Philippines
NGITING-NGITI si Phylbert habang naghihintay sa loob ng opisina ni Jace. Prenteng nakaupo siya sa swivel chair. She was giddy and excited. Halos hindi na siya makapaghintay na makita ang binata. Kung hindi lang sinabi ng assistant ni Jace na nasa mahalagang meeting ito ay malamang na napasugod na siya sa loob ng conference room. Ayaw niyang isipin nito na siya pa rin ang dating makulit na Phylbert. She had matured.
Habang naghihintay ay iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng opisina ng binata. Excited siyang makita ang hitsura nito sa personal. She had had enough of webcams. She wanted to see him in the flesh. Nais niya itong yakapin at maramdaman. Dinampot niya ang isang framed photo sa desk nito. He was wearing a suit. He was not smiling. He looked stiff and masungit.
Lalong napangiti si Phylbert. Ganoon na talaga ito noon pa man. Madalang itong ngumiti. Palagi itong mailap. Kaya marahil niya ito nagustuhan nang husto noon ay dahil sa ugali nitong ganoon. Mas hinahangad yata ng mga tao ang isang bagay na hindi maaaring makuha ng mga ito.
Ayaw niyang pakaisipin masyado ang malulungkot na nangyari sa nakaraan. Matagal na niyang napakawalan ang lahat ng mga negatibong emosyon sa kanyang dibdib. It had been years. She was completely over him. Mas iniisip niya ang masasayang panahon na pinagsamahan nila. Napakarami niyon kompara sa malulungkot at masasakit na alaala.
She had missed him. She was excited to see him again. She couldn't wait.
Nang sa wakas ay pumasok ito roon ay muntik na siyang matawa nang malakas sa naging reaksiyon nito. Halos lumuwa ang mga mata nito. Hindi yata nito mapaniwalaan na naroon nga siya. Tila ito itinulos sa kinatatayuan nito. Talagang sinadya niyang hindi sabihin dito ang pag-uwi niya upang masorpresa ito.
Pinagmasdan ni Phylbert ang kabuuan ni Jace. Kung may nagbago man dito, iyon ay lalo itong kumisig sa kanyang paningin. Palagi niyang nakikita ang mukha nito sa pamamagitan ng web cam, ngunit iba pa rin pala kapag kaharap na niya itong muli. Tila may nabuhay na bahagi ng puso niya na matagal na nanamlay pagkakita niya rito.
Tumayo siya at nilapitan ito. "Gusto mo, kurutin kita para maniwala kang narito talaga ako?" Bago pa man ito makasagot ay mariin na niyang kinurot ang pisngi nito.
"Aw," daing nito. "God, Phylbie!"
Napasinghap siya nang malakas nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit. Halos maipit na siya sa sobrang higpit ng yakap nito. Tila nais nitong ma-absorb ng katawan nito ang kanyang katawan. Nahihirapan siyang huminga, hindi lamang dahil sa higpit ng yakap nito. Her throat constricted. Naiiyak siya, ngunit pilit niyang pinigilan. Hindi niya akalain na magiging ganoon siya kaemosyonal sa muli nilang pagkikita.
"God, I can't believe you're in my arms again," he hoarsely said. He buried his face in her hair and inhaled deeply. "I've missed you. I've missed you so much!"
Napangiti siya sa kabila ng pamamasa ng kanyang mga mata. "I've missed you, too, Jace. So, so much."
Tila nais sumabog ng kanyang dibdib sa iba't ibang overwhelming emotions na nararamdaman niya. Tila ngayon lang niya napagtanto kung gaano siya nangulila kay Jace. Her heart was more than happy. It felt so great to be this close to him again. Ayaw na niyang kumawala. Ayaw na niyang magkalayo silang muli.
"GOD, JACE, stop staring at me like I'm the most beautiful woman in this restaurant. I already know that, okay?" nakatawang saway ni Phylbert kay Jace. Kanina pa siya naiilang sa paraan ng tingin nito ngunit sinikap niyang itago iyon.
Niyaya niya itong kumain sila sa paborito niyang restaurant pagsapit ng tanghalian pagkatapos nilang magyakapan at magkumustahan sa opisina nito. Masarap ang mga pagkain na in-order nila. Kung hindi lang sana sa uri ng tingin nito, kanina pa siya lumalamon. Na-miss niya ang mga pagkaing Pinoy.