Memory Lane 💜

1.4K 86 40
                                    

Mga bai!!! Ito na ang update na hinihintay niyo!!  This chapter serves as the flashback of what happened five years ago with more of the details. To #MayWard and beyond ❤ Enjoy guys!!!

PS: For this chapter please play the song 'Gravity' by Sarah Bareiles :)

Memory Lane 💜

(Maymay's POV:

My first ever gallery art show. Successful naman. Masaya at marami akong nakikitang mga taong nasisiyahan sa mga paintings ko! Grabe bai! I feel so good!

"Your works are very impressive!", sabi ng kanong nasa likod ko. Nilingon ko siya at nang magkaharap kami ay nakangiti na siya ng todo sa akin. Napangiti rin ako na para bang may maraming kulisap sa tiyan ko.

"I'm sorry but I can't help it, you are a very gorgeous girl!", sabi niya na parang nahihiya. Shit naman. Shit kinilig ako dun ha.

"Hahahah.. di naman masyado..", pagmamayabang kong sagut na parang natataranta na. "Are you  an artist too?", tanong ko sa kanong may magandang ngiti.

"Yup! And I love all your works! I'm Ed by the way, Edward Barber!", he extended his arm and held my hand slowly to shake it. Gusto ko yatang tumalon sa biglang saya at kilig na naramdaman  ko. Nagkatitigan kami na naghahawak parin ang mga kamay. Sa puntong iyon di ko siya gustong mawala sa paningin ko pero naputol iyon ng hilahin ako bigla ni tatay para ipagyabang sa mga kaibigan niya. Nakangiti parin siya sa akin kahit nagkalayo na kami. Shit. Nainlove yata ako. Boung gabi ko siyang inisip. Buong gabi ko siyang inalala.

The next day, late na akong nagising. Nang maalala kong may appointment nga pala ako dun sa artist na kaibigan ng tatay ko nagmadali na akong magbihis. Pumunta agad ako sa may train station at dun naghintay na dumating ang mabagal na sasakyan. Nang makasakay na ako sa train ay napaisip ako. Tatanggapin ko ba ang offer ni Mr. Tiu o hindi? Sasama ba ako sa kanya sa America para sa isang art scholarship o hindi? Nag iisip lang ako sa may tabi ng biglang may matumbang matanda sa tabi ko. Ang mas nakapag gulat pa sa akin ay yung taong tumulong sa kanya. Napatitig lang ako sa kanya. Napatitig ako sa taong tumulong kay lola.

Nang ma okay ang matanda ay biglang lumapit ang taong tumulong sa kanya sa akin. Tumabi siya sa akin ng nakangiti. Kinabahan ako ng husto. Naririnig ko na ang heart beat ko na parang masusuka na ako.

"Hey there gorgeous lady! We've met again!", isang gwapong ngiti ang tumambad sa akin. "Marydale right?", he asked again, still smiling at me.

"Ha? Ah..ako? Oo.. Marydale..",  para akong timang na sumagot sa kanya. Di ako makapigil sa ngiti ko. Di ko mapigilang ngumiti sa kanya. Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili kong nag eenjoy sa company niya.

Simula noong una naming pagkikita mas naging close kami ni Ed. Walang araw na di ko siya kasama. "Your crazy matches my crazy!", lagi niyang nasasabi sa twing may kapareho kaming gawin.

Yung paborito niyang resto, paborito ko rin. Mahilig kaming magloko sa parties at specialty namin ang mag party crash lalo na sa mga promenades. Napapantayan niya ang mga kalokohan ko, at sa tingin ko nga'y nahuhulog na ako sa kanya.

Siya ang una at huling lalaking minahal ko. Minahal ko na higit pa sa sarili ko.

Lumipas ang isang taon. When he popped this amazing question sa favourite resto namin. Sa gitna ng desert ay bigla siyang lumuhod sa harap ko at pormal na niyayang magpakasal sa kanya. Wala akong ibang nasagot kundi "Oo." Wala akong ibang naibulong sa kanya buong gabi kundi oo. Hinalikan niya ako ng paulit ulit at pinahid niya ang mga luha ko dahil sa tuwa.

Masayang masaya ako.

Nagdaan pa ang ilang araw at buwan. Walang oras na di ako masaya sa piling niya. Mas marami pa akong nadiskubre kay Ed simula ng ikasal na kami. Mahimbing pala soyang matulog sa gabi. Yung natutulog na laging masarap ang panaginip. Di pala siya humihilik at di rin siya nauutot sa tulog niya. Ang gwapo parin niya kahit nakapikit. Mahilig niya akong yakapin sa gitna ng gabi at lahat ng yakap niya ay nauuwi sa malambing na love making. Di ako nasasaktan, sa katunayan he is so gentle na lalo pa akong naiinlove sa init na pinadadama niya sa akin. Mahilig siya sa sunrise. Lagi kaming nanonood ng pagsikat ng araw kasi sabi niya "new day, new page". Takot siya sa heights pero lagi niya akong dinadala sa carnival kasi gusto rin niyang malagpasan ko ang takot ko sa clowns. Walang araw na wala akong rosas, kasi sabi niya kasing ganda ko sila. Walang oras na di niya ako hinahalikan, kasi sabi niya kasing tamis ng labi ko ang pag ibig niya sa akin. At walang sigundo na di niya sinasabing mahal niya ako kasi sabi niya ako ang buhay niya, ang mundo niya at ang buong pagkatao niya.

Beautiful Us (Completed MayWard Fanfic Romantic Story) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon