Chapter 20.A: Love and Obsession
Denzel Thiearra
"Kent, ano ba! Nasasaktan ako!" After almost eight hours of travel ay nakarating din kami sa Mansion namin sa Quezon City.
Agad akong hinila ni Kent papasok sa loob ng kwarto namin. Ibinagsak niya ako sa kama.
"Nakakahiya ka! Malandi kang babae ka! Hindi ka na nakuntento sa'kin! Nagawa mo pa talagang maghanap ng iba!" Binato sa'kin ni Kent ang maliit na figurine na hawak niya. Nakailag ako pero natamaan pa rin ang pisngi ko. Agad kong naramdaman ang hapdi. Nang hipuin ko ang mukha ko ay may nakita akong bahid ng dugo sa mukha ko.
Kaagad na umakyat ang galit sa loob ko. Tumayo ako sa kama at sinugod din si Kent. Pinaghahampas ko siya sa dibdib. Sinasalag niya ang mga hampas ko. Sinubukan niya akong pigilan pero mas naging bayolente ako. Dahil siguro sa hormones.
Natigil lang ako nang itulak ako ng malakas ni Kent. Mabuti na lang at nasalo ako ng kama kaya maayos din ang nilapagan ko. Kung nagkataon kasi ay baka mapahamak ang bata sa sinapupunan ko.
Ni hindi ko masabi sa kanya na buntis ako. Paano ko masasabi, galit na galit siya sa'kin.
"Hilig mo talagang saktan ako, ano?" Nanunumbat ang tinig ko. He only smirked at me.
"Wow. Ang kapal nga naman talaga ng mukha mo, ano? Ako pa talaga? Sino bang nanlalalaki sa'tin?" He held my jaw. Halos hindi na ako makahinga.
"Kent...nasasaktan ako. Let go of me." Binitiwan niya naman ako pero pabalya.
"Tang ina kasi Thiearra eh! Alam kong may mga pagkukulang ako pero sinusubukan ko namang itama ang lahat at bigyan ka ng oras. Hindi mo ba ako kayang intindihin?" Tinabihan niya ako sa may kama. Umurong ako dahil sa takot sa kanya.
"Thiearra, mahal kita. Pero mahal ko rin si Shaina at magkakaanak pa kami. Sana maintindihan mong hindi lang ako sa'yo may responsibilidad." Napahilamos siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.
"Pero Kent. Paano naman kasi ako? Palagi ka na lang na kela Shaina. How about me?"
"Buntis si Shaina. She needs me!"
"Buntis din ako!" I saw how from frustration, a shock was registered in his face.
"You are what?"
"I'm pregnant, Kent. We're pregnant!" Masayang-masayang balita ko.
"How sure are you that's mine?" Parang nabasag ang puso ko sa tanong niya.
Oo, may nangyari sa amin ni Ian but Kent got my first. And one week ang interval nung sa amin ni Kent, at sa amin ni Ian.
I am two weeks pregnant. That means he's the father.
"You are the father, Kent. I'm two weeks pregnant. You got my first. I am very sure you are the father." Paliwanag ko kahit na natataranta na ako.
"We can't be sure. May nangyari rin sa inyo nung lalaki mo, hindi ba? Huwag na huwag kang magsisinungaling sa'kin!" Hinawakan niya ko sa panga.
Sa takot ko ay napatango ako.
"How many times?" His eyes are full of anger. Mas humigpit din ang hawak niya sa panga ko.
"I forgot to count." I told him honestly. Natatakot na talaga ako.
"Bullshit!" Bigla na lang niya akong binitiwan. Nabuwal pa ako sa kinatatayuan ko.
"Nakakadiri ka! Lumayo ka sa'kin! Huwag na huwag ka ng makalalapit sa'kin, Thiearra! Minahal kita pero ginago mo lang ako. Handa sana akong pilian ka eh. Kahit mas mahal ko si Shaina, kaya ko siyang iwan dahil akala ko ay matino kang babae. Hindi pala. Mas mabuti pang maghiwalay na tayo. Hindi rin naman talaga kita mahal. Naawa lang talaga ako sa'yo. And I felt guilty too dahil ako ang una mo pero sadyang malandi ka pala talaga. Lumayas ka sa pamamahay ko!" Hinila niya ako palabas ng bahay. I am crying so hard. Hindi pwede. Ayoko.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
Romance(Warning: Rated SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk.) How much pain is she willing to take for him to notice her? Is she ready to get hurt while doing everything for him to love her back?