Chapter 16

21K 319 14
                                    

INI-LOCK ni Phylbert ang kuwarto niya sa kabila ng babala sa kanya ni Joaquin. Kailangan nila ng privacy ni Jace.

"You can't be with Penelope," aniya bago pa man ito makapagbuka ng bibig.

Namilog ang mga mata nito. Hindi pa nito alam na alam na niya ang lahat. "H-how?"

"'Doesn't matter. Alam ko kung bakit kakausapin mo si Kuya. Aamin ka sa kanya, hindi ba?"

He pressed his lips together in a hard line. Hindi nito masalubong ang nag-aakusa niyang mga mata.

"You selfish jerk!" Hindi niya alam na masasabi niya ang ganoon kapangit na salita sa lalaking pinakamamahal niya. Hindi niya napigilan ang pag-ahon ng matinding galit sa kanyang dibdib.

Lalo itong hindi makatingin sa kanya. He looked tortured and guilty.

"Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ni Kuya Joaquin. He has been your best friend since diaper days, baka nakakalimutan mo na. He trusts you so much. You know he loves Pen so much. At ako, hindi mo man lang inisip kung gaano mo ako masasaktan. Mas uunahin mo pang kausapin si Kuya kaysa sa akin. Ganyan ba kahalaga sa 'yo si Penelope para bale-walain mo ang lahat? Is with her more important than my brother's friendship and my love for you? Ano ang mayroon siya na wala ako, ha?"

Tila nahihirapan itong maghagilap ng tamang salita na gagamitin. "I... I-I'm s-sorry," was all he managed to say.

The words hurt her more than ever. He was sorry! Ano ang magagawa ng sorry bukod sa lalo siyang pasakitan?

Nanghihinang napaupo siya sa kama. "Hindi ko alam na ganyan ka kasama," aniya sa munting tinig. Hindi na niya napigilan ang paglandas ng mga luha sa kanyang mga pisngi. "At nakakagalit sa lahat, mahal na mahal pa rin kita, Jace."

"Phylbie..." Nilapitan siya nito. Lumuhod ito sa tapat niya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at hinagkan. Tila hindi pa rin nito alam ang sasabihin. Nakikita niyang nahihirapan din ito ngunit walang-wala iyon sa paghihirap niya.

"Bakit siya pa?" tanong niya sa nahihirapang tinig. "Sa dinami-rami ng babaeng puwede mong magustuhan, bakit siya pa?"

"Hindi ko sinasadya, Phylbie. Basta ang alam ko, kakaiba na ang naramdaman ko sa kanya nang una kaming magkita. Hindi ko alam... hindi ko alam na siya rin ang babaeng nagugustuhan ng kapatid mo. Hindi ko inakala na may espesyal din siyang damdamin para sa akin. Si Joaquin ang pinili niya at nasaktan ako. Nang mabasa ko ang diary niya, hindi na ako nakapag-isip. Hinayaan kong mas manaig ang emosyon ko. I'm sorry. It's not enough, I know, but that is all I can say right now."

Bago pa man makapag-isip si Phylbert ay nasampal na niya si Jace.

"Tama ka, dapat ay nakipaghiwalay muna ako sa 'yo bago ako gumawa ng kahit na anong hakbang."

"No! No! No, Jace! We're not breaking up because of that woman! Hindi ako papayag! Ayoko! I love you too much to just let you go."

"Phylbert—"

"No! Ayoko, Jace! Hindi ako papayag! I love you!" mariing sabi niya. Nahaluan na ng takot ang galit niya. Hindi niya gustong mawala ito sa kanya sa kabila ng lahat. Pakiramdam niya ay ikamamatay niya iyon. Napagtanto niya na sa kabila ng galit niya, mas matimbang pa rin ang pag-ibig niya rito. Gagawin niya ang lahat, kakalabanin niya ang lahat huwag lamang itong mawala sa kanya.

Niyakap siya nito. "I'm so sorry."

Humagulhol siya. "I love you. Hindi mo lang alam kung gaano, Jace. Huwag mong gawin sa akin ito. Huwag mo akong saktan nang ganito. I couldn't bear it if I lost you."

Nanatiling tahimik si Jace, niyakap lang siya nito. Nadudurog ang kanyang puso. Wala pa rin siyang naririnig na kasiguruhan mula rito. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. Hindi niya ito pakakawalan.

"NAMUMUGTO ang mga mata mo. May pinag-awayan ba kayo ni Jace?"

Pilit na nginitian ni Phylbert si Joaquin na sinamahan siya sa kanyang silid. Nakahiga lang siya dahil masyado siyang nanghihina. Kanina pa nakaalis si Jace. Hindi nito itinuloy ang pakikipag-usap sa kapatid niya tungkol kay Penelope. Pakonsuwelo na lang niya sa kanyang sarili na maayos pa ang puso ng kapatid niya.

"Normal naman siguro sa lahat ng magkarelasyon na mag-away," aniya sa munting tinig.

Sumampa ito sa kama at niyakap ang isang malaking teddy bear na regalo nito sa kanya noong unang beses siyang tumapak sa bahay ng mga ito. "May ipapakita ako sa 'yo," anito, sabay abot sa kanya ng isang nakatuping bond paper.

Binuklat niya iyon at binasa. Napangiti siya sa kabila ng lahat ng nangyaring masasakit na bagay sa kanya. "Job offer sa Amerika? Wow! Astig ka, Kuya. Ang laki ng ibabayad sa 'yo." Job offer iyon mula sa isang malaking advertising company sa Amerika. Hindi niya alam kung paano na-discover ng mga ito ang kapatid niya na nagsisimula pa lamang gumawa ng pangalan sa Pilipinas.

"Naipakita ko na 'yan kina Daddy at Mommy kanina. They're happy for me. Genuinely happy."

Niyakap niya ito nang mahigpit. "I'm happy for you, too." Maigi na lang at may magaganda pang bagay na nangyayari at dumarating sa kanila. May dahilan pa siya para ngumiti.

Tinapik nito ang kanyang likod. "Thanks. Pero pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ano ang kailangan mo pang pag-isipan? Kuya, this is a big opportunity for you. You can't say no."

"Pero matatagalan ako roon. Hindi ko pa maisasama si Pen doon dahil nag-aaral pa siya rito. Parang hindi ko kaya kung hindi ko siya makikita at makakasama nang matagal. 'Yong sa Greece nga lang parang mabaliw-baliw na ako."

Nagtagis ang mga bagang ni Phylbert. Muling nagsiklab ang galit sa kanyang dibdib nang marinig ang dahilan ng pagdadalawang-isip ng kapatid. Hindi siya papayag na si Penelope lang ang magiging dahilan ng pagtalikod ni Joaquin sa malaking oportunidad na dumating dito. Joaquin didn't deserve a woman like Penelope. Mas maigi marahil na makalayo ang kapatid niya sa babaeng iyon.

"You have to take the offer, Kuya. Tandaan mo, tatlong taon lang ang ibinigay ni Daddy sa 'yo. You have to make the most out of it. Maiintindihan ka ni P-Pen. Alam kong ito rin ang sasabihin niya sa 'yo. Hindi ka niya hahayaang tanggihan mo 'yan para lang sa kanya. This is your dream, Kuya."

"Per—"

"Mas mahalaga ang photography kaysa sa kanya."

Umiling ito. "No, Phyl. Kasinghalaga ni Pen ang photography."

"Mas mahalaga siya kaysa sa amin nina Mommy at Daddy? Mas mahalaga siya sa 'yo kaysa sa akin?" gumagaralgal ang tinig na sabi niya.

Tumatawang niyakap siya nito. "Nagselos naman kaagad itong prinsesa namin," sabi nito. "Siyempre, iba ka kay Pen. Pero hindi ibig sabihin niyon na mas importante siya."

"Huwag mong ibigay ang lahat ng pagmamahal mo sa kanya, Kuya. Mas mahalin mo ang sarili mo."

Pinindot nito ang ilong niya. "Kung sabihin ko rin 'yan sa 'yo, pakikinggan mo ako?"

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. "Magkaiba sila ni Jace."

"Pareho lang silang true love natin."

Naisip ni Phylbert na kawawa naman silang magkapatid. Nagmamahal nang lubos sa dalawang taong ang minamahal ay ang isa't isa. Umahon ang hindi masukat na determinasyon sa kanyang dibdib. Gagawa siya ng paraan. Tatanggapin ni Joaquin ang trabaho. Mailalayo niya ito kay Penelope. Mananatili sa kanya si Jace. Kusang nagplano ang isip niya. Hindi maganda ang mga ideyang sumagi roon, ngunit wala na siyang pakialam. Masaktan at mawalan na ang lahat, huwag lang silang magkapatid.

id-a63R�e� 

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon