- Prologue -
Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Blah blah blah. Kung pwede lang salampakan yung kabila kong tenga para hindi lumabas sa kabila yung mga sinasabi nitong living encyclopedia na 'to.
Life is like a rock, it's hard. O, english yun. Pero imbyerna lang ha! Ang sarap batuhin ng bato 'tong nasa harapan ko. Lahat ng sinasabi niya, pasok dito.. labas doon.
"Anak ng tokwa naman eh, hindi ko magets."
"Tss."
Eh paano ba naman kasi, ang bilis-bilis niyang mag-explain. Hindi ko tuloy mahabol, tanga ba siya? Ay! Gegu ko rin no, kaya nga sa kanya ako humingi ng tulong kasi siya ang nasa pinaka dulo. Pinaka dulo sa taas. At ako? Aba nasa dulo rin ako. Dulo sa baba. Oo nga pala, sobrang talino nga pala ng isang 'to.
"Ulitin mo! Ang bilis bilis mo naman kasing magsalita."
"Hindi ko na problema kung sobrang baba ng IQ mo."
Pigilan niyo ako, sasapakin ko na 'to sa ngala-ngala. Araw-araw na lang simula nung naging tutor ko 'to, puro insulto at panglalait na lang ang lumalabas sa bunganga nito. Laging may banat. Dibale sana kung yung nakakakilig na banat, ang kaso puro insulto.
Kulang na lang ay isampal niya na sa pagmumukha ko na bobo ako. Eh kung banatan ko siya ng isa? Hindi naman ako ganun ka-bobo. Matalino naman ako. Siguro mga... 10 percent? Hehe.
"Ano? Anong sabi mo?"
"Childish idiot."
Bago pa man din tumama yung kamay ko sa kanya ay nahawakan niya agad ang wrist ko. Tinitigan niya ako ng mata sa mata. Umaygad! Ang cold talaga ng tingin niya kaya nanlamig rin ako sa kinatatayuan ako.
"Sigurado ka bang gagawin mo sa'kin 'yan?" Napalunok naman ako.
"At bakit? Anong tingin mo sakin hindi marunong lumaban? Baka nga ikaw dyan eh! Bakla! Baklang Einstein!"
Pang-aasar ko sa kanya habang nagtatawa. Buti na lang, hindi man ako nabigyan ng mataas na IQ, nabigyan naman ako ng mataas at matinding sense of humor.
Nagulat ako nang hawakan niya rin ang isa ko pang wrist. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa'kin, pero hindi ko yun ininda. Bwisit ka talagang lalaki ka! Lalo kong ikinagulat nang bigla niya akong itulak at isinandal doon sa book shelf. Anak ng tipaklong! Nakakatakot yung tingin niya. Pero... hindi ko maintindihan kung bakit para akong nalulunod sa mga mata niya. Parang nakaka-hypnotize.
"Ano? 'Yan lang ba ang kaya mong gawin?"
Paghahamon ko sa kanya. Tama yan Lauren! Wag kang magpadala sa mga titig niya.
Nanlaki ang mata ko at bigla akong nanghina sa ginawa niya. Kahit na mga 3 seconds lang yun, parang naging gulaman yung mga tuhod ko. Siguro kung hindi niya hawak yung dalawa kong wrist ay natumba na ako.
That was my first kiss.
Natulala ako. Sabihin niyong hindi totoo yung nangyari.
Sa kaloob-looban ko, sinasakal ko na siya. Sinisipa ko na yung ano niya. Sinasampal ko na siya ng side by side plus back and forth pero bakit hindi ko magawa sa mga oras na to. Sinakop ng gulat ang buong pagkatao at kaluluwa ko. Hindi! Hindi ako pwedeng magpatalo dahil lang sa bwisit niyang halik. Pinilit ko siyang bigyan ng pang-asar na tingin.
"Yun lang pala ang kaya mo eh! Baklang Einstein ka pala---"
And then the second.
"Walanghiya ka---"
And now the third.
"Serves you right."
-
This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual events, locales or persons, is entirely coincidental.
© APPLEYAPPLE
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Teen Fiction[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...