Chapter 33

22.6K 385 20
                                    


"AND HERE'S our princess, Miss Phylbert, who has been absent for five years," anang emcee sa mikropono. "She's lovelier now than when she was eighteen. She's getting married, so, gentlemen, huling pagkakataon n'yo na ito. The fiancé isn't present so let's start."

Sinikap ni Phylbert na ngumiti kahit na kinakabahan siya. Alam niyang nasa harap lamang si Jace at sinikap niyang huwag tumingin sa gawi nito. Hinanap na lang ng kanyang mga mata si Joaquin. Nang magsalubong ang mga mata nila ay inutusan niya itong mag-bid. Ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon si Jace na makasama siya, na mapalapit sa kanya. She would go crazy. She would lose her mind and sanity the moment they touched.

"One hundred thousand."

Nakahinga nang maluwag si Phylbert nang mag-bid ang kapatid niya. Mabuti at nakuha kaagad nito ang nais niyang iparating.

"Five hundred."

Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pamilyar na tinig ni Jace. Hindi na niya sinubukang tingnan ito. Nasa tinig nito ang determinasyon na ipanalo ang lahat ng sayaw niya ngayong gabi. Nag-ingay ang mga bisita.

"Five hundred thousand."

Her eyes snapped open when she heard another familiar voice. Binibiro ba siya ng pandinig niya o talagang narinig niya ang tinig ni Juan Cristobal? Kaagad niyang hinanap ang pamilyar na mukha. She almost sagged in relief when she saw him. Nasa sulok ito at prenteng nakasandal sa pader habang may tangan na baso ng alak. His slow sexy smile was so familiar.

"Uhm, Sir, the rule is, you bid higher than the last bidder," anang emcee sa nagbibirong tinig.

Naglakad si Juan Cristobal palapit sa kanila. Napatingin na rin dito ang halos lahat ng bisita.

"Oh, sorry. I meant five hundred thousand dollars. Is that okay, Mommy Bianca?" tanong nito sa kanyang ina.

Ngumiti at tumango si Mommy Bianca.

Hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili. She flung herself at him. "Sold!" she happily exclaimed. She was so relieved to see him again. She was going to be okay. Naroon na si Juan Cristobal. Hindi na siya maguguluhan. Hindi na siya malilito. Matagal na siyang namili at ito na ang kanyang kaligayahan.

Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. Wala siyang pakialam kahit na maraming tao ang nakatingin sa kanilang dalawa. She loved this man.

"Do you miss me?" bulong nito sa tainga niya.

"Always," she murmured back. "I'm so glad you're here now. I've missed you so much!"

Pinakawalan siya nito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. "I've missed you more. You look so lovely tonight. Mabuti na lang pala at naisipan kong sorpresahin ka. Kung hindi pala ako dumating ngayon, another guy would be so happy to buy all your dances." Tumingin ito sa gawi ni Jace. "I guess that's the ex who turned out to be your best cyber friend?"

Wala siyang mabakas na panibugho o pagdududa sa mga mata ni Juan Cristobal. Nagtatanong lang ito. Napilitan din siyang tumingin sa gawi ni Jace. Natigilan siya sa nakita niyang ekspresyon sa mukha nito. Pakiramdam niya ay pinangapusan siya ng hininga. Her heart ached for him.

He looked miserable and he was not able to hide it. There was too much pain in his eyes. Lalo yatang nagulo ang buong sistema niya sa nakita niyang anyo ni Jace. Nawala ang naramdaman niya kaninang relief at kapanatagan ng loob. Tila nais niya itong lapitan at yakapin. Nais niyang mawala ang lahat ng kamiserablehang mababakas sa anyo nito. She wanted to tell him that it was all right, he was not losing her.

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon