"NASA 'baba si Jace, hija."
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Phylbert nang marinig niya ang pangalan ni Jace. "Mommy, tell him I'm not feeling well," sabi niya habang yakap ang isang unan.
Gustong-gusto niyang makita si Jace. Ang totoo, ilang araw na niyang hinihintay ang pagpunta nito sa kanilang bahay gaano man niya ikaila sa kanyang sarili ang bagay na iyon. Alam niyang mali kaya pinipigilan niya ang kanyang sarili. Alam niyang makakasakit siya at iyon ang pinakahuling bagay na gagawin niya sa ibang tao.
Bumuntong-hininga si Mommy Bianca. Naupo ito sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya. "Nag-aalala na kaming lahat sa 'yo. Mas madalas kang nagkukulong at nagmumukmok na lang dito sa kuwarto mo. Alalang-alala na sa 'yo si JC, Phylbert."
Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata. Bakit ba hindi niya maayos ang kanyang sarili kahit na alang-alang man lang kay Juan Cristobal?
"Babain mo na si Jace para matapos na ito, Phylbert," anito sa mas mariing tinig. Alam niyang kapag ganoon ang tono nito ay inuutusan na siya nito. "Kung anuman ang hindi n'yo pagkakaunawaan, ayusin na ninyo. Ayokong nagkakaganyan ka. Jace has also been acting weird today."
"Mommy..."
"Baba na, Phylbert," anito bago ito lumabas ng silid niya.
Wala nang nagawa si Phylbert kundi ang bumangon. Inayos niya ang sarili bago siya lumabas ng silid niya. Tila may mga kabayong naghahabulan sa kanyang dibdib habang patungo siya kung saan naroon si Jace.
Muntik na niyang itapon ang kanyang sarili rito nang makita niya ito. She had missed him so much. Nais niya itong yakapin nang mahigpit. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siyang karapatang mangulila rito nang ganoon katindi. Wala siyang karapatang yumakap ng ibang lalaki, lalo na kung nasa malapit lamang ang kanyang mapapangasawa.
Ang tanging magagawa niya ay pagsawain ang kanyang mga mata sa kabuuan nito. He looked so messed up but he was still gorgeous.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkasakit ka?" akusa nito sa malamig na tinig.
Namutla siya nang makilala niya ang librong hawak-hawak nito. Alam na nito ang tungkol sa pagkakasakit niya. Nanlalambot na naglakad siya patungo sa pinakamalapit na couch at naupo.
"H-hindi mo kailangang malaman," sagot niya sa tanong nito.
Bumalatay ang hindi mapantayang sakit sa mga mata nito. Napapitlag siya nang marahas nitong ibinato ang libro. "Damn you!" Tila nanghihinang napaupo ito sa mahabang sofa. Nasapo ng dalawang kamay nito ang mukha nito.
"Na-diagnose akong may leukemia noong maospital ako noon," paliwanag niya. Iyon na marahil ang tamang panahon upang malaman nito ang lahat ng nangyari, ang lahat ng bagay na itinago niya rito sa mga nakalipas na taon. "I didn't tell you because I didn't want you to know."
"Why?" he whispered in anguish. "I should've been there for you."
"That's exactly why I didn't want you to know about! I didn't want you to be there for me. Ayokong nasa tabi kita noong mga panahong iyon dahil alam kong naroon ka lang dahil may sakit ako. Dahil naaawa ka sa akin. Hindi ko gustong alagaan mo ako, ilaan mo ang lahat ng oras mo sa akin. Ayokong kunin sa 'yo ang buhay mo. You had so many things going on in your life. I didn't want you to stop and stay with me in the hospital." Pinahid niya ang kanyang mga luha. "Naisip ko na kapag namatay ako, gusto kong maging masaya ka sa buhay mo. Kaya ako nagdesisyon noon na pakawalan ka. Kapag wala kang alam tungkol sa sakit ko, malaya mong mahahabol ang kaligayahan mo, ang mga pangarap mo."
"How dare you," he said in between clenched teeth. "How dare you decide for me."
"It was the best decision I ever made." At ayaw niyang pagsisihan ang desisyon na iyon. "I never wanted you to see me suffering and in pain."
Namula at namasa na rin ang mga mata nito. "Nandoon ako dapat. Nahawakan ko sana ang kamay mo. Nandoon sana ako para yakapin ka. Naalagaan sana kita. Hindi mo sana ipinagkait sa akin ang pagkakataon na ipakita sa 'yo kung gaano kita kamahal."
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. Pilit niyang pinipigilan ang kanyang mga luha, ngunit mientras na pinipigilan niya ay lalo lamang iyong bumabalong. "Malaki ang pagkakaiba ng pagmamahal sa awa, Jace."
"Damn it, stop that! Kailan mo tatanggapin na hindi ako naaawa sa 'yo at hindi lang ako basta nagi-guilty. I love you! Mahirap ba talagang paniwalaan iyon?"
"Masisisi mo ba ako, ha?! Pagkatapos ng lahat, inaasahan mong basta na lang ako maniniwalang mahal mo na ako?" Punong-puno ng hinanakit at pait ang tinig niya.
Natahimik ito ng ilang sandali. Tila hindi nito alam kung paano nito dedepensahan ang sarili. Nilapitan siya nito at lumuhod sa harap niya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at hinagkan. "Are you okay now? Wala ka nang sakit? Were you in so much pain? Tell me all about it, please. Tell me everything. I wanna know."
Tila natunaw ang puso niya sa anyo nito. His eyes were pleading. Sa kabila ng mga luha, naikuwento niya rito ang tungkol sa naging buhay niya noong mga panahong maysakit siya. Ikinuwento niya kung paano nakunan ng larawan ni Joaquin ang bawat ngiti sa Smiles of Cancer. Sa kanya nanggaling ang ideya na i-publish iyon upang hindi lamang kalungkutan ang nakikita ng mga tao sa mga cancer patient. Nais niyang magkaroon ng ibang mukha at kahulugan ang cancer. Hindi nila inasahan ang success ng photobook. Nakatanggap ng ilang pagkilala si Joaquin dahil sa husay nitong kumuha ng larawan. He captured all the right emotions he wanted to show. Hindi vulnerability at fragility ng cancer patients ang unang nakikita ng tumitingin sa mga larawan. Mas nangibabaw ang pag-asa at tapang ng mga pasyente.
He stayed there and listened to her. Nang humupa na ang mga emosyon nila ay niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit.
"Thank God, you're okay. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka nang tuluyan. I can bear anything as long as you're alive, as long as I know you're happy. I'll stop understanding why things happen, I'll just accept the circumstances and learn from them. I'll always love you, always bear that in mind. I'll never stop loving you, I promise you. I'm letting you go but I'll continue loving you. I'll let you be happy with the man you truly love."
"Jace..."
Hinagkan nito ang kanyang noo. "I love you. Ako naman ang madalas na magsasabi sa 'yo niyan," sabi nito bago ito nagmamadaling tumayo at umalis.
Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak na lang habang pinapanood ang paglisan nito.
ily:"Minion P3R*
BINABASA MO ANG
My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)
RomantizmMy Darling Brat By Belle Feliz