Set Her Free 💔

936 74 11
                                    

Hellooo MayWardians and Chrillians!!! How's your eyes and heart from reading the last few chapters? I bet they're all sore,heheh, well for this chapter I promise you a softer episode and light turn of events. I hope you enjoy it tho :)

I would like you to enjoy the song 'Happier'by Ed Sheeran :)

Set Her Free 💔

(Ed's POV)

A million fold of hurt and pain. After the excruciating hours of listening to Maymay, I decided to go outside her room and breathe. I can't bare to see her hurt and cry and reminisce all the pain that I caused her. I can't believe what happened to us five years ago. I can't believe how horrible of a person I was to her. I lost the love of my life the day I left Maymay alone. And what's worst, I lost an angel, I lost my child. I am the worst.

I was panting as I was walking downstairs. I was out in the world. It felt like I wanted to die in that moment she said she's my wife. I clutched my fist. I wanted to beat myself out for hurting her. For not remembering and recognizing her. Let alone, for cheating on her. I am a horrible person!

And then I found myself outside aling Tintay's door. I knocked on her door and to my surprise she opened the door and was actually kind of expecting me.

"Sabi ko na nga ba, dadating din ang panahin na pupunta ka dito at magtatanong ka sa akin.", pangiting sabi niya na para bang naluluha. Wala akong imik. Pinatuloy niya ako at pinaupo. Kumuha muna siya ng tubig saka uminom at huminga ng malalim.

"Oh? Ano ba ang gusto mong malaman?", tanong niya sa akin habang nakaupo siya sa isang tabi.

"Aling Tintay, masama ba akong tao?", tumulo ang luha ko nang magtanong na ako sa kanya.

"Itong batang ito oh! Mamahalin ka ba ni Marydale kung masama kang tao?", hindi ko siya nasagut. Sa isip ko'y nasaktan ko nang husto si Maymay.

"Alam mo ba kung gaano kalaki ang pagmamahal ni Maymay sayo? Alam mo ba na halos ginawa niya ang lahat para kahit papaano ay nasa maatos ka parin kahit alam niyang hindi na siya parte ng buhay mo?", napapahid ng luha si Aling Tintay at ganun din ako.

"Totoo po bang nagmahal ako ng iba?", pangalawang tanong ko.

"Nagkamali ka, oo, pero kung nagmahal ka nang iba? Hindi siguro pagmamahal yun dhong. Nalito ka lang siguro at nadala ng bata mo pang isipan. Kung ako ang tatanungin mo, naging mundo mo si Maymay iho, minahal mo siya nang higit pa sa sarili mo. Dumating lang talaga ang panahon na naging mapusok ka at naging padalos dalos. Hanggang sa umabot sa puntong nasaktan mo na nga ang taong pinakamamahal mo", paliwanag ni aling Tintay na naluluha.

"Marami po akong nakalimutan pero nararamdaman ko po ang lahat ng sakit na dinadala niya ngayon", napayuko ako.

"Mga bata palang kayo noon ng mag asawa kayo, pero di kami tumutol kasi nakita naming masayang masaya si Maymay sa piling mo. Wala ng nanay ang batang yun, si Fred na tatay niya ay kapatid ko kaya ako na ang tumayo bilang nanay niya. Naaalala ko pa nga nung matapos ang aksidente mo sa aking siya unang lumapit, gusto ka niyang patirahin dito para magkalapit lang kayo at gusto niya na kung magkikita kita tayo ay kunwaring hindi kami o tayo magkakilala talaga. Pero ang totoo niyan Ed, ninang ninyu ako sa kasal niyo. Alam mo ba? Yung gallery? Dapat isasara na yun eh, kaso sabi ni Maymay baka pag nakabalik ka run ay biglang magbalik rin ang alaala mo. For almost two years Ed lagi kang pumupunta roon at laging binibili ni Maymay ang mga paintings mo kasi raw pagbalik ng memories mo ipapakita niya yun lahat sayo.",dagdag na kwento ni Nanay Tintay na parang mas lalo pang sumaksak sa dibdib ko.

"Masama nga akong tao nay, ang sama sama ko. Bakit ko ba yun nagawa sa kanya? Bakit ko siya sinaktan?", umiyak na ako dahil malinaw na sa akin kung anong klaseng tao ako dati. Isang masamang tao.

"Paano ko pa ba itatama tong lahat nay?", tinanong ko siya.

"Ed..", matagal na di nakapagsalita si nanay Tintay.

"Palayain mo na si Maymay. Ako na ang nagmamakaawa sa iyo. Tanggalin mo na ang miserableng kahapon na nakagapos parin sa kanya",napaiyak na sabi ni nanay.

"P..po?",mas naluha pa ako sa sinabi niyang yun.

"Palayain mo na siya.. bigyan mo muna siya ng panahong makapag ayos ng sarili niya. Yun lang.", dagdag na sabi ni nanay Tintay na nagpakurot sa puso ko.

Palayain siya.

Palayain siya.

Paulit ulit kong tugon sa sarili ko.

Papalayain ko siya?



Throw comments now lovies 😘😘😘

Beautiful Us (Completed MayWard Fanfic Romantic Story) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon