Chapter 19

22.5K 361 12
                                    

Boston

Five years later

"WHERE ARE we going?" nagtatakang tanong ni Phylbert sa nobyo niyang si Juan Cristobal. Iginiya siya nito papasok sa isang pinto. Wala siyang ideya kung nasaan sila. Nang sunduin siya nito kanina sa kanyang apartment, ang buong akala niya ay dederetso sila sa party ng ina nito. Labis siyang nagtaka nang huminto ang sasakyan sa isang commercial street. Papasok sila ngayon sa isang pinto na ang hula niya ay rear entrance para sa staff ng isang shop.

"Trust me," sabi nito.

"JC, I'm not going in unless you tell me what's in there."

He rolled his eyes. "Jewelry."

"Ha?"

"Mga alahas ang nasa loob ng shop na ito," nakangiting sabi nito. Ayon dito, mula nang makilala siya nito ay naging madalas na ang pagsasalita nito ng Tagalog. Purong Pilipino si Juan Cristobal Boyce, ngunit inampon ito ng isang mag-asawang Amerikano noong sampung taong gulang ito. Ang kuwento nito, natagpuan daw ito ng adoptive parents nito na kapwa doktor sa isang provincial hospital sa isang liblib na lugar noong magkaroon ng medical mission ang mga ito sa Pilipinas. Iniwan daw ito ng mga totoong magulang nito roon nang dapuan ito ng dengue. Everyone expected him he would die but the doctor couple did everything to save the tiny boy.

Legal itong inampon nang gumaling na ito at inayos kaagad ang mga papeles nito upang makasama kaagad sa Amerika. Nagkaroon si Juan Cristobal ng magandang buhay kasama ang adoptive parents at siblings nito. Naging mahusay itong doktor. Naging mahusay itong doktor sa kanya. He was a gorgeous doctor and he was hers.

He was her beloved boyfriend.

"Ikaw ang nagsabi sa akin kanina na hindi ko kailangang magsuot ng kahit na anong alahas. In fact, you insisted that I not wear any jewelry," aniya habang nagpapahila rito papasok sa loob. Hindi na siya mahilig sa alahas o accessories but he loved showering her with expensive gifts.

"That's because I'm gonna buy you something glittery."

Nakangiting pinagsalikop niya ang mga kamay nila. "You don't have to do this. Alam mo na kahit na hindi mo ako bigyan ng mamahaling alahas, mahal pa rin kita."

Hinagkan nito ang sentido niya. "I want to do this. I've been dying to do this for so long now, 'bie."

Hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pagkatensiyon nito. Tila kinabahan itong bigla na hindi niya mawari. Ano naman ang nakakakaba sa pagbili ng alahas? May pera naman itong pambili.

Nagsalubong ang mga kilay ni Phylbert nang dalhin siya ni Juan Cristobal sa isang madilim na silid. "Uhm, JC, where are the glittery stuff?" tanong niya habang sinasanay ang mga mata sa dilim.

"Right here," anito kasabay ng pagpitik ng mga daliri nito.

Nasilaw siya nang biglang magliwanag ang buong paligid. Nang masanay na ang kanyang mga mata sa liwanag ay halos malaglag ang kanyang panga. Nasa loob nga sila ng isang jewelry store na may magagandang singsing na nakahilera sa loob ng glass cases. May apat na nakaunipormeng staff na nakangiti sa kanila.

It only took her a short while before she processed what Juan Cristobal was planning to do. "You are proposing!" she almost shrieked.

Kinakabahan na tumango ito. He looked pale and very nervous. Was he stupid? Paano nito naisip na may posibilidad na sumagot siya ng negatibo?

"The answer is yes, JC, honey. Now, get down on one knee and ask me to marry you," nakangiting sabi niya. "Wait, don't kneel yet. I'm gonna choose my ring first."

Bago pa man ito makatugon ay nilapitan na niya ang pinakamalapit na staff sa kanya. Kaagad naman nitong inilabas ang mga singsing na nasa glass case. Namamasa ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang mga singsing na nakalatag sa kanyang harap. She couldn't fully wrap her head around it. She was getting married to the most wonderful doctor on earth.

Nang makapili na siya ay hinarap uli niya si Juan Cristobal. He was smiling adorably at her. His eyes were telling her how much he adored and loved her. Those eyes that had always looked so lovingly at her.

"Is it time for the kneeling part?" tanong nito sa tinig na pilit nitong pinakaswal ngunit hindi ito gaanong nagtagumpay. There was a slight catch in his voice. His eyes were misty.

"Yes."

Kinuha nito ang napili niyang singsing at lumuhod ito gamit ang isang tuhod. "Phylbert Anne Cipriano, will you marry me?" he solemnly asked.

"Are you sure?" tanong niya sa halip na sagutin ito kaagad.

Sumimangot ito. Napangiti siya. Noon lang ito na-relieve.

"Oo! Yes! Yes!" He slipped the lovely simple diamond ring on her finger. It looked perfect on her. Hindi gaanong malaki ang bato ngunit mas gusto niya ng ganoon.

"You're not very original," akusa niya habang patayo na ito. "Napanood ko na ito sa pelikula nang paulit-ulit."

Banayad itong tumawa habang niyayakap siya. "Thank you."

"For saying yes? You know I'll say yes. Baliw ba ako para tanggihan ka? Now it's time for you to kiss me. 'Tapos kargahin mo ako at ipaikot-ikot para mas corny."

Natatawang inangkin nito ang kanyang mga labi. "I love you," he said against her lips.

She was so happy. "Thank you."

=MsoNorma(3R�� 

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon