Chapter 27

21.6K 346 5
                                    


"MARAMING salamat," sabi ni Phylbert kay Penelope habang yakap-yakap niya ito. "I'll keep in touch. Susunduin ka namin ni JC dito pagdating niya sa Pilipinas."

Paalis na sila nang umagang iyon. Hindi muna sila babalik sa Maynila dahil magtutungo pa sila sa Manaoag upang magsimba. Isinasama nila ito ngunit kailangan daw ito sa puwesto. Kahapon kasi ay ginugol nila ang buong araw nang magkasama.

"Mag-ingat kayo," bilin nito. Niyakap din nito si Jace at tila may sinabi rito ngunit buntong-hininga lang ang naging tugon ng binata.

"Ano'ng sinabi sa 'yo kanina ni Pen?" tanong niya habang nasa daan na sila.

Nagkibit-balikat ito. "Nagpaalam lang siya."

Kusang tumikwas ang isang kilay niya. Alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Kahit na nais sana niyang malaman, hindi na niya ito pinilit. Pribado na sa dalawa ang bagay na iyon.

Ngunit may isang bagay siyang nais na malaman. Isang tanong na matagal na niyang nais isatinig ngunit hindi niya magagawa dahil palagi ay naduduwag siya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit.

"Mahal mo pa rin ba si Pen?" tanong niya bago pa man siya mapangunahan ng karuwagan niya. Kahit na ano pa ang maging sagot nito, wala nang kaso sa kanya. Hindi na siya maaapektuhan.

Humugot si Jace ng malalim na hininga. "Hindi na mawawala iyon."

Napalunok siya. Hindi na dapat siya maapektuhan ngunit bakit tila may kung anong sumusundot sa kanyang dibdib? Tila may biglang bumikig sa lalamunan niya. Hindi na siya maaaring makaramdam ng selos. Kung tutuusin ay alam na niya ang sagot sa tanong na iyon. Hindi niya malaman kung bakit nais pa niyang marinig nang direkta mula rito iyon.

No. Hindi selos ang nararamdaman niya. Apektado lang siya dahil nalaman niyang hindi lamang basta panakip-butas si Joaquin para kay Penelope. Alam na niya ngayon na may pag-ibig din itong naramdaman para sa kanyang kapatid. Marahil ay nag-aalala siya para sa dalawang dating matalik na magkaibigan. Pareho pa ring umiibig ang mga ito sa iisang babae. Hindi rin niya mapagdesisyunan kung kanino siya papanig. She was torn. She couldn't betray any of them.

Yes, that's it! Hindi naman puwedeng hindi ako maapektuhan kasi kapatid at mga kaibigan ko ang involve. I have Juan Cristobal now. Everything's cool. So, be still, my heart.

"Natahimik ka na diyan," pukaw ni Jace sa kanya. "'You okay?"

"Yeah. 'Was just thinking of JC. I'll have to call him later. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang lakad nating ito."

Umasim ang mukha nito. "Kailangan ba talaga, ipaalam mo sa kanya ang bawat galaw mo?"

"Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, hindi mo rin ba gustong malaman kung saan nagpupupunta ang fiancée mo? Lalo na kung kasama niya ang ex niya?"

"Well, tama ka. If I were him I'd be worried. The ex might want her back."

Natawa siya. "He'd be worried, all right, but not about the ex. May tiwala si JC sa akin. Alam niya na wala siyang dapat na ipag-alala sa bagay na iyan. Hindi rin siya magseselos."

He looked offended. "Why not? Kung mahal ka niya, normal na reaksiyon ang selos."

"Mahal niya ako, alam na alam ko 'yon. He knows everything about you. Mula sa simula, naging tapat ako sa kanya sa lahat ng bagay tungkol sa 'yo. Alam niya na bahagi ka na ng sistema ko at wala na siyang magagawa sa bagay na iyon. You're part of who I am now. Sa palagay ko naman ay naiparamdam ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Masasaktan ako kung magseselos pa rin siya."

Natahimik ito nang mahabang sandali. "Naiisip mo ba minsan kung naiba ang mga pangyayari?"

"Paano kung hindi ibinigay sa 'yo ni Ramil ang diary ni Pen? Paano kung hindi ko kayo nakitang naghahalikan nang araw na iyon? Paano kung hindi tayo nagkahiwalay?"

Tumango ito. "Tayo marahil ang ikakasal ngayon." Bakas na bakas ang wistfulness at regret sa tinig at mukha nito. "You should be wearing my ring, not his."

Hindi niya gaanong naintindihan ang huling sinabi nito dahil halos bulong lamang iyon. "You know what, we shouldn't think about the past. It's kinda horrible. At sa totoo lang, nahihiya ako sa mga nagawa at nasabi ko. Let's think more about the present and the future. Wala namang saysay kung babalik-balikan pa natin ang nakaraan. We can't undo the past. Get over it already, Jace. Be happy, okay?"

"How?"

Hinagkan niya ang pisngi nito. Nagulat ito sa ginawa niya kaya sandaling nawala ang kontrol nito sa manibela. Mabuti na lang at wala silang kasalubong.

"You'll be happy. I'll make sure of it." Hindi pa niya alam kung paano niya ito mapapaligaya, ngunit gagawin niya ang lahat upang maging lubos ang kaligayahan nito katulad niya. She would figure something out. Masyado niya itong mahal upang pabayaan na lang niya ito.

<

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon