The Hyphen ❄

726 64 22
                                    

Guys??? Handa naba kayong maging bayolente muli? Heheh, I hope you enjoy this chapter as much as I enjoyed imagining it to happen 💙💙💙

PS: please do vote every single chapter of this story. It would be a big help for other MayWard fans to notice and read this simple story. Thank you lovies 😘

PPS: Before you read this chapter listen to the song below (Say something I'm giving up on you by Great Big World) enjoy :)


Exactly eight am. Nakarating na rin ako sa Nevada na parang lumulutang ang buo kong katawan. Siguro dahil na rin sa bigla biglaang byahe at mga desisyong napadali na rin. But mostly because of that friggin Bruner hyphen. Fuck! Ano ba kasing pinag gagagawa kos sa buhay ko? Damn it!

I booked a hotel na malapit lang sa gallery. Sinigurado kong malapit lang ako para magkita kami kaagad ni Maymay. Sana nga ay magkita talaga kami at sana naman walang Bruner na eepal sa amin. Humiga muna ako sa kama dahil nararamdaman ko na ang pagod ng buo kong katawan. I'll sleep it off, sabi ko sa sarili kong nagmumukha nang zombie. Matutulog muna ako para naman pag nagkaharap kami ni Maymay ay gwapo at fresh ako.

So I slept.

After eleven hours of sleeping deeply bigla akong nataranta at bumangon na. Dali dali akong naligo, nagpabango at nagmukhang tao. Hinanda ko talaga ang sarili ko. Hinanda ko ang sarili ko sa pagbabakasakaling magkikita kami ngayon sa gallery ni Maymay.

Bumaba na ako sa hotel at nagmadaling naglakad papuntang gallery. Ilang kilometro nalang sana ang layo ko mula sa pintuan ng may mapansin akong isang malaking picture sa labas ng building. Nakita ko ang napakagandang mukha ni Maymay. Wala paring kupas. Sa kaloob looban koy mayroon parin akong pagmamahal sa kanya. I am definitely still inloved with my estranged wife.

Pero sa picture ay may katabi siya. Isang matipunong lalaki na nakaakbay sa kanya. I immediately hated what I saw. Kung siya man si Bruner ay may mukha na akong pwedeng basagin sa loob kung sakali. At kung sakali ngang siya si Bruner, di hamak na mas gwapo naman ako kesa sa kanya.

So I went inside with my hopes high and my heart lumping out my chest. Kaya ko to, sabi ko sa sarili ko. Gusto ko lang makahingi nang patawad kay Maymay. Gusto ko lang malaman na nagsisisi na ako, kahit di ko pa natatandaan ang lahat lahat ng buong detalye. Pero handa akong suyuin siya. Handa akong hamakim lahat mapatawad niya lang ako.

And then I entered sa gallery na may maraming tao. Saktong may ultra exhibit na naman ng mga proyekto ng iba't ibang mga artist. At sa di kalayuan nga ay natanaw ko si Maymay. Nakapulang dress siya. Ang ganda niya talaga. Nilakasan ko ang aking loob at unti unting lumapit sa kanya.

Isang hakbang.

Dalawang hakbang.

Nakakawalong hakbang palang ako nang may biglang humarang sa tanawin ko. This guy who suddenly hitched in front of me grabbing Maymay and kissed her on the cheeks. Si Bruner. Ang lalaking mababasag amg mukha ngayong gabi.

"Maymay!!"

Natigil ang lahat ng mga tao sa paligid ko. Nakatingin na sila lahat sa akin ngayon. All their attention was shifted to me. Si Maymay ay nakatingin na rin sa akin ngayon, and her face was in total puzzle.

"Edward???"

May gulat sa kanyang mukha. Naguguluhan siya. May kunting galit rin na namumoo sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo dito??", palapit niyang tanong sa akin na tila ba gulat na gulat xa.

"Who the fuck is that guy?!", sabay turo ko sa kanong humalik sa pisngi ng asawa ko.

"Pwede ba! Wag na wag kang manggulo dito? This is not your event!", sabay talikod ni Maymay sa akin.

"Don't you dare walk away from me!", nasigawan ko si Maymay na siyang kinahinto niya't humarap sa akin muli.

"How dare you do this to me? How dare you Edward?! This is so unfair!!" ", nanggagalaiting sabi ni Maymay sa aking mukha.

"Please.. Maymay.. I just wanna talk to you. Please..", pagmamakaawa ko.

"Who is this guy Marydale?", sambat ni Bruner na babasagin ko na talaga ang mukha.

"No one important Rick. Let's just continue the show", intense ang pagkasabi niya sabay hila ni Maymay sa braso ni Bruner. Sa aking selos ay bigla kong inagaw ang braso ni Bruner at di na napigilang suntukin ang kanyang pagmumukha.

"Tama na", sigaw ni Maymay.

"What's happening??"

"Security!!"

All the people are watching in exasperation. Kanya-kanyang awat. Kanya-kanyang sigaw ng security. But I was into that moment of near killing my wife's other man. Dumudugo na ang ilong ni Bruner.

"Edward!! Tama na!! Tama na!!", humahangos na pagmamakaawa ni Maymay sa aking harapan na umiiyak na.

Oh shit. What did I do?? Ano na namang tong kagaguhan na ginawa ko??

"Please... leave... please.. leave me be.. ayoko na..hindi na kita gusto pang makilala ulet..", umiiyak na sabi ni Maymay habang kalong-kalong niya si Bruner na namamaga na ang mukha.

The people around us, even the security, they are not in awe. May galit lahat sa kanilang mga mata na nakatutok sa akin. Lahat sila may galit at poot sa akin dahil sa pagsira ng event nila. Pero higit sa lahat, si Maymay, may hikahos sa kanyang mga mata. Mga matang napapagod na dahil sa akin. Her eyes were telling me how she wished for me to become a total stranger.

Hindi na kita gustong makilala pa ulet. Yun yung mga salitang tumatak sa akin nung gabing yun. Pinuntahan ko siya para humingi nang patawad pero mas nanggulo pa ako.

"Please Ed... pabayaan mo na ako.. please..",huling pagmamakaawa niya sa akin bago ako tuluyang lumayo sa lugar na iyon. Tumakbo ako papalayo. Ganito pala kasakit ang naidulot ko sa buhay ni Maymay. Ganito pala kasakit pag siya na ang nakikiusap na layuan mo siya. Ganito pala kasakit pag ang taong minamahal mo ang mismong hihiling na di ka na niya gustong makita. At ganito pala kasakit ang maghabol sa taong ayaw ka nang makilala ulet.

Napahinto ako sa pagtakbo. Hiningal ako. Nasa malayong lugar na pala ako sa gallery. Napaupo ako gilid ng isang building. Lugmok na lugmok ang aking damdamin. Di ko sukat akalaing ganito ang kalalabasan lahat ng mga kamalian ko. Saan naba ako papunta?? Si Maymay nalang ang meron ako simula nang mawala ang ang aking alaala.

Umiyak ako nang umiyak. Hanggang sa wala nang mailuha ang aking mga mata. Nag aapoy na sa sakit ang aking dibdib. Para bang gumuho ng tuluyan ang aking mundo.

Hindi ko namalayan ang oras. Mag-aalas singko na pala nang umaga. Di ko na napansin dahil umiiyak lang ako all this time. Nang biglang may umupo sa aking tagiliran. Tumabi siya sa akin. Nakatitig lang siya sa aking mukha. Pinunasan niya ang aking mga luha. Ang kanyang mga mata'y mapupungay at nangingilid na rin ang kanyang mga luha.

Hinawi niya nang dahn dahan ang aking magulong buhok, tinitigan akong muli at dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha.

"Itigil na natin to... parang awa mo na Ed.. di na tayo karapat dapat para sa isa't isa. Tama na..", huling hiling ni Maymay sa akin bago namin nasilayan ang isang napakagandang bukang liwayway.












MayWardians!!! Okay paba kayo jan?? Comment na 😘😘

PS: if you have twitter you can repost this sight for other MayWard fans to notice this story. Or if you have friends who's an avid fan pls do tag them this story. Thank you and love lots!!!

PPS:  please help this story to be noticed by everyone esp those people who can influence other people to like this story. MayWard deserves a spotlight! God bless everyone 😘😘😘

Beautiful Us (Completed MayWard Fanfic Romantic Story) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon