"SO WHO'S this special girl?" nakangiting tanong ni Jace kay Joaquin habang nasa isang flower shop silang dalawa. Hinihintay nila ang ipina-arrange nitong bulaklak para daw sa isang babaeng "nililigawan" nito.
"You're laughing at me," he accused him in a mild tone. Nakangiti rin ito at tila masaya at excited.
Natawa siya. "Hindi ko lang inaasahan na makikita kitang ganito. Flowers and chocolates? This is so not you."
Hindi kinakailangang manligaw ni Joaquin. Ang mga babae ang nanliligaw rito. Sanay na ito sa mga babaeng nagkakandarapa rito. He just had to smile and women would be swooning at his feet. Sa kanilang dalawa, ito ang mas kilala hindi lamang sa mga babae. He was outgoing and fun to be with. Ang tingin naman sa kanya ng lahat ay dull at boring. Palagi raw siyang seryoso kaya nangingilag ang iba na lapitan siya.
Ang tingin ng iba kay Joaquin ay playboy. Hindi ito ganoon. Hindi nito sinasadyang manakit ng babae. Hindi ito nakikipagrelasyon nang sabay-sabay. Nagkakataon lang na natutuwa ito sa atensiyong ibinibigay rito ng mga babae. Nagkakataon din lang na hindi nito gusto ang gusto ng ibang babae. May ilan na sinasakal ito at pilit na pinagbabago.
Maraming beses nang nakita ni Jace na nagkainteres ang kaibigan sa isang babae, ngunit ngayon lamang niya ito nakita na ganoon ka-excited. Hindi rin ito nagbigay ng bulaklak sa mga babaeng naging girlfriend nito. Ayaw raw nitong magmukhang tanga habang hawak-hawak ang bungkos ng bulaklak. At hanggang maaari ay ayaw nitong bumabalik sa unibersidad. He hated school. Binigyan ito nang tatlong taon ni Tito Hiram na mag-full time sa photography, ngunit pagkatapos niyon ay mas paglalaanan na nito ng panahon ang family business ng mga ito.
Nitong mga nakaraang araw ay madalas itong nagtutungo sa unibersidad upang manligaw. Talagang interesado ang kaibigan niya sa kaibigan ni Phylbert. Hindi pa niya nakikilala si Penny, ngunit madalas itong naikukuwento ni Joaquin sa kanya. His friend couldn't stop talking about her. Tila tinamaan itong talaga.
Dahil sa curiosity at dahil na rin may klase siya para sa master's niya ay magtutungo rin siya sa unibersidad. Makikilala na niya sa wakas ang babaeng dahilan kung bakit nagkakaganoon si Joaquin.
"She's beautiful and delicate just like a flower," nakangiting sabi nito habang inaabot ang ipina-arrange nitong bulaklak. They were beautiful.
Sumagi sa isip niya ang isang babaeng mas maganda pa sa bulaklak. Napangiti siya nang matamis. He would see her again today. Alam niyang nakaupo na naman ito sa paborito nitong bench at nagbabasa ng libro.
Should I get her some flowers, too? Napailing siya sa kanyang naisip. He didn't want to freak her out. She might run and avoid him. Ayaw niyang madaliin ang lahat sa pagitan nila. They were just starting to get to know each other.
Ramdam na ramdam ni Jace ang paggapang ng pananabik sa kanyang buong pagkatao. He would see her serene shy smile again. Ang totoo, mas excited siyang makita ang kanyang Penelope kaysa sa Penny ni Joaquin. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagtanto na pareho ang pangalan ng dalawang espesyal na babae sa buhay nilang magkaibigan.
Nagkibit-balikat siya. Nagkataon lang marahil iyon. Nasisiguro niya na mas maganda at mas espesyal ang kanyang Penelope kaysa sa Penny ni Joaquin. He imagined another Phylbert—cute, adorable, and slightly irritating. Hindi ganoon si Penelope. She was the loveliest of all.
"Kailan mo ipapakilala sa 'kin ang babaeng sinasabi mong nakakuha ng atensiyon mo?" tanong ni Joaquin sa kanya habang nasa daan na sila patungo sa unibersidad.
"Kapag masasabi kong malapit na kami sa isa't isa. Medyo ilag pa siya sa ngayon." Naikuwento niya rito na may nakilala siyang espesyal na babae na muntik na niyang masagasaan. Hindi niya gaanong naikukuwento ang pagtatagpo nila ni Penelope sa likod ng graduate school building at ang masaya nilang kuwentuhan dahil nag-aalala siyang masabi nito kay Phylbert ang bagay na iyon.
Alam niya na hindi nito gustong nakikialam sa kanila ng kapatid nito, ngunit alam rin niya kung gaano nito kamahal si Phylbert. Alam nito ang totoong nararamdaman niya para sa kapatid nito. Ang sabi ni Joaquin ay naiintindihan siya nito at hindi siya nito pipilitin, ngunit alam niyang kahit na paano ay nalulungkot ito para sa kapatid. He cared so much for the brat.
Sandali siya nitong sinulyapan at nginitian. "Don't worry about Phylbie. She'll get over you in time. Malay mo, may bigla na lang dumating para sa kanya. Bata pa kasi siya kaya iniisip niyang ikaw na. Ganoon naman talaga ang mga babae sa kanilang first love. You can tell me anything. Hindi makakarating kay Phylbie, makakaasa ka. In the first place, wala siyang karapatang magalit at magselos. You're my friend and I'll support you if you think this girl is already the one."
"Phylbie is your sister," nakangiting tugon niya. "She can annoy the hell out of anyone," pagbibiro niya. "Don't get me wrong. I so adore the brat. I can't wait for her to get over me. But the thing is, she's your sister."
Natawa ito. "And you're almost a brother, my twin. Ang hirap ngang magkunwari na inilalakad ko siya sa 'yo para lang tulungan niya ako sa panliligaw sa kaibigan niya."
His eyes narrowed. Ngayon lamang niya nalaman ang bagay na iyon. Bumalik sa kanya ang ilang pagkakataong inimbitahan siya nitong lumabas at palagi ay bitbit nito si Phylbert. Pinapalabas nito na wala itong laban sa kakulitan ng dalaga.
"Inilalakad mo siya sa akin?"
He smiled guiltily. "I know how you feel about her, Jace. I'm just indulging her for a short while."
"Bakit mo kailangan ng tulong niya? Surely, baliw na baliw na sa 'yo ang babaeng ito ngayon."
Nakangiting umiling ito. "She's not into me. Not at all. That's why I like her a lot."
"Masama yata ang tama mo, bro." Deep down, he was happy Joaquin finally found one special woman. Nakakasawa rin namang makita ito na kung sino-sino ang kasama ngunit alam niyang hindi naman nito gaanong gusto. Panahon na upang magseryoso ito sa isang babae.
"Hindi ko talaga malaman kung ano ang mayroon siya para magkaganito ako. Hindi nga ako makapaniwala na magiging excited ako nang ganito sa isang babae. I'm willing to do everything for her. Kahit na magmukha akong corny at tanga, okay lang."
"I really should meet this woman."
"You'd love her."
l�2Rs��