check kaya naman nahuhuli ako sa paglalakad niya.
Paminsan-minsan ay tumitigil ako at nagtatanong sa mga manggagawang nandun kung ano ang ginagawa nila.
Halos karamihan ng mga mangagagawa ay may edad na. Meron din namang halos kaedad ko lang at mayroon ding halatang mas bata pa sa'kin.
Napapansin kong madalas na napapatigil ang mga manggagawang pinupuntahan ko upang batiin at titigan ako. Ayoko namang maging assumera at maldita kaya hinahayaan ko na lang at kung minsan ay ningingitian ko pa. Saka isa pa, baka iniisip din kasi nila na special guest ako dahil kasama ko ang boss nila kaya nagiging sobra ang pakikitungo nila sa'kin.
"Good evening po, Ma'am." Habang nagmamasid ako ay mas isa sa mga manggagawa ang lakas-loob na lumapit sa'kin. Nag-offer ito ng mauupuan pero tinanggihan ko dahil mas gusto kong maglakad-lakad at maglibot sa loob ng Pabrika.
"Sige po, Ma'am. Pero matanong lang po, nobya po ba kayo ni Mr. Recandego?" Nagpantig ang tenga ko sa tanong na 'yon. Nobya? Sinong nobya ng walang bayag na 'yun?
It's obvious that that young man is hitting on me. Ayoko kay Ian, pero mas lalo naman ayoko sa mga gaya niya. Sino ba 'to? At bakit ang lakas ng loob na lapitan ako?
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
عاطفية(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her? Is she ready to get hurt while doing everything for him to love her back?