The Armagedon Feeling ⚡

803 65 23
                                    

Hello chrillians!!! For this chapter I encourage you to listen to the song 'Walang Hanggan' by Quest, and I promise you guys that this will be possibly the last chapter that your hearts will cry out :) Thank you for your unending support guys! To #MayWard and beyond ❤

The Armagedon Feeling

Twelve midnight. I woke up in the middle of the night, in the middle of my room, panting and sweating. I looked around my dark room. Nothing seems familiar, I looked again, then I saw my paintings. Di ko pala kwarto ito, kwarto nga pala ito ng babaeng sinaktan ko ng husto. Mula nang iiwan ako ni Maymay ay dito na ako natutulog hoping she'd come back. I am still hoping that she'd come back.

One year na din ang nakalipas nang lumayas si Maymay dito. Hindi na siya bumalik pa at simula noon araw araw nalang akong naghahanap ng rason para sa pagbabasakaling magbalik pa siya.

I fell asleep again. And when I woke up she's still not around. And then I decided to talk to Tatay Fred. I think it's about time na humingi ako nang tulong sa tatay niya, sa tatay namin.

"Ed? Anong ginagawa mo dito?", napangangang tanong ni tatay Fred sa akin when he saw me sa empty gallery room niya.

"Hi po tay.. pwe..pwede ko po ba kayong mahingan nang tulong?", nagmamakaawa kong tanong sa kanya.

"Hah. Bakit ngayon ka lang lumapit anak?", he smiled at me generously, na parang na miss niya rin ako. Ang sarap sa feeling.

Sinabi ko lahat ang balak kong mahanap ulit si Maymay at humingi ng patawad sa kanya. Ngumiti na naluluha lamang si tatay Fred sabay akap niya sa akin. "Welcome back anak, na miss ka namin. Na miss ka talaga namin! Salamat naman at naaalala mo na kami ngayon!", naluluhang pahayag ni tatay sa akin habang nakayapos parin siya sa akin.

"Tay, sanay napatawad na po ninyo ako. Ang laki po nang kasalanan ko po sa inyo, lalolng lalo na kay Maymay. Tay, tulungan niyo po akong hanapin siya", nagmamakaawa kong hiling kay tatay. Naghahalong ligaya at sakit parin ang nararamdaman ko. I still feel guilty. I still feel like the biggest asshole dahil sa ka gaguhan ko.

"Anak, gusto ko sanang tulungan ka.. kaya lang si Maymay narin ang humiling sa akin na wag na muna kaming makialam sa gulo niyo. Sa totoo lang Ed, para nang namatay paulet ulet sa sakit ang anak ko. Ngayon naman nabuhay ulet siya sa sariwa nang sakit na idinulot nitong lahat ngayon", paliwanag ni tatay Fred na umupo na.

Natulala ako sa nasabing iyon ni tatay. Nadama kong ayaw na rin niyang masaktan si Maymay. "Pero tay, please, parang awa niyo na po. Tay, makapag sorry man lang ako at makabawi sa lahat nang kagaguhan ko dati. Ngayong naalala ko na lahat, gusto ko pong humingi ng tawad kay Maymay tay. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Please tay, tulungan niyo po ako", lumuhod na ako sa harapan ni tatay Fred. Napaluha na ako at parang mababaliw na rin sa kirot ng puso ko.

"Ed, kahit naman di ka na lumuhod eh, matagal na kitang pinatawad. Naging ama mo narin ako, at matagal ko ng tinanggap sa puso ko na nagkamali ka. Kaya lang kahit anong pilit mo ngayon eh wala talaga akong alam kung nasaan si Maymay. Isang taon narin akong walang balita sa kanya. Ang huling sulat niya sa akin ay noong naglayas siya. Para mapanatag ang loob ko, nangako lang siyang mag iingat siya parati. Yun lang ang pinanghahawakan ko. Bukod dun, wala na akong ibang alam", patuloy na paliwanag ni tatay Fred na kalmadong nagpaliwanag. Wala akong nasagot habang dahan dahang tumayo sa pagkakaluhod.

"Anak, kung kayo talaga sa huli, kahit nasa magkabilang dulo kayo nang mundo, magkikita at magkikita parin kayo", pangiting sabi ni tatay Fred na nagpagaan ng kaunti sa nanlulumo kong dibdib. "Magkikita at magkikita kayong ulet, manalig ka lang".

*****

A month passed. Wala pa rin akong balita kay Maymay. Wala paring impormasyong makapag sasabing makikita ko na siya. May mga gabing hindi na ako makatulog nang maayos kasi lagi ko siyang naiisip. May mga pagkakataong gusto ko nang isigaw ang pangalan niya para naman marinig niya ako. May mga oras na umiiyak na ako sa sama ng loob ko. But still, no Marydale. No crazy lady. Walang Maymay ng buhay ko. I must be going crazy. I must have been punished, kasi naging masamang asawa at ama ako sa sanay pamilya namin. Naging marupok ako at hinayaang mawala ang nag iisang babae na nagmahal sa akin ng lubos. I am the worst person alive right now.

Sa araw araw na nagigising ako, hindi naging masaya at hindi naging kompleto ang pamumuhaw ko. Laging may kulang, at si Maymay yun. Isang araw, ng di ko sinasadyang buksan ulet ang T.V. ay may humagip sa aking atensyon. It was a beautiful and expensive work of art. The piece itself is so familiar na hinanap ko kaagad sa net kung saang gallery na present yun. "St. Valentine gallery, Nevada, USA", nabulong ko sa sarili ko nang mabasa ko na ang information details na kinaroroonan ng sikat na painting. "Artist... Marydale Entranta..", napangiti ako. Napangiti at naluha ako. Di pa pala masyadong naglalaro ang aming tadhana. In fact, fate made this day so clear that I still have the chance to prove myself to Maymay. At kahit nasa America pa siya wala na akong paki. Gustong gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko nang humingi ng patawad sa kanya. Gusto ko nang makabawi.

Pero ano to?
May napansin pa ako sa detalye ng impormasyong nakuha ko.
Artist: Marydale Entrata-Bruner
Bakit may naka hyphen?? Bakit may naka dash na ibang apilyido??
Bakit may ibang apelyido sa pangalan ni Maymay?? Who the fuck is this Bruner???
Annulled naba kami ni Maymay?? Nakalimutan ko din ba yun? Nag divorce ba kami? May mutual agreement ba kami dun dati?? Is she married in the states now??
What the fuck is going on??

To be continued :)


Hello MayWardians!! comment now for more updates 💙💙💙

Beautiful Us (Completed MayWard Fanfic Romantic Story) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon