The Art of Letting Go 💔

793 66 7
                                    

This beautiful story is nearly coming to an end. But how do we put it out without hurting ourselves MayWardians?

Please do vote share and take a time to comment :)

PS: Before you read this chapter take time to listen to this song below :) (Deathbed by Chelsea Cutler ) 💙


The Art of Letting Go 💔

Another beautiful sunrise. Waking up next to her is just pure bliss. Her beautiful face. Her long lashes. The way she sleeps like a rested baby. She's so peaceful to look at. And I'm just amazingly staring at her. I started kissing her forehead. Then her nose. And the I dove right into her sweet plum of lips. And she awakens, she kissed me back and kissing her passionately was the only beautiful thing in my mind. We made love. And she forgave me.

And then I woke up. No Marydale beside me. No kissing her passionately. No new sunrise with her. Just a dark room full of memories of her. It has been months since that Nevada incident. Pilit kong nirerecover ang sarili ko dun sa pagkakalugmok ko. Dun sa consequence na ako rin naman ang may sala. Dun sa pananakit ko sa babaeng nagtiis at nagmahal sa aking kagaguhan. Na ngayon ay wala na sa aking tabi.

I roamed around her room once again. Looking through all her paintings for me. Reading through all her sentimental letters for me. Looking through all the pictures that we had in the past. My eyes once again swelled up. I am in deep shame for hurting Maymay. For chosing the other girl over her. For not doing the right thing. For not fighting for her. For not choosing her in the first place.

And then I saw for the first time a clothed tin under her bed. Kinuha ko ito at binuksan. And it broke my heart once again when I saw these old ultrasound pictures of our baby. Of my baby who never had the chance to grow inside her because of the stress I brought to Maymay. Gustong gusto kong magwala that time. Gustong gusto kong mawala nalang sa mundo. I can never fathom the hurt that I've caused Maymay and my unborn child. God forgive me. I feel so helpless.

*****

I decided to vent out kay tatay Fred. Kahit alam kong siya rin mismo ay nasasaktan sa tuwing nagpupunta ako sa kanya at sabihin lahat ng mga hinanakit ko, pero tinuturing parin niya akong anak at tinutulungan niya oarin akong makaraos sa sitwasyong kinasasadlakan ko.

"Anak, pasensiya ka na ha. Sadyang wala na yata akong magagawa sa sitwasyong meron kayo ni Maymay ngayon. Kung ano mang tulong ang meron akong kayang gawin ngayon ay yun.lang ipagdasal kayong dalawa na sana kahit hindi man talaga kayo para sa isa't isa sa huli ay maging magkaibigan pa rin kayo. Na sana'y napatawad niyo na ang mga sarili niyo at makatagpo ulet nang pagmamahalan na gaya ng dati.", sabi ni tatay Fred na para bang naluluha. Natahimik lang ako sa tabi. Kasi ngayon lang talaga nag sink in na ang lahat nang ito ay nangyayari dahil na rin sa akin.

"Kung ako ikaw Ed, simulan mo sa mga malilit na bagay. Simulan mong magpatawad sa sarili mo at nang mapatawad mo na rin ang iyong konsensiya. Saka ka na magpaalam sa lahat-lahat kung naaayos mo na ang iyong sarili", sabay akbay ni tatay Fred sa akin. Napayakap nalang ako sa kanya. At sa tingin ko di ko pa talaga napapatawad ang sarili ko.

Pumunta ako sa train station kung saan paulet ulet kaming nagkakilala ni Maymay. I rode the train feeling so lonely. Reminiscing the past with her is not that easy, because some parts of it are already broken. Nagpunta rin ako dun sa gallery ni tatay Fred. It was closed but the things I remember here is irreplaceable. Dito ko ulit nakilala ang crazy lady. Dito ko ulit naramdaman ang pag-asang nagsisilbing liwanag  sa buhay ko.

Pinuntahan ko rin yung favourite resto namin ni Maymay kung saan ako nag propose sa kanya. Binati ako ng mga tao roon, pero batid ko rin ang pagod at paghihinayang nila sa akin. Di ko naman sila masisisi eh. Sinaktan ko lang naman ang taing mahal na mahal rin nila.

At ang pang huli, nagpunta rin ako sa Carnival. Dito ko yata mas lalong minahal ulit si Maymay. This is the happiest place for her and for me. This is the only place where we felt like two innocent children who wants nothing but freedom, love and happiness. And I broke it for her.

Kahit natatakot ako sa mga matataas na lugar na ngayon ko lang ulet naramdam kasi wala si Maymay ay pinilit kong sumakay ulet ng Ferris wheel. Gusto ko lang mapalitan ang takot ko. Ang takot kong iwanan ako tuluyan ni Maymay. Pero iniwan na nga niya pala ako. And she's happy with that Bruner guy.

Nakailang ikot pa ang ferris wheel, di parin ako bumaba. Nung huling hinto na nito ay nagdesisyon na akong tumigil sa mga pantasya ko at magpaalam na sana sa lugar. Nung papaalis na sana ako ay bigla kong nakasalubong sa daan yung dating clown na sumalubong rin sa amin ni Maymay dito sa Carnival. He looked at me straight, right down to the core, like he knew me after all.

Nung nasa gitna na kami ng daan ay bigla siyang napatigil. Tinignan lang ako ng clown habang ako ay para bang nahihiyang tumingin sa kanya ng diritso.

"Tatayo ka lang ba diyan anak?", he called me out like he really knew me. He called me out lang I was a familiar face to him. He gestured for us to sit down at sinundan ko naman siya.

"I'm really sorry sir if I don't recognize you at all", natataranta kong paliwanag dahil baka nga all this time kakilala namin siya ni Maymay at di ko lang talaga alam kung sino siya.

"No it's okay anak, I'm not really a relative of yours. Ako pala si Apollo, Tito Pol za karamihan dito sa Carnival. And by the way I owned this place", pangiting paliwanag ng simpleng clown na siya palang may ari ng buong carnival. Lalo pa akong natahimik.

"It's just that I knew Maymay and you. After nung day na hindi na natatakot si Maymay sa akin, remember? You gave us balloons?", I simply nodded remembering that happy day. "After noon lage na akong binibisita ni Maymay dito sa tuwing nalulingkot siya dahil sayo Ed. Lage ka niyang naikukuwento sa akin. Kung minsan nga eh nalalagi ang kanyang pag iyak sa harapan ko", paliwanag ni Tito Pol na unti unting nagpupunas ng make up niya sa mukha. Nakikinig lang ako sa kanya.

"Kung ano man ang kinahantungan niyong dalawa ay hindi madali, alam ko rin yun kasin nangyari sa akin yun eh. Nang-iwan rin ako ng mahal ko sa buhay. Nagkasala rin ako Ed. Siguro nga dahil akala ko ako yung tama. Kaya siguro napalapit sa akin si Maymay dahil kung di ako nagkakamali kasing edad na niya yung panganay kong anak na ilang dekada ko ng di nakikita", may lungkot sa mukha ni tito Pol.

"Di niyo po ba naisip humingi ng patawad?", naitanong ko sa kanya ng di sinasadya.

"Noong nagkalakas loob na akong humingi ng tawad eh nahuli na ako. I was too late. How can I ask forgiveness to the woman who loved me unconditionally if she's already in the grave?", tanong niya na mas kumuha pa sa aking atensyon. "Kung naguguluhan ka ngayon Ed, ito lang ang masasabi ko. Wag kang mawalan ng pag-asa, kahit makahingi ka lang ng isang pormal na patawad kay Maymay. Gawin mo habang di pa masyadong huli. Habang may panahon ka pa."

"Paano kung wala ng lugar sa puso niya ang pagpapatawad Tito Pol?", naiiyak kong tanong sa kanya.

"Then, by that time, you must decide to let her go. That is the only sane thing to do. Learn to let her go. Give her peace and let her go.."

Let her go..

Kaya ko na ba siyang palayain?

Your comments now MayWardians 😘😘😘

Beautiful Us (Completed MayWard Fanfic Romantic Story) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon